CHAPTER 2

4 1 0
                                    

YASHI ESTREBA POINT OF VIEW

Akmang papasok na ako sa library nang may humawak sa bag ko kaya ay napahakbang ako paatras. Nabunggo ako sa matigas na bagay pag-atras ko kaya ay mabilis akong humarap dito para sana humingi ng tawad nang matigilan nang makita ang nakangising mukha ni Ranziel. Why would I apologize to him?

Hindi ko siya pinansin at tinalikuran ulit para sana pumasok na talaga sa library ngunit katulad ng ginawa niya kanina ay hinawakan niya ulit ang bag ko.

"Where are you going silent criminal?" Bulong niya sa akin kaya ay naramdaman ko ulit ang hininga niya sa batok ko.

Napapikit ako ng mariin. Kailan ba niya ako titigilan? Hindi ba siya napapagod? Ilang taon na rin niya akong iniinis at ginagalit pero wala naman siyang nakuhang reaksiyon sa akin.

Ilang minuto ang lumipas ay nanatili akong tahimik habang nakatalikod sa kaniya. Hindi ko kayang makipag-usap sa kaniya kasi sa palagay ko ay wala akong magandang masasabi sa kaniya. Baka mamura ko pa siya na madalas kong ginagawa sa loob ng isip ko.

Nang marealize niya na wala akong planong magsalita ay nagbuntong-hininga siya na parang siya pa ang namomroblema sa akin at tsaka niya ako hinawakan sa dalawang balikat ko tsaka hinarap. Pero dahil may lahi siyang gago ay inikot niya pa ako ng dalawang beses bago ako inihinto na magkaharap kami.

Bahagyang umikot ang paningin ko sa paligid ngunit nang umayos ang paningin ko at deretso ito sa mukha niya ay sinamaan ko siya ng tingin. Bumalik naman ang ngisi niya dahil doon. This guy, really.

"I believe we have a lot of things to talk." Simula niya habang nakatitig deretso sa mata ko. Sinalubong ko naman ang mga mata niya ngunit hindi ako kumibo at nakatitig lang sa kaniya ng mariin.

Ilang minuto ang lumipas habang nagtititigan kami ay siya na mismo ang nag-iwas ng tingin at napamasahe sa noo niya na para bang ako ang pinakamalaking problema niya. Hindi naman talaga niya ako kailangan problemahin. Hayaan niya lang ako at huwag nang lapitan o kausapin pa, na hindi wala naman talagang patutunguhan dahil hindi ko naman siya sinasagot, ay wala na sana siyang problema.

"Look, I really need to talk to you. We need to discuss something very important so please," problemadong sabi niya tsaka ako tiningnan deretso sa mata na para bang naghahanap ng kung anong reaksiyon sa akin na ikinabigo naman niya. "Quit being mute will you?"

Hindi ko siya sinagot at inirapan nalang tsaka ako tuluyang pumasok sa library. Tinawag niya pa ako ng isang beses ngunit hindi ko siya sinulyapan man lang.

Nang makita si Manang Hasid sa isang bookshelf ay mabilis ko siyang nilapitan.

"Done eating?" Tanong niya nang hindi ako binabalingan. Tinitingnan niya kung may mga libro bang naligaw at kailangan ibalik sa bookshelf kung saan talaga nakalagay.

"Hindi pa po." Mahina ang tinig na saad ko kaya ay dumaan ang mata niya sa akin.

"Eat first." Mariing utos niya bago naglakad papunta sa ibang shelf kaya ay napalunok ako nang maalala na nasa labas si Ranziel at kailangan ko siyang daanan bago makarating sa lugar ng kakainan ko. Baka umalis na siya?

Nang tingnan ko ang pinto palabas ay mabilis akong napatalikod at nagbuntong-hininga ulit nang makita si Ranziel na nakasandal sa hamba ng nakabukas na pintuan at seryosong nakatitig sa akin habang nakakrus ang braso sa dibdib. What a persistent jerk bully.

Akmang lalapit ulit ako kay Manang Hasid nang matigilan dahil sa madiin niyang tingin sa akin. I gulped. Wala na naman akong choice. Kapag talaga may naiisip na kalokohan si Ranziel, palagi akong walang choice. At lalapit lang naman siya kung may kalokohan siya, which is most of the time.

I HATE YOU, I LOVE YOUWhere stories live. Discover now