CHAPTER 4

871 16 0
                                    


"SOUNDS GREAT..."

Ngumiti ako kay Wind. "I know for sure, it's just that you can't come with me... isiksik kaya kita sa luggage ko?"

"You are so cute, but that's not possible." Tumayo ito pagkatapos niyang ayusin ang sintas ng sapatos ko. "Aside from I will run out of air, mahuhuli tayo sa airport pa lang. Mabuti pa ay manguha ka na lang ng maraming pictures at videos so I could see how pretty the places are."

Kumindat ako. "I will do that for sure."

Tahimik kaming naglalakad patungo sa classroom nang biglang humarang sa daan si Jasson, base sa hilatsa ng mukha nito ay hindi pa rin siya naka-move on sa nangyari. Pero bago pa niya kami saktan ay hinila ko na si Wind palayo. Hindi na nagulat si Wind sa pagtakbo namin, sa dami ng kalokohang ginawa sa amin ni Jass noon pang elementary ay sanay na kaming takasan ito nang takasan. Sa halip na umiyak sa takot ay umiiyak kami sa kakatawa lalo na ng madulas ito sa hallway. Good for him, it's cleaner and poop free. Still we couldn't help ourselves from laughing.

We were after out breaths, chest were rapidly moving when I caught Wind smiling. I smiled too, but it slowly fades away as soon as I saw Katreen and her gang coming our way. Akala ko masaya itong natakasan namin si Jass, pero may iba pa lang dahilan. Kumaway ito sa amin, biglang naglaglagan ang mga libro nito pero mabilis na sumaklolo si Wind. Sa halip na ipasa iyon sa dalaga ay binitbit lang iyon ni Wind para tumulong kay Kat. That was so gentleman of him, I'm proud and pissed.

Hindi pa ako tapos sa inis na biglang sumibol sa aking dibdib nang umakbay sa akin si Dyna at nag-umpisang mangamusta sa sunday ko. Bumati rin sa akin sina Desha bago bumaling kina Katreen at Wind na mukhang may iba na namang mundo.

"You okay, Katty?" ani Dyna habang nakaabay pa rin sa akin.

Ngumiti ito at marahang tumango. "Yes. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ng braso ko."

"Ano ba ang nangyari sa braso mo?" Desha asked. "Masakit pa rin ba dahil sa pagkatumba mo kahapon sa bike?"

"Oo, e..." Nangingiti itong bumaling kay Wind. "Mabuti na lang may tumulong sa akin. Salamat ulit."

Wind smiled charmingly. "Small thing. Gano'n din kasi ang ginawa ko kay Lez noong hindi pa siya marunong mag-bike."

"Nag-bike kayo kahapon?" I asked despite the obvious.

"Yeah, sa park na malapit kina Wind. Grabe, may mas masaya pa pala sa pagbabasa ng libro!" si Desha.

"I told you.  Adventure is not bad, Deshang." Dyna giggled. "Kaya nga't nang matuto ng mag-bike si manang Katreen ay halos ayaw ng paawat kahapon."

"Magaling ang trainer ko, e." Nahihiya itong ngumiti kay Wind. "Salamat sa effort."

"Nag-bike kayo kahapon?"

God! Why do I feel like I was asking the same question again and again? And damn it! They went out biking yesterday and had too much fun without me. Kanina pa kami nagkukuwentuhan ni Wind pero wala man lang itong nasabi sa akin?

Mukhang napansin iyon ng mapang-asar na si Dyna. "Sirang plaka ka ba, Lez? Oo nga sabi."

"Nag-bike nga kami kahapon," si Desha na natatawa na rin sa akin. "Apat lang kami kasi hindi marunong si Kat, pero tinuruan siya ni Wind kaya't marunong na siya ngayon. Sana sa susunod ay makasama ka na rin para mas masaya."

Sa kabila ng panlalamig ko sa nalaman ay pinilit kong ngumiti at sumabay sa kuwentuhan nilang lima. Ang nabuhay kong switch kagabi ay bigla muling pinatay ng gulat at tampo. It was supposed to be a bright and happy day, but right now I couldn't feel anything than disappointment. I'm trying to handle everything despite the fact that I hate to share our friendship and bond with them, but to find out that they had fund without me yesterday is a little too much. No, this is too much! I have to talk to Wind about this. I couldn't do this anymore. This drama will be death of me!

Somebody To LiveWhere stories live. Discover now