Kabanata 6

58 0 0
                                    

Safe place.

Ingay nang mga tao, ang aking naririnig bago ko minulat ang aking mga mata. Nanginig ako matapos kung maalala ang nangyari kanina.

Si Tsong.

"Gising na siya Shia." Sabi nang pamilyar na boses.

Unti unti iginala ang aking tingin sa paligid, una kung nakita si Icarius, nakaupo sa aking tabi. At si Shia na papunta sa akin, sa nag aalalang tingin.

"Nasa Hospital ako?" I asked, tumango si Shia at niyakap ako.

"Sorry Chan." Hikbi niyang sabi.

"Sorry? Nasa bahay ako kanina pano ako napunta dito? Ba-bakit ka nag so-sorry? Wala ka namang kasalanan. At tsaka si Tsong?"

Nanginginig ako habang tinatanong iyon sa aking kaibigang mahigpit ang yakap sa akin.

"Nasa kulungan na ang gagong iyon Chantyl. Tangina, kung sana ay pwede ko siyang patayin ginawa ko na."

Binalingan ko si Icarius, matapos nyang sabihin iyon. Bakas sa mukha nya ang galit. Iniwas niya ang tingin sa akin.

Siya ba ang tumulong sa akin?

"Paano ako nakarating dito?" I asked.

"Si Carius, dinala ka nya dito. Ang sabi niya sa amin nakarinig sya nang sigawan sa loob nang bahay nyo noong paalis na siya. Tapos nakita ka nyang nakahiga habang sorry." Hindi na tinuloy ni Shia ang kanyang sinabi, iyak lang siya nang iyak habang nakayakap sa akin.

"Huwag kang umiyak." Alu ko sa aking kaibigan.

"Dapat lang mabulok sa kulungan ang gagong yon! Naka drugs siya Chantyl! Paano niya nagawa sayo yon! Chan... Muntik ka nang ma rape."

Tumulo ang aking mga luha nang maalala ko ang nangyari kanina.

"Nasa ku-kulungan na siya?"

"Oo, nandoon sina Gaia at Collet, kasama sina Kane, huwag kang mag alala hinding hindi na siya makakalabas pa nang kulungan! Pangako namin iyan sa iyo."

"Naka drugs sya at wala na sa tamang pag iisip." Ani Icarius sa tabi ko.

"Salamat sa inyo." Naiiyak kung sabi.

"Kung sana ay hindi ko inuuna ang ibang bagay. Kung sana ay sinamahan kita kanina. Kung sana-"

"Shia, huwag mong sisihin ang sarili mo."

"Alam ba ni Auntie?" Hindi pa nila ako nasagot sa aking tanong ay padabog na binuksan ni Auntie ang pintuan, galit na galit.

"Auntie."

"Inggrata ka! Ang kapal naman nang mukha mong ipakulong ang asawa ko! Wala ka talagang utang na loob!"

"Auntie, muntik na p-po akong gahasain ni Tsong. Naka drugs po sya."

"Wala akong pakealam! Kausapin mo ang mga pulis! Na palayain ang Tsong Dante mo! Matapos ka naming alagaan!"

"Putangina." Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sinugod ni Shia si Auntie at sinabunutan ito.

"Icarius!" Tawag ko sa katabi ko para awatin si Auntie at Shia

"Anong klaseng Tiyahin ka! Pamangkin mo muntik nang magahasa, ganyan pa iniisip mo! Ikaw! Ikaw ang walang kwenta!"

Kitang kita ko kung paano hilahin ni Shia ang buhok ni Auntie Lena. Inawat sila ni Icarius, nasampal pa siya ni Shia dahil inawat niya ang dalawa.

"The fuck." Rinig kung mura niya.

May pumasok na dalawang nurse, kahit sila ay nagulat sa nakikitang  sabunutan ni Auntie at Shia.

"Ma'am tama na po!" Sabi nang isang nurse.

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя