CHAPTER 5 : MY MOM AND I

3 3 0
                                    

SHAINE'S POINT OF VIEW

Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang lalaki na ’yon. Sino ba talaga siya?

Kailangan ko pa ba talagang problemahin ’to? Wait. . . parang nag-aassume lang ata ako na ako ’yong tinutukoy no’n, eh.

What if ako nga? Tangina.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko na ang haba ay abot likod.

Scroll here, scroll there. Ang boring!

Nakakairita!

Napa-crossarms na lamang ako at padabog na sumandal sa swivel chair ko na kulay black.

Busy pa akong magmuni-muni ng may marinig akong kumakatok sa labas ng pinto.

“Shaine, are you there?” siya na naman, I'm sure sesermonan na naman ako nito.

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang maghintay sa labas. Ayo’kong marinig ang panenermon niya sa’kin ngayon, paawat naman muna. Meron pa akong iniisip at ginugulo niya na lagi ang isip ko.

“Shaine, are you there?” napansin kong tumaas ng kaunti ang kaniyang tinig sa pagtawag sa’kin, but still I didn't mind her.

As I said, bahala siya riyan.

“Alam kong nandiyan ka sa loob and I know na kanina mo pa ’ko naririnig.”

Alam niya naman pala, bakit hindi pa siya umalis alam niya namang hindi ako makikinig sa kaniya.

“Shaine, ano ba? Wala ka man bang balak  talagang kausapin ako?” this time gusto niya na talaga akong sigawan.

Napuno ako sa kaniya kaya nasigawan ko siya, “Ano ba kaseng kailangan mo?!” inis na inis kong turan sa kaniya.

“Shaine!” sumigaw siya at nabigla na lang ako ng bigla siyang pumasok sa loob ng kwarto ko.

How come? Naka-lock ’yong pinto ko tapos nakapasok siya agad? Just wow.

Nang palapit na siya doon ko nakita na may mga hawak siyang susi, ah I knew it. Kinuha niya na ang mga spare keys ng room kase alam niyang hindi ko siya pagbubuksan.

Tamad akong tinitigan siya habang siya naman ay sobrang bilis sa kaniyang paglalakad palapit sa’kin.

I saw her face at kitang-kita kung gaano siya kagalit ngayon.

Hindi na ako nakapagsalita pa o iwas man lang dahil bigla na lang na may dumampi na nagbabagang palad sa aking kaliwang pisnge.

Napasinghap ako sa pagsampal na iyon sa’kin ng mommy ko. Nabaling din sa kanang direksiyon ang mukha ko dahil sa lakas ng kaniyang sampal.

“Wala kang respeto!” sigaw nito sa’kin habang sapo-sapo ko pa rin ang aking kaliwang pisnge na namamanhid dahil sa kaniyang pagsampal.

What the fvck did I do?

Agad akong bumaling sa kaniya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon.

“What’s wrong with you?” ako naman ang napasigaw sa kaniya, hindi ko rin nakontrol ang aking sarili dahil sa nagawa niya sa’kin.

“What’s wrong with me? Are you fvcking serious, lady?!” I raised my left eyebrows, para ipaalam sa kaniya na walang mali sa’kin at siya ang may mali.

Dahil sa ginawa ko ay nagkaroon naman ako ng sampal sa kanang pisnge. Nabaling naman sa kaliwa ang mukha ko dahil sa malakas nitong pagkakasampal.

“Anong karapatan mong pagtaasan ako ng kilay? Sumosobra ka na, sumosobra ka na! Napakawalang modo mong bata, hindi kita pinalaking ganiyan!” ito na naman tayo.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: May 13 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

The Red String Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt