Chapter 9

0 0 0
                                    

Medyo malayo ang nilakad namin kasi malapit lang naman bahay nila sa school namin ako kasi bumibiyahe pa kaya pag maaga talaga uwian uwi na dapat ako.

"Bagal mag lakad liit liit kasi" Pang-aasar saakin ni Zendric.

"Atleast hindi nagpapa-baby" I simply said and rolled my eyes at him.

Huminto siya sa pag lalakad saka tinignan ako.

"Oh, bakit huminto ka?" Pang-aasar ko sakaniya.

"Walang personalan!" Pag mamaktol ni Zendric saakin.

Tumawa nalang ako saka lumapit sakaniya at kinapitan yung braso niya.

"Oo na tara na, nagugutom na ako eh" I simply said.

Hindi na siya sumagot pa nag patuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay nila.

Wala ang papa niya sa bahay nila kaya inaya niya ako hindi pa kasi nasasabi ni Zendric sa papa niya na may girlfriend na siya kaya palihim kaming pumupunta sa bahay nila at pangalawang beses na ito.

Sakto naman at wala ang papa niya mamaya pang gabi uuwi mga alas-diyes pa ng gabi ang uwi kaya susulitin na namin ito.

"Lapag mo nalang bag mo diyan sa upuan sandok lang ako ng kanin" Zendric said to me na may medyo pag ka-inis.

Siguro nung inasar ko siya kanina kaya nainis hindi ko nalang iyun pinansin. Nilapag ko ang bag ko sa upuan saka nilabas ang baon kong kanin habang inaantay siya.

"Love kain napo tayo dito" Pag tawag saakin ni Zendric sa kusina nila.

Hindi nalang ako sumagot at pinuntahan nalang siya doon sa kusina.

****

"Eh paano kung hindi pumayag sila tita mo?" Tanong ni Zendric saakin.

"Papayag yung mga iyun basta nasa tamang edad ako mag boardinghouse" Sagot ko naman sakaniya.

Oo nga pala andito kami sa kuwarto niya pag tapos kasi namin kumain umakyat na kami sa kuwarto nito at dito nalang nag pahinga.

About kila tita nag paalam na ako na dito muna ako kila Zendric uuwi nalang ako mga alas-tres ng hapon.

"Basta punta ako pag nag board kana ha?" He simply said to me and hug me.

I just nod and hug him back. Hey what can I say? This is my first ever relationship I ever had and beside I really like to hug him too... Anyway!

"Love... Tulog po tayo..." Pag-aya niya saakin.

"Ayoko hindi ako inaantok eh Ikaw nalang" Sagot ko naman. Hindi pa talaga ako dinadalaw ng antok.

"Okay... Ako nalang po tutulog" Simpleng sagot nito saakin.

Tumango nalang ako saka nag basa bsa sa cellphone ko habang nakayakap ito saakin at natutulog.

Bilis niyang makatulog paano tuwing may kailangan yung mga kaklase ko like magbuhat ng upuan sakaniya sila nag papatulong habang yung mga tropa nila naka-tambay lang.

Diba? Kainis minsan nalang kami mag sama iniistorbo pa, eh iyun pa naman ang ayoko! Pero wala akong magagawa kailangan siya eh.

Mayamaya pa ay binaba ko ang cellphone ko sa tabi ko saka niyakap so Zendric wala kayong pake gusto ko din siyang yakapin charot!

Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayoko nang-umuwi pa pero kailangan eh hindi ko din naman bahay ito saka hahanapin ako nila tita.

"Babi..." Biglang banggit nito habang natutulog.

"Po?" Simpleng sagot ko nalang.

Hindi na siya nagsalita pang muli kundi yumakap nalang ng mahigpit saakin. "Maya kana po uwi..."

"Ha? Loko kaba? Gusto mo pagalitan ako nila tita?" Sagot ko naman sa kaniya.

Bumitaw ito sa pagkakayakap saakin saka sumiksik sa pinaka gilid ng higaan sabay tinalikuran ako.

Parang Bata nag mamaktol!

Wala naman akong magawa kundi pumayag nalang sa gusto niya.

"Sige na po mamaya na ako uuwi Tara na dito" Pag-amo ko kay Zendric.

Agad naman ito lumapit saakin saka siniksik yung Mukha niya sa leeg ko.

"Parang batang hindi napagbigyan ang gusto" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Wala akong pake" naiirita nitong Sagot saakin.

At iyun na nga napikon na siya. Pero hindi ako tumigil kundi inasar at inasar ko parin ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Dandelion Where stories live. Discover now