PROLOGUE

17 1 0
                                    

Yashi Point Of View

"Pasensiya na Ms. Estreba, pero lumalala ang kondisyon ng nanay mo habang tumatagal. Mabilis na lumalaki ang tumor sa kaniyang utak. Mas lumala pa dahil unconscious siya dahil sa nangyaring aksidente. Sa ngayon ay kakayanin pa ng temporary treatment and liquid medicines that she needs but you should prepare. Darating at darating ang araw na kailangan na natin siyang operahan."

Napatitig ako sa doktor dahil sa sinabi niya. My eyes full of tears that I forced to hold back. Ilang buwan na si mama na naka confine sa hospital na ito ngunit mas lumalala lang ang kondisyon niya. Mabuti na nga lang at scholar ako ng nagmamay-ari ng hospital na nagawa ako nitong pautangin ngunit kailangan ko pa rin itong bayaran kaya ay habang nag-aaral ay nagtatrabaho rin ako sa isang coffee shop na malapit lang din sa paaralan ko.

"Sige po dok. Salamat." Mahina ang tinig na pagpapasalamat ko sa kaniya na tinanguan niya naman. May nakita akong pag-aalala sa mukha niya kaya ay pilit kong pinapatatag ang sarili ko lalo na at ayaw kong may ibang makakita sa akin na umiyak. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa harap ng office table ng doktor na nag-aalaga sa nanay ko. I was about to turn my back at him nang tawagin niya ako.

"Ms. Estreba?"

Tiningnan ko ulit siya. "P-po?"

Nagbuntong-hininga ito. "Don't give up. When you think life is hard, just always remember that it's worth it."

"Mahirap man. Ngunit isipin mo kapag maayos na ang nanay mo. You'll spend your everyday life with her again. And all the doctors in this hospital are working on it. Just believe and be positive."

Ngumiti ako sa kanya ng maliit upang ipakita sa kanya ang munting pag-asa sa puso. Ang munting pag-asa na bumubulong na kaya namin ito. Kaya ko ito. Kaya ni nanay ito. Malalampasan din namin ito at sa oras na mangyari iyon, seseguraduhin ko na magiging maginhawa ang buhay ni nanay. "Of course, Dok."

Tuluyan na akong lumabas ng office niya tsaka mabagal ang bawat hakbang para puntahan ang silid na inuukupa ni nanay. Naglalaro sa isip ko ang mga posibilidad. Ang mga pwedeng mangyari sa hinaharap.

Paano kung mangyari ang kinakatakot ko? Paano kung hindi pala kaya? Paano kung sumuko si nanay? Paano nalang ako? Will I be able to live alone? To continue my life alone?

Pinahid ko ang isang butil ng luha na tumulo mula sa kaliwang mata ko at tsaka umupo sa metal na upuan sa gilid ng mahabang hallway. Wala nang masyadong tao dahil malalim na rin ang gabi. Kakatapos ko lang sa pinagtatrabahuan ko at mabilis din akong pumunta rito dahil gustong makipag-usap ng doktor ni mama.

Napayuko nalang ako habang magkasiklop ang dalawang kamay ko at nakatukod ang dalawang siko sa tuhod ko.

Sa totoo lang kahit anim na buwan na akong nagtitipid. Kahit anim na buwan ko nang iniipon ang sahod ko sa coffee shop at sa part-time ko as teacher aide at librarian. Kahit na ilang tips pa ang matanggap ko ay hindi pa rin nakakalahati ang ipon ko sa kailangan ko para sa opera. Mas malaki pa nga ang utang ko sa hospital na ito.

Hindi kasi nila kayang i-cover ang gastos sa pag-oopera kay mama kaya ay ako ang nag-iipon para rito. Malaki na rin naman kasi ang naitulong ng hospital na ito hanggang ngayon.

Bahagya kong ipinilig ang ulo ko dahil sa mga negatibong pumapasok dito. Kakasabi pa nga lang ng doktor na be positive ay kung ano na naman ang iniisip ko.

Nagbuntong-hininga ako at sumandal sa upuan. Baka may mapaghiraman ako ng pera sa school. Kahit ibawas nalang sa sweldo ko. Basta maoperahan lang ang nanay.

"Yashi?"

Tiningnan ko ang nurse na nakatayo sa harap ko. Siya ang madalas na tumutulong sa doktor ni nanay. Nginitian ko siya na alam kong hindi umabot sa mata ko. Tumayo ako at hinarap siya. "Bakit nurse Fenna?"

I HATE YOU, I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon