CHAPTER 39

3 2 0
                                    

DYNA CURSED Valeen and her squad with fury burning in her voice, she pointed them with threat and about to slap their leader when Ate Chona came between us to remind us of the people around. Bago pa magsinungaling si Valeen ay dumating na si Wind at mabilis itong hinila palabas, sumunod naman ang dalawang kaibigan nito kaya't gumaan na ang cafe kahit paano.

"Mga baliw ang mga iyon!" Napahawak siya sa mesa nang dumulas din ang paa niya sa sahig. "Mantika ba'to?"

"I think baby oil," singit ni Dyna na nakatayo parin sa harap ko. "I was about to tell you but you're rushing."

"Mga naka-drugs talaga ang mga iyon, ah. Buti na lang may nakakita." Ate Chona smiled to Dyna. "Salamat, miss, ah."

"Anything for Lezlie..." Dyna smiled adorably to me. "Hindi ka ba nasaktan?"

"I'm good..." Awkward smile surfaced on my lips. "Salamat."

"Magkakilala rin kayong dalawa?" Mangha kaming tiningnan ni Ate Chona.

"She's my classmate and..." I bit my lower lip, feeling shy now. "...and friend too. Close friend actually."

"I see. Naku! Iyong mga babaeng iyon kanina pa inaalipin itong kaibigan mo," sumbong ni Ate Chona. "Ang tataas ng tingin sa sarili."

"Is that true?" Lalong sumibol ang pag-aalala sa mukha ni Dyna. "Ba't hindi ka lumaban? You should've knocked them out through their faces, Lezlie."

"Seriously? They are our customers, hindi puwede iyon. Hindi ko puweding ipahamak ang cafe ni ate Rain."

"Ba't hindi mo sinabi sa akin?"

I just gave her a "seriously" type of stare. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siyang ma-realize kung bakit ko nga ba hindi sinabi sa kaniya ang pambubully nina Valeen sa akin.

"Fine, I know now," she said at last. "Pero kahit naman hindi tayo in good terms ay puwede mo akong kausapin, puwede kang manghingi ng tulong."

"I'm fine, Day. I can handle myself."

"But I'm not..." Biglang pinawi ng lungkot ang tapang sa mga mata niya, bumagsak din ang kaniyang tinig. "I can't stand days not talking to you. Rememer when I beat you on our swimming contest back when we were first year high schools? May three wishes ako, hindi ba?"

Goodness! That memory was far enough and I couldn't remember anymore. Pero si Dyna... her mind works differently.

"Can I still redeem it?" Hope was shinning in her eyes. "Kahit mag-usap lang tayo, please..."

"Pero may trabaho—"

"It's fine," biglang sumingit sa usapan ang kakabalik lang na si Wind. Iritado ang mukha niya ngunit kalaunan ay gumaan din naman iyon. "Nakausap ko na si Ate Rain, sabi niya puwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka. Wala kang injury or anything?"

"I'm fine, Dyna catched me."

Ngumiti si Wind kay Dyna. "Thank you for being on time."

"Anything for Lezlie," ani Dyna. Bumaling siyang muli sa akin. "I'll wait for you then. Magbabasa muna ako ng books sa gilid."

"You sure?"

"No problem. Don't mind me..."

Nang maubos na ang customers ay nag-umpisa na rin kami sa paglilinis, ako ang nagwalis habang si Wind naman ang nag-mop ng sahig. Inaayos namin ang mga basura sa kusina nang makatanggap ako ng text galing kay Ate Rain na nangangamusta sa nangyari. Sobrang dami niyang tanong kaya't hindi ko alam kung alin ang una kong sasagutin.

Somebody To LiveWhere stories live. Discover now