Chapter 8

0 0 0
                                    

"Iyun ang kahihiyan na hindi ko makakalimutan sa taon na iyun nakakahiya super" Kwento ko sa kaibigan ko na si Marjorie.

Kinuwento ko talaga sakaniya lahat ng nangyari saakin noong pandemic times, wala naman kasi kami ginagawa ngayon TLE namin kaya naisipan ko nalang mag kwento sakaniya.

"Eh ngayong grade 10? Kayo na?" Tanong naman nito saakin.

"Well... Oo" Nag-aalangan na Sagot ko sakaniya. Saka tinignan ito.

Kitang kita sa Mukha niya na nagulat ito sa sagot ko.

"Bakit hindi mo sinabi saakin?! Ikaw ha!" Pabirong sagot nito saakin. Habang inaalog ang mga braso ko.

Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Oo na tama kana" Sagot ko nalang sakaniya.

"Kaibigan na kita simula grade 9 ngayon molang sinabi saakin" Biglang sambit nito saakin.

"Alam mo naman yun diba..? Pumasok ako sa Isang relasyon din noong grade 9 tayo pero anong nangyari? Tinigil ko kasi si Aaron parin nasa isip ko eh" Sagot ko kay Marjori.

"Eh ngayon sure kanaba diyan Kay Zendric? Baka mamaya malaman ko nalang naghiwalay kayo kasi hanggang ngayon hinihintay mo parin si Jason" Tanong naman ni Marjorie saakin.

Aaminin ko may parte parin saakin na hinahanap si Aaron... Pero ang gusto ng puson ko ngayon ay si Zendric.

"Hindi na sure na ako ngayon" Sagot ko sa Tanong ni Marjorie. Saka ngumiti.

"Sige sabi moyan eh..." Tumigil ito saglit. "Paano pala kung nag pakita sayo si Aaron ngayon tapos kasama mo si Zendric?" Tanong ni Marjorie saakin.

Halatang seryoso siya kaya nag seryoso nadin ako.

"Wala..." Nag-aalangan kong sagot. Saka umiwas sa mga tingin niya.

"Sabi na eh!" Pasigaw na sagot nito.

Lumingon saamin si Zendric. Nasa kabilang upuan kasi siya nakikipag laro sa mga iba niyang kaibigan.

Tinignan niya lang kami saglit saka nakipag laro ulit sa mga kaibigan niya. Buti nalang busy sa cellphone yung mga iyun.

Tinignan ko si Marjorie. "Hinaan molang boses mo"

Tumawa naman ito. "Sorry... Time na pala sige na bukas nalang ulit" Paalam ni nalang ni Marjorie saakin.

"Sige sige nasa wala pa si ma'am bukas hehe" Pilosopo kong sagot.

Hindi nalang sumagot si Marjorie kumaway nalang ito ng paalis. Ako naman kinuha yung bag ko sa upuan saka binuhat ito sa likod ko.

Paalis na sana ako ng biglang hawakan ni Zendric braso ko. "Wait mo ako zy sa labas hm" Biglang sabi ni Zendric saakin.

"Bilisan mo" Simpleng sagot ko saka lumabas ng room. Mga ilang minuto naman ay lumabas narin siya ng room namin saka ni-lock yung mga pinto nasa kaniya kasi yung susi ng room namin sakaniya pinahawak kaya mag hihintay talaga kami na matapos maglinis yung mga cleaners.

"Tara na po, ako na diyan sa baunan mo" Sabi nalang ni Zendric saakin saka kinuha baunan ko para bitbitin ito.

Hindi panga ako nakaka Sagot kinuha agad. "Ay babi..." Pabulong na tawag nito saakin.

"Po?" Simpleng sagot ko saka tinignan ito.

"Since maaga pa naman punta ka muna saamin tulog lang tayo saglit pwede?" Tanong ni Zendric saakin na may halong tuwa sa boses.

"Alam ni tita maaga lang ako uuwi eh" Sagot ko naman sakaniya.

"Ako na bahala dun sige na kasi" Pag pupumilit nito saakin.

Tumawa nalang ako. "Oo na" Sabay kong sagot.

"Tara na!" Excited na pag-aya nalang ni Zendric saakin.

My Dandelion Where stories live. Discover now