Kabanata 25

73 2 0
                                    

Tired.

Tuwang tuwa si Direct Tim, sa nangyari nong concert, tama nga siya. Dahil boung linggo kaming laman nang mga tabloids, at balita.

Nabanggit din sakin nang P.A ko na may fandom na raw kaming dalawa ni Icarius.

Fandom means more, more fan service to serve. servicing the fan giving the fans exactly what they want.

At masaya ako sa parteng iyon, how about Icarius? Is he happy too kagaya ko?

Hindi ko alam, hindi ko natanong, dahil nag kakalapit lang naman kaming dalawa tuwing may camera, at media.

"Pwede ba tayong mag usap saglit?"

Tanong ko kay Icarius, isang araw matapos kaming ipatawag sa opisina ni Direct Tim.

Iritado niya akong binalingan, nilingon ang kanyang P.A tumango si Calvin at naunang lumabas sa opisina, sinabihan ko rin si Vie na mauna na sa labas, sumunod naman siya sa gusto ko.

Kaming dalawa nalang ang tao sa conference room na iyon, nagulat ako nang nilock niya ang pinto at sinarado ang blinds.

"Hindi kaba napapagod?" He asked me coldly.

"Pwede bang wag ka munang magalit?"

"Kasi ako pagod na pagod na sa pangungulit mo Chantyl."

Natahimik ako nang narinig iyon sa kanya, gusto ko lang naman marinig niya ang paliwanag ko, para komportable kaming maka trabahong dalawa.

"Icarius... About years ago.."

"Ilang beses ko na bang ipinahiwatig sayo na hindi ako interesadong pag usapan iyan? Hindi kaba nakakaintindi o nag tatanga-tangahan ka lang?"

Nagtagal ang tingin ko sa kanya nang marinig ko iyon.

"Kalimutan mo na lahat nang tungkol sa atin, dahil ako tapos na ako riyan, nakikiusap ako sayo. Wag mo nang banggitin ulit iyan."

"Pero Icarius, gusto ko lang naman marinig mo ang paliwanag ko."

"Para mo lang din akong binalik sa dati, kung kailan ayos na ako. Bakit ba paulit ulit ka?"

"Hindi ko sinadyang saktan ka."

"Pero sinaktan mo na ako, minamaliit mo pa ang pag katao ko."

"I just did it para lumayo ka at akuin mo ang obligasyon mo sa anak mo."

Ngayon ko lang nabanggit sa kanya iyon, dahil noong nag usap kami nang gabing iyon hindi ko binanggit sa kanya ang tungkol kay Cayla at anak niya.

Gumawa ako nang ibang paraan para mapaniwala siya, sinabihan siya nang masasakit na salita.

Para tuluyan siyang lumayo at gampanan ang pagiging Ama niya sa anak nila ni Cayla.

"I'm so guilty... For everything... For hurting you.. Icarius, sana patawarin mo na ako." Pakiusap ko sa kanya.

"What a fucking obligations are you talking about?"

Halata sa mukha niya ang gulat, I sighed, tears ran down my cheeks.

"Stop crying, hindi mo ako madadala sa ganyan." Malamig niyang sabi sa akin.

Marahan akong tumango at pinunasan ang aking mga luha. Maybe its the right time to tell him the truth, to tell him everything..

And I hope after this, maging maayos kaming dalawa, kahit iyong trato niya lang sa akin. Masaya na ako roon at wala na akong hihilingin pa.

Kahit hanggang doon lang, mapanatag lang ang kalooban ko. Para makapag trabaho nang maayos kasama siya.

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now