Chapter 2

470 15 2
                                    


Eventhough his flashback has ended, tila lutang pa rin si Trent. Of all the people, hindi niya inexpect na si Natasha Alexandra Rivera, ang ex-girlfriend na tatlong taon na niyang hindi nakikita, ang siyang fiancee ng kapatid niya.

She's walking like an international A-List model towards him while holding one suitcase in each hands. Tuluyan nang nakalapit si Alexandra ngunit nakatulala pa rin si Trent, hindi yata makaget over. Well, parang double meaning.

"Hi, nice meeting you again, my soon to be brother in law." Bati ni Alexandra sa harap ni Trent. It was obvious to him that she's just faking a smile.

With what she said, batid niyang alam na nito na magkapatid sila ng magiging fiance ng dalaga. If he only knew, he could have agreed to that freaking arranged marriage. Despite her disapprearing act and the pain that it caused him, he still wants her in his life. There's no point of denying that.

Parang nabibingi si Trent at hindi niya alam kung ano ang irereact sa sitwasyon. Halos pigil din ang kanyang paghinga. He was not prepared for this moment no matter how he wished this time would come. Masyado nang matagal ang tatlong taon kaya hindi na siya umasa pang madaling maaayos ang relasyon nila.

"Nat..." Tila natutulala pa ring usal ni Trent.

"Yes, it's me. You're not imagining things." Iwinasiwas pa ni Alexandra ang kamay sa harap ni Trent.

"I.." Hindi niya alam ang sasabihin ngayong nasa harap na niya si Alexandra.

Hindi niya alam kung magdedemand ba siya ng explanation o magwawala dahil magiging fiancee na ito ng kapatid niya. They didn't even have a proper break up.

"Speechless, huh?" Natawa na lang si Alexandra dahil sa reaksyon ni Trent.

She seems okay but deep inside, gigil na gigil na siyang makita kung ano nga ba ang magiging reaksyon ni Trent sa bigla niyang pagbalik. Napaaga nga lang ang kanilang pagkikita, akala niya kasi ay si Brent ang susundo sa kaniya.

A month before her arrival in the Philippines, pinaalam na sa kaniya ng Daddy niya kung sino ang ipapakasal sa kaniya, kasama ang mga information tungol dito at sa pamilya niya. Of course she was shocked upon discovering na kapatid pa talaga ng ex niya ang ipagkakasundo sa kaniya. What a small world, indeed.

"I guess, you'll bring me to the Angeles mansion? Or are you waiting for someone else? My gosh, maybe I was wrong for thinking you're here to pick me up." Mahabang litanya ni Alexandra dahil wala pa ring imik si Trent. Umakto pa itong natatawa dahil ang awkward na nilang dalawa.

"Ah, I really came to pick you up. Brent's not available." Medyo humaba naman ang nakayang sabihin ni Trent. Nahimasmasan na kahit papaano.

"Oh, is that so? Let's go then." Nauna na si Alexandra sa paglalakad na sadyang iniwan ang dalawang maleta. Walang nagawa si Trent kundi dalhin ang mga 'yon at napailing na lang habang humigit ng malalim na hininga, saka sumunod na kay Alexandra.

She could still boss me around without even saying anything.

Naisip ni Trent.

Pagkatapos ipagdrive at ihatid sa mansion si Alexandra ay dumiretso na si Trent sa club ng pinsan niyang si Tristan, alas tres pa lang ay napasugod na siya doon. Naiinis siya dahil parang wala lang kay Alexandra ang kanilang pagkikita, madalas pa itong nakangiti na para bang wala silang nakaraang dapat pag-usapan. Lalo pa siyang nainis sa ideyang ikakasal ito kay Brent.

Panay pa nga ang tanong nito kung nasa'n daw ba ang kapatid niya, at kung ano-ano pa na tungkol naman lahat kag Brent.

He was just silent and ignored her, afraid that he may say things that he will eventually regret.

Way Into Your HeartWhere stories live. Discover now