Chapter 2: Di-inaasahang Pagkikita

5 1 0
                                    

Sabado nang umaga, nagsimula ang di-inaasahang pagkikita, si Bella, isang batang attorney mula sa pamilya Parker, ay nagmamadaling tumatawid sa kalsada patungo sa pinapasukan nitong law agency. Hindi niya napansin ang pagmamadali din ng isang lalaking nagngangalang Adrian, isang mahusay na software engineer mula sa pamilya Turner, papunta ito sa isang mahalagang meeting.

Nang magtagpo ang kanilang landas hindi sinasadyang nabangga ni Adrian ang bisig ni Bella, dahilan para matapon ang mga dokumentong hawak nito.

"Anong problema mo? Bulag ka ba, hindi ka ba marunong mag-ingat?" naiinis na sigaw ni Bella, habang pinupulot ang mga papeles na nagkalat sa daan.

"Pasensya na, hindi ko sinasadya. Nagmamadali lang talaga ako," sagot ni Adrian, tumutulong na dinampot ang mga nagkalat na dokumento. Sa kanilang pagyuko, nagtama ang kanilang mga mata hindi nila alam ang pagkakakilanlan ng isa't isa.

"Salamat," sabi ni Bella nang matapos nilang pulutin ang lahat ng papeles.

"Walang anuman," tugon ni Adrian. "Sana ay hindi ito makasira ng iyong araw."

Tumango si Bella at nagpatuloy sa kanyang lakad. Ngunit sa kanyang pag-alis, may kumurot sa kanyang puso. Hindi niya alam na ang simpleng pagkikita na iyon ay ang simula ng mga pangyayaring mag-uugnay sa kanilang mga tadhana.

Samantala, si Adrian, na ngayon ay patuloy na nagmamadali patungo sa kanyang destinasyon, ay napaisip rin sa nangyari. May kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag ang di-sinasadyang banggaan ay may dalang kakaibang bigat sa kanyang damdamin.

Sa paglipas ng mga oras, kapwa sila hindi mapakali. Ngunit hindi nila kilala ang isa't isa, pareho silang nadama ang tensiyon mula sa maikling pagtatagpo na iyon. Hindi nila alam na ang mga Parker at Turner ay dalawang pamilyang matagal nang magkaribal, at ang kanilang di-inaasahang pagkikita ay maaaring maging susi sa pagbubukas ng bagong kabanata sa matagal nang alitan ng kanilang mga pamilya.

Pagkatapos ng kanilang maikling pagkikita kapwa sina Bella at Adrian ay nagpatuloy sa kanilang mga lakad, ngunit may bahagi ng kanilang isipan na naguguluhan pa rin sa nangyari. Nagsimula silang magtaka kung bakit, sa napakalaking lugar  na ito, ay nagtagpo pa sila sa hindi inaasahang pagkakataon.

Pagdating ni Adrian sa kanyang meeting, hindi niya agad maituon ang kanyang atensyon. Ang imahe ni Bella, ang babaeng nabangga niya, ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. May kakaibang enerhiya sa kanilang pagkikita na nagtulak kay Adrian na mag-isip nang malalim. Bagama't walang malinaw na dahilan, nakaramdam siya ng isang hindi maipaliwanag na koneksyon sa mula sa babaeng iyon.

Samantala, si Bella, habang naglalakad papunta sa agency, ay paulit-ulit na iniisip ang nangyari. Dismayado siya sa hindi inaasahang aksidente, ngunit hindi niya maikakaila na may kakaiba rin siyang naramdaman. Sa kabila ng tensiyon, may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang nagnanais malaman kung sino ang lalaking iyon si Adrian, gusto niya itong makilala.

Pagkatapos ng kani-kanilang mga gawain, sa hindi inaasahang pagkakataon, muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Sa parehong coffee shop kung saan si Adrian ay nagtatapos ng kanyang trabaho, pumasok si Bella upang bumili ng kape, yung kapeng kanyang paborito. Nang makita nila ang isa't isa, kapwa sila nagulat at bahagyang nag-alinlangan. Ngunit sa pagkakataong ito, nagpasya si Adrian na gumawa ng unang hakbang upang magka-usap sila ni Bella.

"Hey, ikaw ulit," sabi ni Adrian, na may bahagyang ngiti. "Mukhang tadhana na ang nagdala sa atin muli sa parehong lugar."

Natawa si Bella, ang kanyang inis ay agad napalitan ng kuryosidad.

"Oo nga, mukhang ganun na nga. Ako nga pala si Bella Parker," sabay lahad ng kamay bilang pagpapakilala.

"Adrian Turner," tugon ni Adrian, tinanggap ang kamay ni Bella. Sa sandaling iyon, kapwa sila hindi pa rin alam ang kabuuan ng mga pangalan nila o ang lalim ng kanilang mga pamilyang pinagmulan.

Ang kanilang pag-uusap ay nagsimula sa kanilang trabaho, interes, at mga pangarap. Habang lumalalim ang gabi, nagdesisyon silang umupo at mag-usap pa ng mas matagal. Sa mga oras na iyon, wala ni isa sa kanila ang may ideya tungkol sa kanilang mga pamilya o sa pagiging magkaaway ng mga Parker at Turner. Ang tanging alam nila, sa sandaling ito, ay mayroon silang kakaibang koneksyon na hindi nila maipaliwanag isang koneksyon na maaaring magbukas ng bagong kabanata sa kanilang mga buhay.

Twisted Hearts Where stories live. Discover now