Kabanata 3

3 0 0
                                    

Naging busy ang lahat ng organization, society, at club nung mag karoon na ng election ang student council. Hindi pa naman pwede mag pa election ang ibang organization, society at club kung hindi pa nakakapag elect ang student council. Pero busy pa din sila sa pag hahanda.

"Tatakbo kapa ba ulit?" Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilan na ang nag tanong nyan sa akin. Halos lahat yata ng dinadaanan ko ay tinatanong yan sa akin. Hindi ko naman ito sinasagot dahil nag dadalawang isip din ako kung anong position ang kukunin ko.

Nag babalak din akong mag HUMSS Society President kung sakaling hindi na ako makapasok sa student council. Nginitian ko nalang ang kaibigan kung nag tanong sa akin bago ako nag kibit balikat. Nag lakad ako palabas sa room namin. Tatanungin ko si Aga kung tatakbo ba ulit sya ngayon.

Alam ko ay balak nyang mag presidente ng student council. Silang dalawa ni Cypres ang alam kung gustong maging presidente ng student council. Kaya hindi na ako magugulat kung isa sakanila ang maging bagong presidente.

"Tatakbo kapa ba ulit?" Napangiwi ako nung na unahan ako ni Aga sa pag tatanong. "Hindi naman ako tumakbo nung nakaraan appointed lang naman ako." Kibit balikat na saad ko. Sinadya kung mag tunog mayabang kay Aga. Napakamot naman sya ng ulo nya. "Edi balak mo bang tumakbo?"

"Hindi na yata."

"Bakit naman? Mag tatampo si Ma'am Faith nyan."

"Hindi naman siguro. Saka gusto ko mag focus muna sa study ko."

"Ganon ba. Sayang naman."

"Ikaw tatakbo ka diba?"

"Oo. Vice president lang. Ayoko ng maraming ginagawa." Nakangiting saad ni Aga. Tumango naman ako sakanya. "Pinapatawag kayo ni Ma'am." Saad ng treasurer ng student council. Na sa may hagdan kami kaya naman exsaktong exsakto na nadaanan nya kami. "Sunod kami." Saad ni Aga. Tumango lang naman yung treasurer ng student council at nag paalam.

"Mauna kana sa taas may aayusin lang ako." Paalam ko kay Aga. Tumango lang naman ito sa akin. Bumalik ako sa room at niligpit ang mga gamit ko. Exsakto wala ang last subject teacher namin ngayon. Nag paalam na ako sa mga kaklase ko at nag bilin na iwan ng maayos ang classroom.

Dala ang mga gamit ko ay umakyat na ako sa 4th floor. Hingal na hingal ako nung makaakyat ako sa 4th floor. Pumasok ako sa office. Tahimik silang lahat. Binati ko si Ma'am Faith pati narin ang ilan sa mga kakilala ko. Binaba ko yung gamit ko sa gilid at umupo sa gitna ni Aga at ni Mimi.

"Wala na bang hahabol? Kung wala na. Pasara naman ng pinto." Seryosong saad ni Ma'am Faith. Nangunot ang nuo ko sa sinabi ni Ma'am Faith. Tumingin ako sa pintuan ng office na pasara na bago ako tumingin kay Ma'am Faith. Pabalik balik ang tingin ko bago ako nag kibit balikat nalang.

"Before the screening starts. Kindly introduce yourself with your desired position." Seryosong saad ni Ma'am Faith. Nangunot ang nuo ko sa sinabi nya. Napatingin ako kay Aga at Mimi na tahimik na nakatingin kay Ma'am Faith. Kinalabit ko sila pareho. "Screening? Start naba ng election?" Gulat na gulat na tanong ko sa dalawa.

Nasa gitna nila ako. Tumango sila pareho na nag palaglag ng panga ko. Start na pala ng screening para sa mga tatakbo! Hindi man lang nila sinabi! Wala na nga akong balak na tumakbo tapos andito ako nakaupo! Wala si Cypres dito ibig sabihin hindi na din sya tatakbo at gusto na ng tahimik na buhay. Pero pwede ding sa iba syang organization tatakbo kaya wala sya dito.

"Sure kaba ayaw mong tumakbo bilang Vice? Mag papalaya na ako." Saad ni Mimi habang nakatitig kay Aga. Agad namang tumango si Aga. "Oo ayos lang. Ako na mismo mag paparaya. Saka mas deserve mo yan."

"Sure ka? Diba matagal mo na 'tong gusto?"

"Hindi naman sa matagal. Gusto ko lang yan kasi wala namang gagawin."

What's wrong with Monday?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum