TDS: 04

10 2 0
                                    


Time check it's already 5:20 pm. Andito ako ngayon sa apartment ko. Hinanda ko na ang mga gamit na dadalhin ko.  Mabuti nalang pinahiram ako ni Tina ng luggage dahil kong hindi, hindi ko alam kong saan ko ilalagay ang ibang mga importanteng gamit ko.

Aside from clothes, essentials , dinala ko rin ang laptop ko, hard drives ko, pati university camera kasi kailangang  may mga litrato para may mailagay sa journal after ng internship.

Abala  ako sa pag liligpit ng mga gamit ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at binuksan. Mensahi ka agad ni Christian ang bumungad sa akin.

Ayon kay Christian, aabutin ng tatlong oras ang byahe , dahil may pagka distansya talaga ang St.Jude. Balita rin daw ni Sir Morales sa amin ay gabi daw dapat kami aalis para walang maka sunod sa amin.

" Bakit kailangan gabi pa? hindi ba pwedeng umaga?"  reklamo ni Jersey. Andito na kaming lahat sa meet up place namin, ina ayos na rin nina Jake , Adriel, at Christian ang mga bags at luggage namin sa trunk ng sasakyan.

" Ihh sundin nalang natin sis! hindi naman kasi natin alam kong bakit eh kaya no choice tayo!" ingganyo sa kanya ni Jade.

" At isa pa Mr. VP, nag iingat lang si Mr. Morales, alam naman natin na siya ang nag papatakbo ng St. Jude diba? alam rin natin na noon palang may mga nag tanggka na talagang pasukin ang St. Jude! yun ngalang bokya sila kasi hindi nila alam kong saan! kaya intindihin na natin. Malay natin safety  natin ang concern ni Mr. Morales." depensa naman ni Hazel.

" Oy! oy! ano yan? nag papalakas ka no? crush mo na ba ulit ang anak ni Mr. University President?" tudyo sa kanya ni Jade.

Nag blush naman si Hazel kaya mas lalo pa siyang pinag tripan nina Trexie at Jade.

" Hindi daw! pero kong makapag defense sa kay Mr. Morales parang magiging Father-in-law mo na talaga!" hirit pa muli ni Jersey.

Hinarap niya naman sina Trexie, Jade at Jersey.  "Wag kayong malisyosa ha! hindi porket dumepensa lang ako gagawan nyo na ng malisya!" depensa niya sa sarili .

" Wala namang masama sa pagdepensa mo kay si Mr. Morales, ang masama lang ay tinatanggi mo ang nararamdaman mo para sa anak niya." singit ko sa usapan nila. Dahil sa sinabi ko ay natahimik silang lahat.

" Luh? Ms. Pres alam mo?" takang tanong sakin ni Hazel. Nang tignan ko siya ay halos hindi siya makapaniwala.

" Napansin ko lang! kinikilig ka kasi kapag napag uusapan natin yan kaya nag jump into conclusion ka agad ako! malay mo baka tama ang hula ko." mabuti nalang naka isip ka agad ako ng irarason.

Mas lalo nilang tinukso si Hazel ng umamin ito sa kanila. My senses never disappoinment me.

University Van ang gamit namin ngayon,dahil ayon kay Sir Morales ,para raw kapag nasa main gate na kami ng St. Jude University ay agad nila kaming papasukin. 

Madaling ma-detect ang Van na gamit namin dahil konektado ito sa Houston at Jude University.  Kahit pa dadaan kami sa scanner area.

Yes! ganyan ka higpit ang St. Jude University.

Mahigit dalawang oras na ang lumipas simula nong nilisan namim ang University. It's already 10:20 in the evening. May isang oras na byahe nalang para marating namin ang St. Jude University.

Tulog na sina Tina, Trexie, Jade , Hazel at Jersey kaya wala nang ingay. Si Adriel at Christian naman naglalaro ng mobile legends, si Jake naman kinakausap ang driver namin, pang pa iwas antok. Binaba ko ng unti ang bintana para maka langhap ng hangin.  Ang ganda ni Luna.

When I was a kid , I was mesmerized by the beauty of Luna. Sa pagka alala ko, pinipilit ko si Mom na palitan ang pangalan ko ng "Luna" para magkapareho kami ng buwan, that so cute. Well that was years ago.

The Demon SlayerWhere stories live. Discover now