Part 15

970 64 29
                                    

Jema's POV

Nawalan ako ng gana pagkatapos kong makita na naghahalikan si Fhen at si Jen kanina

Bakit ko pa kasi nakita yon? Edi nasaktan lang ako!

Naramdaman kong tumabi sakin si Dean

Isa pa to! Hays! Napilitan tuloy akong halikan sya kanina!

"Ahh J-Jema.."

Tumingin ako sakanya

"Ano?"

"M-May lilinawin lang ako"

Kumunot yung noo ko

"Ano yon? Sabihin mo na agad!"

"Hindi lang 2K yung utang mo sakin kundi 4,500"

Mas lalong kumunot yung noo ko

"Panong naging 4,500?!"

"Tsk! Ganito yon, kanina nung pumasok tayo sa gate hinawakan ko yung kamay mo, 500 na yon, tapos hinalikan mo ako sa pisngi kanina don sa stage, 2K yon, t-tapos y-yung---"

Shit! Oo nga pala!

"Oo na! Oo na! Wag mo ng ipapaalala! Basta talaga pera eh!"

Narinig kong may sinabi sya pero sobrang hina kaya hindi ko narinig

"Ano?!" tanong ko

"W-Wala..."

Napailing nalang ako

Kailangan ko ng mag-ingat... malulugi ako kapag laging ganito 😩

Tumayo ako kaya napatingin uli sakin si Dean

"Oh! Saan ka pupunta?" tanong nya sakin

"Aalis na!" sagot ko pagkatapos naglakad na ako

"Ehh?! Wag mo akong iwan dito!" sabi nya

"Huy! Saan kayo pupunta?" rinig kong tanong ni Ced pero hindi ko na sya nilingon

"Jema, wait!" sabi ni Dean

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad, nang makalabas ako ng gate saka ko lang naalala na wala pala akong dalang sasakyan

Shit naman oh... maglalakad pa tuloy ako palabas ng village!

Nagsimula na akong maglakad

"Jema" tawag sakin ni Dean

Napapikit ako sabay harap sakanya

"Ano?! Pwede bang iwanan mo muna ako?!"

Naglakad sya palapit sakin

"Sasamahan na kita, baka kasi mabastos ka sa daan eh" sabi nya

"Wala akong pake! Gusto kong mapag-isa, okay?!" sigaw ko sakanya

Napakamot sya sa ulo nya

"Kapag may nangyare sayong masama edi kunsensya ko pa..."

"Edi wag kang makunsensya!" pagsusungit ko sakanya

Huminga sya ng malalim

"Hayaan mo na akong samahan ka, okay? Dito lang ako sa likod mo"

"Bahala ka nga!" inis na sabi ko pagkatapos tumalikod na ako at naglakad

Nang makalabas kami ng village naghanap ako ng taxi

Sana naman may dumaan...

Ilang sandali lang at may natanaw na akong taxi kaya itinaas ko yung kamay ko

For The First TimeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora