CHAPTER 5

10 0 0
                                    

CHAPTER 5

Ilang araw makalipas ng mangyari iyon sa amin ng naka-s*x ko sa hotel ay di na muna ako pumasok sa club. Mom told me kase na walang magbabantay sa bunso naming si Rabiya. Kaya tumigil ako.

Nagdaan ang tatlong lingo, habang kumakain kami, bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko sa amoy ng ulam which is sinigang na baboy.

“Anong nangyayari sa’yo, Flexie?” tanong ni Mama pagkabalik ko sa hapagkainan.

Naduwal lang ako ma,” sagot ko naman.

Umupo naman ako ulit at sinubukang Huwag langhapin ang amoy ng karne baboy pero wala akong nagawa kundi dumuwal muli.

“Kailan ang huling dalaw mo?” tanong ni Mama.

“Matagal na po eh, mga marso pa po ata,” saad ko.
‘Tsaka ko lang na-realize ang punto ni Mama. Hindi kaya? No. Imposible.

“Positive Ma’am, magiging nanay kana. You’re 3 weeks pregnant,” sabi ng doctor na nagpatigil sa mundo ko.

“Tangina naman Flexie, naghihirap na nga kaming palamunin ka tas ganito pa ang ibibigay mo sa’min ng ama mo? Nasan ang kokote mo,” sigaw sa akin ni Mama.

“Ma… Sorry…” Naiiyak kong ani.

Akmang lalapit ako sa kaniya ng bumigkas siya ng katagang sana’y hindi ko nalang narinig pa.

“Wala akong pinalaking malandi Flexie. Nagsisisi akong ipininganak pa kita,” aniya.

Pagbaba namin ng tricycle, bumugad sa amin ang nakatolenadang bakuran namin. Puno ito ng mga upuan at may iilang taong nag-uusap.

“Flexie?” napalingon ako sa nagsalita. Si Allysa. Ang kaibigang itinuring kong kapatid ngunit di man lang ako tinulungan noong nangagailangan ako. Ang taong naging sandalan ko noong may mga problema ako at ang naging kasama ko sa kasiyahan at hinagpis.

“A…allysa,” tipid kong saad.

“Flexie, ikaw nga,” aniya at nilapitan ako at niyakap. Bago pa ako makaangal ay nagsalita siya.

“Sorry Flexie, patawarin mo’ko,” may bahid na lungkot na saad nito.

Kumawala siya sa yakap at nagpunas ng luha. Nginitian ko lang siya.

Napalingon naman ito sa aking katabi na si Fresto.

“Ito na ba siya?” tanong nito.
I smiled and nodded. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Bringing back the past is hurt. It’s like a wound that hurt me and left me a scar that whenever I saw it, it will remind me how I got the scar.

“Hi,” ngiting saad ni Allysa kay Fresto.

Medyo nag-aalangan pang ngumiti ang anak ko. Hindi kase siya palasalita sa mga strangers. Iyan ang halubilin ko sa kaniya. Maliban na lang kung kakilala niya na o kakilala ko.

Lumingon sa akin si Fresto at tinanguan ko siya. Saad na safe ang kaharap niya.

“Hello po,” bati rin nito kay Allysa.

Amidst the tragedyWhere stories live. Discover now