Chapter 3: Trouble

7 5 0
                                    

TIMOTHY'S POV:

"Hoi! Jace, bakit ba ang tagal mo?!"  iritadong tanong ni Lian.

Agad naman akong nagtungo sa kinaruruonan ng nga kaibigan ko. Kitang kita ko talaga sa pagmumukha ni Lian ang kanyang pagkainip.

"Alam mo? Dinaig mo pa 'yong pagong, eh!" Agad niyang reklamo the moment I got near them.

"Nalate ako ng gising eh, sorry naman." Pagrason ko. Eh, sa nalimutan kong magset ng alarm, eh? 'Nu magagawa ko?

He sighed, at bigla niya nilahad kamay niya sa'kin. "Asan 'yong laptop?" 'Di naman ako agad nakasagot na siyang kinagusot ng mukha niya. Patay!

"WHAT THE F*CK, PEREZ!? SA LAHAT NG PWEDE MONG MALIMUTAN, 'YON PA? LATE KA NA NGA, NALIMUTAN MO PA ANG DAPAT MONG DALHIN!" Galit niyang reklamo.

Ba't ko ba nalimutan 'yon? Nakaready na naman sana 'yon sa table kanina!

"TANG*NA, PEREZ! NUNG ISANG ARAW PA'KO REMIND NANG REMIND SA'YO! 'ANDON 'YONG PROJECT KO, AND YOU KNOW THAT!" galit niyang dagdag, kaya tumalikod na ako at tumakbo palabas ng UNI para umuwi.

Narinig ko pang sumigaw sina Glendell at Leo, pero nagmamadali ako at kailangan kong makabalik ng maaga. Kasalanan ko rin naman.

Nang makalabas ako ay pumara agad ako ng taxi, buti nalang at may napara ako agad.

I got home faster since 'di naman kalayuan 'yong school sa bahay namin, mga 10 minutes ride.

Napagpasyahan ko nalang na magmotor para mabilis, kaya matapos kong kunin 'yong sadya ko ay agad rin akong bumalik sa school.

Agad kong tinakbo 'yong hallway nang mapark ko 'yong motor dahil baka mapatay ako ni Lian kapag 'di pa'ko magmadali.

Mabilis naman akong nakarating sa kung saan ko sila iniwan kanina. Napalingon naman sila sa akin at agad na tumayo si Lian para kunin ang laptop.

"Pasalamat ka at may oras pa, dahil baka nakahilata ka na diyan kung wala na." Sabi niya habang mabilis na binuksan ang laptop, and good thing mabilis lang maopen 'yon kaya dali dali na niyang sinend 'yong project niya. He made it!

Phew! Muntikan na talaga akong paglamayan!

"Sorry talaga, Lian! 'Di ko talaga sinadya, ililibre nalang kita total nakaabot ka naman, diba?" Sabi ko sabay kamot sa batok. 'Di ko nga siya matingnan sa mata eh! Nakakatakot!

"Forget it! Dahil nagagalit lang ako sa'yo kapag naaalala ko!" Inis niyang sabi habang nilagay ang laptop sa bag.

"Sa susunod, maging responsible ka, Jace. No'ng isang araw ka pa sinabihan, niremind pa kita kagabi at kaninang madaling araw. You should know how important this is, Jace. We are both students, so you should know how important the final project is. 'Di ko kayang madelay." Mahabang sabi niya habang deretsyong nakatingin sakin.

Parang double meaning 'yong sinabi niya.

If you're wondering kung bakit nasa akin ang laptop niya, it's because I borrowed it from him the other day dahil nagkaproblem 'yong akin.

"We should get going. May klase pa kami." Pagpaalam ni Leo na siyang sinang-ayonan ni Glen. Sabay naman kaming nagpaalam ni Lian sa kanilang dalawa.

"Mauna na ako sa'yo dahil may tatapusin pa'ko. Also, I'm sorry for yelling. I just felt frustrated. I hope you understand." Paalam naman ni Lian sabay pat sa shoulder ko.

I just hummed and nodded in response. It was completely understandable, so no hard feelings.

SHITHEADS💩(GC)

LEO:
Asan kayo?

TIMOTHY:
Kakatapos lang ng klase.

LIAN:
otw, lib.

GLENDELL:
Kanina pa tapos klase ko, puntahan niyo ko dito sa open bench.

