CHAPTER 3 : SOMETHING WRONG

4 3 0
                                    

SHAINE'S POINT OF VIEW

"Good morning, Shaineeee!" sigaw ko nang bumangon na 'ko sa higaan ko.

Panay unat ako at humikab ng ilang beses.

Gago, I'm still sleepy.

Siguro mag-a-alas dos na nang madaling araw kami naka-uwi kagabi. Laklakan kaming magto-tropa, eh. Bibihira lang 'yong ganoon.

Mahal pa rin namin mga atay namin no. Pampatanggal lang talaga ng stress 'yon.

Sino bang hindi mai-stress? Papasok ako ngayon ng naka-cast pa rin ang kanang braso ko. Pagtitinginan ako lalo ng mga students sa school.

Sikat na nga ako sa pagiging anak ni Hener Tan, mas magiging sikat pa 'ko dahil sa look ko na sobrang ganda tapos may cast sa braso.

Kasalanan talaga 'to lahat no'ng kotse na 'yon, eh. Bwisit na 'yon!

Dapat 'yong driver no'n ang magbayad sa ganito hindi ako.

"Anak, bangon na! Mala-late ka pa sa first class mo!" sigaw ni mommy sa labas.

Napahilamos na lang ako ng mukha ko, kauma-umaga boses niya na naman ang naririnig ko.

Hindi na lang ako kumibo at tumayo na lang sa higaan ko.

May mga mangilan-ngilan akong gamit na natatapakan dahil nakakalat ang mga ito, grabe ata talaga ang kalasingan ko kagabi. Paano pa kaya ako naka-uwi ng maayos?

Hinayaan ko na lang na nakakalat ang mga gamit sa lapag. Kinuha ko ang tuwalya ko at sinampay sa kanang abaga ko.

Ang sakit pa ng ulo ko, sa hangover ko 'to, eh.

Inumpisahan ko na lang na magtanggal ng mga saplot sa katawan ko, pagkatapos ay binuksan ko 'yong shower. 'Yong shower namin pwede kang mamili kung maligamgam o malamig na tubig ang gusto mo o kung natural lang.

Dahil nga may hangover ako ay 'yong cold ang binuksan ko, agad namang bumuhos ang tubig sa shower. Bigla akong nanigas sa lamig, kaya naman lumayo ako ng kaunti at ulo ko lang ang itinapat ko doon.

"Ang sarap." bigla kong pagsalita dahil medyo na-relax ang ulo ko.

Tinapos ko na ang pagligo ko kahit antok na antok pa rin ako. Ngayon lang ako aamin, kasalanan ko talaga bakit antok pa 'ko. Uminom kami ng hanggang magdamag, eh.

Sila Leah kaya, ano na kayang ginagawa nila?

Lumabas na 'ko sa cr ng nakabihis na. Humarap ako sa malaki kong salamin na nakakabit sa malaki kong aparador.

"Ang ganda ganda ko talaga" puri ko sarili ko.

Nag-smile pa 'ko sa harap ng salamin, naglagay na rin ako ng foundation sa mukha ko at lip tint naman sa labi ko. 'Yong lip color ang kulay ng lip tint ko, para siyang kulay pink na nagre-red basta ganoon.

Naglagay din ako ng mascara, sayang naman ang haba ng pilikmata ko kung 'di ko i-expose ng sobra gamit 'tong mascara ko.

Lahat ng mga gamit ko ay branded, lahat din 'yan bago, wala kang makikita na malapit ng ma-expired.

Puno rin ng iba't ibang klase ng damit ang closet ko, lahat 'yon ay ako lang ang pumili. Lahat din ng mga color ng damit na nandoon ay black and white. Meron namang ibang kulay pero 'yon talaga ang mas lamang. Favorite ko kase ang dalawang color na 'yon, pakealam niyo ba?

Sa dami ng gamit ko sa loob ng kwarto ko ay  hindi pa rin 'yon sapat para mapuno ang kwarto ko. Sobrang laki kaya ng room ko, ang theme pa nito ay black & white rin.

Mahilig talaga ako sa color na 'yon dagdag pang perfect na combination sa maputi kong balat.

Makinis ang katawan ko at malambot kahit hindi ako maghilod hindi ako mangingitim.

The Red String Where stories live. Discover now