Part 24

763 62 16
                                    

Dean's POV

Dahan-dahan kong iminulat yung mata ko, naramdaman ko din yung pagsakit ng ulo ko

"Arrggh!" daing ko sabay hawak sa ulo

Nasaan ako??

Iginala ko yung paningin ko hanggang sa nakita ko si Jema na nagbabasa ng magazine, nakaupo sya sa upuan na nasa tabi ng kama

Napaupo ako

"Mabuti naman at gising kana" sabi nya sabay inom ng coffee

Napahawak uli ako sa ulo ko

Paano ako nakauwi dito??

Yung huli kong natatandaan ay yung umiinom ako sa bar, kasama ko yung isang babae

Tumingin ako sa katawan ko at napansin kong iba na yung suot kong damit

Napalunok ako

A-Anong nangyare??

Kinapa-kapa ko yung katawan ko

"Anong ginagawa mo??" tanong ni Jema sakin kaya tumingin uli ako sakanya

"P-Paano ako nakauwi dito??" tanong ko sakanya

Inilapag nya yung binabasa nya

"Nakita kita kagabi sa isang bar, lasing na lasing ka kaya inuwi kita dito, ang bigat mo nga eh" sagot nya sakin

"I-Ikaw din ba yung nagpalit ng da--"

"Oo, nagsuka ka kasi, nakakakonsensya naman kasi kung hahayaan ko nalang na matutulog ka na basa yang damit mo" sagot nya

Napayuko ako

"T-Thank you... pasensya na" sabi ko

"Bakit ka ba uminom kagabi? Akala ko ba ayaw mong uminom?" tanong nya sakin

Bigla kong naalala yung nakita ko kahapon

Dahil don kaya ako uminom...

"Huy! Ano na??" tanong ni Jema

"A-Ahh, w-wala, naisip ko lang na maglibang kahapon, e-eh hindi ko naman alam na malalasing ako ng sobra" sagot ko

"At may kasama ka pang babae kagabi ha..." sabi nya kaya napalunok ako

"N-Nakilala ko lang yon kagabi" sabi ko

Narinig kong bumuntong hininga si Jema

"Nagpadeliver nga pala ako ng breakfast, may coffee din dyan, kumaen kana kasi maya2x uuwi na tayo ng Manila, may gamot din dyan para sa hang over" sabi nya

"I-Ikaw??"

"Tapos na ako, maaga akong nagising eh" sagot nya, tumango ako

Umupo ako sa gilid ng kama at nagsimula na akong kumaen

Medyo naiilang pa ako dahil feeling ko nakatingin sakin si Jema

Tumingin ako sakanya at totoo nga yung hinala ko

"W-Wag mo nga akong tingnan" sabi ko

"Bakit? Masama ba?"

"H-Hindi naman" sagot ko

"Hindi naman pala eh"

Kaso hindi ako makakaen ng maayos eh!

"Ay, Dean, may ikukwento pala ako sayo!" sabi ni Jema

Alam ko na yan...

"A-Ano yon?"

"Nakausap ko kahapon si Fhen" sagot nya

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon