Chapter 4

0 0 0
                                    

"Ma sa totoo lang wala na kaming natutunan" Biglang sabi ko kay mama  habang gumagawa kami ng module ng Kapatid ko.

Oo nga pala dumating si papa kaninang umaga dala yung cellphone ng Kapatid ko tuwang tuwa naman siya.

Hindi naman nag tagal dito si papa saglit lang din siya kaya iyun pagkabigay nag pahinga lang saglit tas umalis na.

"Wala kang magagawa anak ganyan talaga anong gusto mo may pasok kayo pero mahawaan ng virus?" Sagot naman ni mama saakin.

"Ayoko nun gusto kopang mabuhay nakakatakot kayang lumabas" Sagot ko nalang kay mama.

"Tignan mo kaya stay nalang tayo sa bahay kahit papaano ligtas tayo" Sagot nalang ni mama saakin saka bumalik sa pat ce-cellphone.

"Hoy! Nag pi-picture kalang diyan hindi mo ginagawa modules mo! Sama ako!" Sabi ko sa Kapatid ko ng Makita ko siyang nag pi-picture lang.

"Ayoko may cellphone ka naman" Sagot ni Cryzell saakin.

"Lobat nga e' Sasama lang naman" Pag inarte ko.

"Mamaya masira cellphone ko" Pang aasar ni Cryzell saakin.

"Masira... Sirain ko talaga yan!" Pag takot ko sakaniya.

"Tara na nga!" Sagot nalang nito saakin.

"Papayag din naman pala e'" Sabi ko na lamang sabay pose para sa picture.

****
Anong app ito? Tanong ko saaking sarili.

Nakita ko kasi sa Play store itong Omelette Arcade na app nakikita ko na kasama yung Minecraft doon kaya ininstall ko nadin.

Pag install ko lumitaw yung Create account. Gumawa ako ng account ko saka sinimulang mag laro.

Mga ilang minuto may nag join saaking Minecraft world habang gumagawa ako ng sarili kong bahay. Oo nga pala naka creative ako kasi tinatamad pa akong mag survival.

Nang maya maya biglang pinasabog ng nag join saaking Minecraft world yung bahay ko. Steve ang pangalan nito.

Sa inis umalis ako sa Minecraft world ko at naki join sa ibang world.

Dito kasi sa Omelette Arcade kahit kaninong world pwede kang sumali basta naka wifi or data ka.

Sakto naman at naka wifi kami kaya yun nakaka pag laro ako.

Meron akong nakitang world na SURVIVE ang pangalan naka survival ito at thirty player ang pwede mag join. Oo nga pala pwede modin gawin yun kahit kailan mo gusto.

Pinindot ko yung join sakto naman at nag respawn ako kung saan may chest, ang chest po ay lagayan ng mga gamit pwede ko doon ilagay yung mga nakuha mo.

At pwede mo naman ulit ito kunin kung walang kukuha, itong chest na ito ay may nakalagay sa harap na for new players who joined.

Kaya pwede kong kunin ito nung tinap kona ang chest lumitaw doon ang puro pag kain, Apple, bread, at baked potato.

Instead na Apple at bread ang kunin ko yung baked potato ang kinuha ko.

Pagtapos ko kunin yung baked potato ay nag libot na ako sa world na ito.

Maya maya pa ay habang nag lilibot ako biglang may tumamang arrow saakin.

Ni-controll ko yung character ko at hinanap iyun ng mga ilang segundo may nag chat sa Minecraft world na ni-join ko.

Aaron: Sorry about that I didn't mean to do it I'm sorry

Iyun ang sabi sa chat sa Minecraft.

Kaya nireplayan ko nalang.

Azria: It's okay

Aaron: Seriously turn around.

Sabi saakin ng Player Aaron na iyun. Ni-controll ko yung character ko saka tumingin saakin likuran.

Aaron: Hey

Azria: Uh... Hi?

Aaron: Come here follow me

Azria: Alright

My Dandelion Where stories live. Discover now