Chapter 1

0 0 0
                                    

Kainis naman! Ang ingay! Pag reklamo ko. Sino ba naman ang hindi magagalit? Ang aga-aga nag pa-patugtog yung mga kapitbahay namin.

Meron pang nag video-oke sintunado naman! I mean hindi ko siya masisisi pero kasi ngayon lang ako makakahabol ng tulog!

Huminga nalang ako ng malalim at tumayo sa higaan namin at sisimulan ko nang iligpit ito.

"Wala parin bang pasok bukas ma?" Tanong ko kay mama.

Twelve years old palang ako ngayon kaya syempre ang hinihintay ko talaga ay ang pag anunsiyo ng teacher namin ang pag suspende ng klase namin Bata pa ako e'.

"Wala pa anak" Sagot na lang ni mama saakin.

"Dalawang araw ng wala kami pasok pangatlo na bukas? Pero okay lang may quiz kami bukas e' " Sagot ko naman sabay tawa.

"Kumain ka nalang diyan" Sabi nalang ni mama saakin.

Bad mood yarn?

Kumuha nalang ako ng pagkain sa kusina namin saka bumalik sa sala para kumain. Yes sa sala kami kumakain andun yung lamesa e'.

"Ate yung cellphone?" Tanong ng kapatid ko saakin.

"Aga-aga Cryzell cellphone agad hanap mo?" Sagot ko sakaniya.

Si Cryzell nga pala ang aking pangalawang kapatid Isang taon lang ang agwat namin ewan koba Kela mama bakit Isang taon.

Desisyon ka girl?

"Damot mo! Sumbong kita kay mama e' " Pagmamaktol na Sagot nito saakin.

"Madamot agad? Hindi ba pwedeng ako muna ang gumamit? Kahapon mopa gamit e' " Pag tatanggol ko sa sarili ko.

"Anong kahapon? Ikaw nga gumamit nun natulog na ako ng maaga!" Galit na Sagot ni Cryzell saakin.

"Kasalanan kobang natulog ka ng maaga?!" Galit na sambit ko.

"Hoy ano bayan ang aga-aga nag aaway kayong mag Kapatid!" Sigaw ni mama saamin.

"Si ate kasi!"

"Anong ako?! E' Ikaw nag simula!"

"Isa!" Sigaw ni mama.

~~~
Cryzell ganto po basa niyan is "Krizell" hindi po literal na "cry" a'?

My Dandelion Where stories live. Discover now