Prologue

8 1 0
                                    

May dalawang pamilya na matagal nang magkaaway ang mga Parker at ang mga Turner. Bawat hakbang, bawat salita, ay puno ng tensiyon at poot. Sa loob ng mahabang panahon, ang mga Parker at mga Turner ay nagpakita ng walang tigil na labanan, palaging silang may bangayan, hindi nauubusan ng mga alitan.

Ngunit sa kabila ng mga ito, may dalawang tao na ipinanganak na puno ng pagkakaiba sina Adrian Turner at Bella Parker. Mula sa kanilang pagkabata, itinuring  nila ang isa't isa bilang kaaway. Hindi sila nagkakasundo, palaging mayroong kompetisyon at tensiyon sa pagitan nila.

Pero Sa paglipas ng panahon, ang mga pangyayari ay magdadala sa kanila sa landas ng hindi inaasahang pagbabago. At sa pagdating ng sandaling iyon, ang mga matagal nang magkaaway ay magiging saksi sa pagbabagong darating na magdudulot ng hindi inaasahang pag-asa at maaaring pag-ugnay din sa kanilang mga pamilya. Ngunit sa harap ng bagong pagkakataon at pagbabago, hahadlangan ba nila ang bagong samahan na nabubuo, o hahayaan na lamang nila ang mga anak na pumili ng kanilang sariling landas?

Sa pagdating ng tadhana, kailangan nilang magdesisyon ang magpatuloy sa pagtataas ng bakod na naghihiwalay sa kanila, o ang lumabas sa dilim ng kasalukuyan at tanggapin ang liwanag ng bagong pagkakataon.

Twisted Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon