Kabanata 13

61 0 0
                                    

Feelings.

Pagkalabas ko nang restobar ay nakita ko si Icarius, nakatayo sa gilid nang sasakyan niya. Lumiko  ako sa kabilang side para doon na dumaan. Naririnig ko ang mga yapak nang sapatos niya, tumatakbo, sinusundan ako.

"Chantyl.." Tawag niya sa likuran ko, hindi ko na siya pinansin at patuloy parin ako sa pag lalakad.

"Chan let's talk please."

Ang hirap hirap naman nito! Ang hirap hirap niyang ayawan! Pero ang dali lang sa kanyang bitawan ako at bumalik sa babaeng iyon!

Tumigil ako sa pag lalakad at hinarap siya, kitang kita ko ang guilt sa mukha niya. I crossed my arms and look at him Icy.

"Sege, mag uusap tayo, pero alin doon? Ang pang gagago mo ba sa akin, o ang pagbalikan niyo nang ex mo?"

He clenced his jaw and gritted his teeth

"Alin doon Icarius?" Malamig kung tanong sa kanya. Sinubukan niyang lumapit at hawakan ako sa braso, hinawi ko ang kamay. His jaw dropped.

"Mali ka nang iniisip Chan, hindi ako nakikipag balikan sa ex ko."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, dahil sinabi niya sa aking hindi siya nakipag balikan sa ex niya. Dapat ba akong mapanatag?

"Pero mag kasama kayo?"

"She asked me to go out with her."

"At pumayag ka naman?" Iritado kung tanong sa kanya. Sinubukan niya ulit akong hawakan.

"Huwag mo akong hawakan Icarius, nakikiusap ako sayo. I stared at him blankly. Kitang kita ko ang  bigo sa kanyang mukha.

"Kasama namin ang iba naming mga kaibigan Chan."

"Nang hindi mo sinasabi sa akin? Akala ko ba ay dapat natin sabihin sa isa't isa ang mga lakad natin? Ikaw mismo ang nag sabi niyan sa akin, hindi mo rin naman pala kayang sundin."

"I did, you just didn't read my messages."

"You still go out with her without my permission Carius, what do you expect me to do? Matuwa?"

"I'm sorry."

"Anong gagawin ko sa sorry mo? Nagawa mo naman na."

"You didn't reply paano ko malalamang okay lang sayo?"

Uminit ang pisngi ko nang sinabi niya iyon. May message nga siya kanina, nakita ko hindi ko nga lang binasa dahil naiinis ako sa kanya.

"O sege na, kasalanan ko na. Pero sana naman Carius, kahit respeto nalang sana din sa akin. Oo hindi pa tayo, pero sana man lang inisip mo ang mararamdaman ko. Kahit respeto lang sana.

"Hindi ko lang ma hindian Chan, its been years, since we saw each other. Sa ibang bansa siya nag aaral."

"But its doesn't mean hindi mo na rerespetuhin ang nararamdaman ko."

"I'm sorry, hindi lang naman kaming dalawa ang magkasama kasama namin sina Kurt."

"You miss her?" Ayaw ko mang tanungin iyon dahil alam kung masasaktan din ako pero hindi ko napigilan.

"Mag kaibigan kami Chan."

"Mag ex." Pagtatama ko sa kanya.

"I'm really sorry, huwag ka nang magalit please?" Malambing niyang sabi sa akin.

"Do you still love her?" Kalmado kung tanong sa kanya.

He shut his eyes and clenced his jaw, na para bang ang hirap sagutin ang tanong ko.
Ilang minuto kung inantay ang sagot na gusto kung marinig.

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Where stories live. Discover now