Chapter 1

20 1 0
                                    

Two years ago...

"If you really care about this family, then do as I say!" Trent's father exclaimed in authority.

"Hindi ko responsibilidad na dagdagan 'yang yaman mo, kaya asa ka!" Trent retaliated. Hinding hindi niya hahayaang maging sunod-sunuran na lang sa ama.

His father wants him to get married to a girl he doesn't even know. Ultimo pati ang kaniyang career ay gusto nitong pakialaman. Gusto niyang maging isang Architect at hindi negosyante. Gusto ng kaniyang ama na magtrabaho siya sa kanilang kompaniya at kalimutan ang pangarap niyang maging isang Architect. Last day niya ngayon sa kaniyang apprenticeship at kagagaling niya lang sa firm, tapos ito pa ang ibubungad ng kaniyang ama na para bang gusto lang siya nitong mag-grocery.

Noon pa man ay tutol na ang ama sa kagustuhan niyang maging Architect. Dapat ay Accountancy ang ipapakuha nito sa kaniya ngunit hindi siya naging sunod-sunuran sa ama. Kinailangan niyang makapasa sa scholarship examination ng university na pinapasukan niya noon para lang makapag-aral ng walang suporta galing sa ama. Kung hindi dahil sa kaniyang ina ay baka napalayas na rin siya noon nang malamang itinuloy niya ang pag-aaral ng Architecture.

"Wala ka talagang utang na loob! Wala ka kung wala ako kaya sumunod ka sa sinasabi ko!" Galit na galit na ang ama niya.

"Ginusto ko bang maging anak mo? Loko ka pala eh." Hindi rin umuurong si Trent.

Matagal nang matigas ang ulo ni Trent lalo na kapag ang ama niyang si Warren Angeles ang nag-uutos sa kaniya. Hindi sila magkasundo dahil masyadong mataas ang expectations ng kaniyang ama.

"Trent, you're being disrespectful." Sita ng kaniyang ina, si Liana Angeles.

"Don't he deserve it, Mom? He's being ridiculous! Don't tell me you agree with him." Umaasa si Trent na maiintindihan siya ng kaniyang ina, na sa kaniya ito kakampi.

"Baby, your dad meant well. It's going to be fine. Just trust him." Bumagsak ang balikat ni Trent sa sinabi ng kaniyang ina.

"So, you're selling me off, too?" Mahinang tanong ni Trent sa kaniyang ina.

Nanghihina siya sa ideyang hindi man lang siya kayang ipagtanggol ng ina. This is about his future, at wala sa plano niya ang mainvolve sa isang  marriage of convenience.

"No, no, Trent. Don't think in that way. We just want what's best for you." Pagtanggi nito.

His mother was already been brainwashed by his father.

"Ma, 23 na 'ko. I might be immature as you think, but I definitely know what's best for me and this is not it!" Pagmamatigas ni Trent.

"There's no point in protesting, Trent Willard. Sooner or later, you're going to meet your bride-to-be. So get yourself ready, magtino ka na. Huwag na huwag mo akong ipapahiya. You're my eldest son. By tradition, you're bound to take responsibility for this family, for our legacy." Pagpipilit pa rin ng ama.

"You can disown me but I will never let you dictate me." Sagot ni Trent bago tuluyang umalis sa kanilang mansion.

He can hear his mother calling him but he never looked back.

Despite his playful and reckless heart, he doesn't like the idea of spending the rest of his life with someone he barely even know.

Besides, why have only one woman if you can have more?

Napangisi siya sa naisip.

Pagkatapos ng pagtatalo nila ng kaniyang mga magulang ay hindi na bumalik sa mansion si Trent. He expected frozen funds on his cards but all are working well. He got a condo from his mom at doon na siya umuuwi. He didn't expect that from his father. Alam niyang hindi naman ganon kalakas ang impluwensiya ng kaniyang ina para makumbinsi ang kaniyang ama na hayaan na lamang siya, kaya hindi pa rin siya nagpakampante.

Way Into Your HeartWhere stories live. Discover now