LEO:
otw

TIMOTHY:
Sunod lang ako. May pupuntahan lang.

LEO:
Babae yan!

GLENDELL:
Sino yan? New babe?😃

LIAN:
TANG*NA NIYO! KUNG MAMBABAE KAYO 'WAG NIYO KONG GAWING DELIVERY BOY!KUNIN MO 'TONG TAMBAK NA MGA SULAT DITO, JACE!!😃🔪

TIMOTHY:
Hoi! Di ah! Convenience store lang 'yong pupuntahan ko!! Jumping to conclusion kayo ha!

TIMOTHY:
TANG*NA NIYO TALAGA, LEO! PINAPAHAMAK NIYO KO!😾

LEO:
Defensive mo naman HAHAHAHA

GLENDELL:
We just cared🫶🏻 ayaw ka namin mapunta sa maling daan😇🙏🏻

LIAN:
TUMAHIMIK NGA KAYO! PARE-PAREHAS LANG NAMAN KAYO!🖕🏻

GLENDELL:
Bilisan niyo naaaaaa!! Naiinip na'ko kakahintay dito!! Madapa sana kayo kakachat!😤

Papunta akong convenience store dahil may pinabili ang mabuti kong kapatid, may bibilhin din naman ako kaya ok lang. HAHA!

Matapos kong makabili ng mga kailangan kong bilhin, agad akong bumalik sa school. Walking distance lang naman so madali lang akong nakabalik.

I was walking down the field when I noticed a group of male students na nakaupo sa ilalim ng puno na may bench na. I think they're studying since andaming libro na nakalagay sa kanilang table.

Ngayon ko lang na pansin, walang lumalapit sa kanila. I mean, parang ang distant ng mga students sa kanila. May malaki pang space and bench sa side nila, pero walang naglakas loob na umupo. Some girls are staring at them. Even guys!

'Di ko kita 'yong face nila kase ang layo ko at medyo nakakasilaw yung init, so 'di ko nalang sila pinansin at dumeretso na sa kung saan mga kaibigan ko.

"Kala ko pa naman babe 'yong dadalhin mo, pero ayus na rin yang chichiryang dala mo." Malokong sabi ni Leo.

"At sinong nagsabi na para sa'yo 'to?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Ay, hindi ba?" Balik niyang tanong sabay hinay hinay niyang pag-abot no'ng chichirya na nasa mesa.

Agad ko namang kinuha 'yon at pinasok sa bag sabay upo.

"Damot!" Pabirong tampo ni Leo, sabay pout.

"Wag, nagmumukha kang bibe! Ayaw kong maimagine bulky na bibe!" Pabirong reklamo naman ni Glen.

Tumawa lang si Leo. Inilabas ko ulit 'yong chichirya na agad namang binuksan ni Leo. Basta pagkain talaga!

"Himala at wala kayong dalang babae ngayon? Sana dalasan niyo, dahil kung hindi ako talaga sasaksak sa inyo at 'di ko talaga dadasalan 'yang mga kaluluwa niyo!" 'Yan agad ang bungad sa'min ng kakarating lang na si Lian.

May bitbit siyang paper bag na siyang inabot niya sa'kin. Nakita ko sa loob ang daming letters at ibang gifts.

Now I know kung ba't siya bad trip!

Umupo sa tabi ko si Lian at inabot sakin ang isang USB na kinuha niya sa bulsa niya.  Right, nanghiram nga pala ako sa kanya uli.

"Sana naman 'di mo malimutan 'yan ngayong sabado dahil importante 'yong isusubmit ko ngayong sabado." Paalala sakin ni Lian.

"Yes, I promise!" Sagot ko.

"Siguraduin mo lang talaga, Perez. Magagalit na talaga ako sa'yo. Baket kase 'di ka pa bumili ng bagong flashdrive, eh?" Pagbabantan sabay tanong ni Lian.

Corrupted kase 'yong flashdrive ko kaya naghiram ako sa kanya. Natatakot ako kasi baka macorrupt ulit 'yong mga important files ko eh, kaya para sure, dito ko na nilalagay sa kay Lian since maintained niya 'tong USB niya, eh. Mabuti nang safe.

I looked at him and smiled, then I nodded my head in response.

HOLD MY HANDWhere stories live. Discover now