Kabanata 5

3 0 0
                                    

"Papacash out muna ako bago ako umuwi. Mauna kana. May bibilhin pa ako." Nag lalakad kami ngayon palabas ng school ni Aga. Hawak ko ang phone ko habang nag lalakad. Nasa gilid ko naman si Aga. "Samahan na kita. Malapit lang naman yung cash out."

"Huwag na papalibre kalang."

"Hoy hindi ah! Ganyan naba kababa ang tingin mo sa akin!" Nakasimangot na depensa ni Aga sakanyang sarili. Napairap naman ako at pinabayaan syang sumunod sa akin. Bago kami makarating sa tindahan ay nag paalam sa akin si Aga na bibili daw ng palamig. Hindi ko na sya pinansin at dirediretso nang nag lakad pa baba sa tindahan.

"Pacash out po." Bungad ko sa tindera nung makalapit ako. "Ito yung number, neng." May inabot sa aking number yung tindera. Kinuha ko naman yun at nag umpisang mag tipa sa phone ko. Habang nag titipa ako sa phone ko hindi ko inaasahang makarinig ako ng pag uusap nang mga lalaki. "Nagalaw ko na yun pre."

"Halos lahat naman naka galaw don pre."

"Oo nga pre. Pulutan daw yun sa inuman."

"Halata naman! Buti maganda sya kaya hindi kumakalat yang pinag gagawa nyang kalibugan kapag nag iinom kaya walang naniniwala kapag may nag kukwento!"

"Ganyan talaga mga nagagawa nang may mga looks, pre." Nag apiran yung mga lalaking nasa gilid na nag uusap na para bang biro biro lang ang maselan nilang pinag uusapan. Kahit hindi ko sila makita nakaka siguro ako na taga Greenhigh din sila. Kagaya ko.

"Ito po, 'te." Inabot ko kay Ate yung inabot nyang numero. Sinend ko yung perang i-ca-cash out ko bago ko pinakita kay Ate yung reference. "Uy! Parang si Monday 'to ha! Si Monday nga pre!" Napalingon ako mula sa aking likuran nung may tumawag sa pangalan ko.

Nangunot ang nuo ko nung makita si Mej. Kaibigan ng naka talking stage ko sa ICT 12-A. "Hello, beautiful!" Mapang asar na bati sa akin ni Mej nung mag landas ang mata naming dalawa. Ngunit hindi nag tagal ang tingin ko sakanya dahil parang tumagos ang tingin ko sa likuran nya. Napatulala ako nung makita syang nasa likuran ni Mej.

Seryoso nyang hawak ang kanyang selpon na para bang kailangan nyang tutukan iyun kung hindi ay may malaking bagay ang mawawala sakanya. Literal na abalang abala sya sa kung ano ang ginagawa nya sa selpon nya. Mukha ngang wala syang alam kung na saan sya ngayon.

"Uy! Eleazar! Buti naman at nag punta ka dito! Yosi?!" Agad akong umiwas ng tingin nung mag angat si Eleazar ng tingin. Mukhang na huli nya akong nakatingin sa kanya! Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pag tayo nung mga lalaki sa gilid at dali daling lumapit kay Eleazar para umakbay.

Ngiting ngiti namang lumapit sa akin si Mej na parang nangaasar pa. "Hinahanap mo si Jo 'no?" Pang aasar sa akin ni Mej nung makalapit sya. Napairap ako nung madinig nanaman sakanya ang tawagan namin nung naka talking stage ko na kaklase slash kaibigan nya.

Panis.

Talking stage palang. May call sign na.

Simula nung mag karoon kami ng something nung kaibigan ni Mej ay talaga namang napa lapit na din ako dito sa bff nya na si Mej. At nung nag karoon ng something wrong sa amin nitong kaibigan ni Mej ay palagi nya na akong inaasar pa tungkol sakanyang kaibigan. Mukhang naniniwala pa din sya sa kanyang pinaninindigan na mag kakamabutihan pa ulit kami ng kaibigan nya kagaya ng dati.

Agad akong napailing at kinuha yung perang inabot nung tindera. "Uy! Dito kapa nag pacash out! Sa dami ng tindahan dito pa talaga sa tinatambayan ni Jo! Miss na miss naba talaga Monday?"

"Tigilan mo nga ako."

"Sus! Kunwari kapa!"

"Anong kunwari pa ako? Dito naman talaga ako nag papacash out."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 9 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What's wrong with Monday?Where stories live. Discover now