TDS: 06

8 2 0
                                    


" Anong ibig mong sabihin?

Hindi pa rin nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. 

" Ate Shan/ Ms Press" sabay sabay na tawag sakin ng mga kasamahan ko.

Lumapit sakin ang matanda.
" Sumunod ka sa akin."

Tinalikuran niya ako, hindi ko naman alam kong ano ang gagawin ko. Susunod ba ako sa kanya o hindi, hindi ko alam.

Nilapitan ako ni Christian.
"Anong nangyari ate? sino yun?kilala mo ba siya? ikaw ate kilala ka ba niya? " sunod sunod na tanong niya sakin.

Hindi ko pa nasagot ang mga tanong ni Christian ng agad namang sinigundahan ni Jake.

" Bakit gusto niyang sumunod ka sa kanya Ms. Pres?"

Bumuntong hinga ako.
"Hindi ko rin alam." nilingon ko sila.

" Pero mas lalong hindi natin malalaman kong hindi natin susubukan." dagdag na ani ko sa kanila. 

Sinundan ko ang matanda, wala akong ideya kong saan siya pupunta basta ay naka sunod lang ako sa kanya, sumunod din naman sa akin ang mga kasamahan ko.

Andito kami ngayon sa isang tagong kwarto. Napaka dilim halos wala kang makita dahil sa sobrang dilim. Bigla namang umaktebo ang vision ko kaya kitang kita ko ngayon ang buong kabuuan ng silid na pinasukan namin. Isang library.

Namangha ako sa dami ng libro na naka ayos dito,mula sa ibaba hanggang sa itaas, halos ang iba ay luma na pero napaka antik pa rin. 

"Gaano na ka tagal ang library na ito?" biglaan kong tanong sa matanda.

" Mahigit labing limang taon na." sagot neto.

Labing limang taon? ganon na ka tagal.

Binuksan nila ang ilaw kaya tambad sa amin ngayon ang napakaraming libro. 

" Ito ang kataasang aklatan."

Rinig ko naman ang pagkamangha ng mga kasamahan ko.  Hindi ko sila masisisi, kahit naman ako ay napamangha sa ganda ng silid aklatan na ito.

" Kataasang aklatan? anong meron bakit ganyan ang pangalan? takang tanong ni Tina.

" Dahil hindi basta basta ang mga libro dito."

" Paano ho ninyo nasabi?"- Adriel.

" Dahil dito mo makukuha ang lahat ng sagot sa mga katanungan mo" habang binibitawan niya ang mga salitang iyon ay sa akin siya nakatingin.

May kinuha itong isang malaking aklat. Nang ilatag niya ito sa mesa ay mahahalataan mo talagang luma na dahil sa alikabok na nakapalibot dito.

Binuksan niya ang libro, may hinanap siyang ilang pahina, nang mahanap niya ito ay agad niya itong iniharap sa akin.

" Yan ang Nimbus, o mas kilala sa tawag na Angel's Halo." turo niya sa isang litrato na nasa libro. Tinitigan ko naman itong mabuti. It is a geometric shape, usually in the form of a disk, circle, ring, or rayed structure. It's so plain but yet beautiful.

" Yan ang umiilaw sa likod mo." bigla akong napatingin sa kanya.

" A-anong ibig ninyong sabihin?" I ask curiously.

Biglang pumasok ang dalawang babae, may dala dala ang mga itong whole body mirror.Inilagay muna nila ito ng maayos bago sila umalis. Lumapit naman sa akin ang matanda.

" Hubarin mo ang damit mo" utos niya sa akin na mas ikinataka ko. Bakit naman ako mag huhubad?

Nakita ko ang seryusong mukha ng matanda kaya sinunod ko na lamang ang inuutos niya. Hinubad ko ang damit ko.

The Demon SlayerWhere stories live. Discover now