Part 19

719 54 11
                                    

Jema's POV

Nandito na kami ngayon sa airport, nakapag check in na din kami ng mga gamit namin

"Jema, sino-sino ba yung mga makakasama natin maliban kay Fhen at Jen?" tanong ni Dean sakin

Tumingin ako sakanya

"Carly" sagot ko

Syempre kasama namin si Carly, kailangan ko sya dahil sya yung secretary ko

Napansin kong napapangiti si Dean kaya tumaas yung isang kilay ko

"Ang saya mo ha"

Napanguso sya

"H-Hindi ah!"

Inirapan ko sya

"Dean, ingatan mo yang galaw mo ha, baka mamaya dikit ka ng dikit kay Carly, baka makalimutan mong nagpapanggap tayo dito!"

"Oo na! Hindi ko naman makakalimutan yon"

"Dapat lang!"

Maya-maya natanaw ko si Fhen at Jen.

"Hi! Kanina pa kayo?" tanong ni Fhen samin nang makalapit sila samin

"Hindi, kakarating lang din namin" sagot ko

Tumingin sya kay Dean

"Mabuti naman at nakasama ka"

Ngumiti si Dean at hinawakan nya yung kamay ko

"Oo naman, hindi kasi ako mapakali kapag hindi ko nakikita yung mahal ko" sagot ni Dean pagkatapos tumingin sya sakin at kinindatan nya ako

Tumango si Fhen

"G-Good!" sabi nya sabay tingin sakin

Napansin kong lumungkot yung mga mata nya

Nagseselos ka ba? Bumalik kana kasi sakin at sabihin mong ako yung mahal mo...

Hinawakan ni Jen yung kamay ni Fhen

"Love, breakfast muna tayo, nagugutom na ako eh" paglalambing nya kay Fhen

Napalunok ako

Oo na! Nagseselos na ako!

Ganyan din ako sakanya dati...

"O-Okay love" tumingin sakin si Fhen, "Alis muna kami"

Tumango ako

"S-Sige"

"Jema, mukhang nagseselos sya" sabi ni Dean sakin nang makaalis sila Fhen

Pano yan? Nagseselos din ako? 🙄

"E-Edi good! Effective yung ginagawa natin"

"Bakit hindi nalang kayo mag-usap? Halata naman na mahal ka parin nya"

"Hihintayin ko nalang na kausapin nya ako" sagot ko

"Good Morning!" bati samin ni Carly, hindi namin namalayan na nandito na pala sya

Napatingin uli ako kay Dean

Tss.. nakatitig nanaman sya kay Carly!

Palihim ko syang siniko ng mahina

"A-Ahh, heheheh... s-sorry" bulong nya sakin

Humawak ako sa braso ni Dean

"Carly, kakaen lang kami ha"

"Sige po" sabi ni Carly habang nakangiti

Hinila ko palayo si Dean

"Gutom ka?" tanong nya sakin

For The First TimeWhere stories live. Discover now