The Demon Slayer

32 4 7
                                    

[ PAST ] - The Warrior and the Devil War .


" SHANTAL! COVER! " ISANG MALAKAS na sinag ang bumalot sa buong paligid. Nang mawala ang sinag ay isa- isang nag-silapitan ang kanyang mga kasamahan.

" Nagawa mo!" salita ni Shane.

" That's our leader!" masayang puri ni Shimmer kay Shantal.

Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Shantal sa kanyang mga kasamahan.

" Mamaya na ang purian, may mga demonyo pang paparating.." pag putol ni Shania sa masayang momento nila.

Agad naman silang kumilos at lumipat nang matataguan. " O jesus! mas dumami pa sila!" - Shimmer.

Mas lalong naging ka sindak- sindak ang mga titig ni Shantal sa mga paparating na kalaban.

" Ihanda ninyo ang inyong mga sarili, hindi lang buhay ang makakalaban natin " utos niya sa mga kasamahan.

" A-anong ibig mong sabihin leader? "

Sinulyapan niya si Shiver. " May mga evil spirit na sumama. "

Inilabas niya ang kanyang blue lighting sword. Nong inilabas niya ito mula sa lalagayan, ay mas lalong suminag ang kinang nito. Die o survive. Iyan ang naka- ukit sa kanyang espada.

" Ready?" tinignan niya ang kanyang mga kasamahan habang sinasambit ang mga katagang iyon.

" Sister Together!" umpisa niya.
" FIGHT TOGETHER!! " sabay sabay na sambit nila.

" Live together! " Shantal's murmur in her head.

Dahil sa sobrang dami nang kalaban ay nahirapan silang ubusin ang mga ito. Agad namang nakagawa nang bagong takteka si Shantal, sinabi niya ito sa kanyang mga kasamahan at agad naman nila itong sinunod.

Humiwalay sa kanila si Shantal, nag tungo ito sa ibang dereksyon kong saan nag hihintay sa kanya ang kapalaran niya.

Dinala si Shantal nang kanyang mga paa sa isang tahimik na kwarto, tanging ang kanyang pag hinga at bawat hakbang lang ang kanyang naririnig sa sobrang tahimik. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong paligid, na agaw nang atensyon niya ang isang dingding na puno nang mga litrato. Litrato nang mga sina- unang Mandirigma . Kasali pa dito ang litrato nang isang napaka makapangyarihan na mandirigma, na tinatawag nilang The Demon Slayer.

" Shanice Lincoln." mahinang sambit niya.

" It's nice to see you Warrior, or should I say the chosen , The Demon Slayer ."

Dahan dahan niyang binaling ang kanyang atensyon sa taong nagsasalita. Hindi na sya nagulat nang makita ito. Nakipag tagisan si Shantal nang tingin sa lalaking kaharap niya ngayon. Vincent de Baro!

" Nabuhay ka pa!" salita ni Shantal.

" Fortunately! I'm alive! kita mo naman! buhay na buhay! " pagak itong tumawa.

" Thanks to my lord I guess!" dagdag na salita nito.

Dahan dahang lumapit sa kanya ang lalaki, na nag ngangalang Vincent, imbes na matakot si Shantal sa presensyang binibigay ni Vincent sa kanya ay ningisihan niya lang ito, hindi siya kumilos sa kanyang kinatatayuan, bagkos ay hinihintay niya lang itong makarating sa posisyon niya.

The Demon SlayerWhere stories live. Discover now