5. AKO AT ANG AKING GAYUMA

83 0 0
                                    

Mr. Steve Diego ( see photo ) 


 He's also wearing a suit the same as Lyle did. 

"Ngayon, maglilihim ka pa ba kapag malagay naman sa panganib ang buhay ng iyong mga empleyado, Mr. Crusade?" Paunang salita ni Steve. Sa mga sandaling ito ay nasa isang safe na lugar siya habang may inaabangang mangyayari sa shop ng Techno-L Corp. Matandaang alam na niya ang tinataglay ngayon ni Lyle at sa gabing ito niya susubukan ang kakayahan nito sa pamamagitan ng... "Parating na anumang sandali ang mga inupahan kong magnanakaw para makapanggulo sa shop na ito. I can't wait for this." Ang kanyang sabi. 

 Sa isang pankaraniwang gabi, isang Steve ang nag-aabang ng panibagong gulo rito sa isang shop ng Techno-L Corp. Sa shop na iyon siguro nasa 40+ yung mga empleydo sa mga sandaling ito. Gagawing pain ni Steve ang mga ito para mailabas ni Lyle ang kanyang nakatagong sikreto sa publiko, sa mga mata ng kanyang mga empleyado.Sasadyain niya palang ibulgar sa lahat ang sikretong kapangyarihan ni Lyle! Nga pala, kabilang pala sina Hiro at Clock sa mga empleyado na nasa shop na ito. Ano kaya ang mga mangyayari sa oras na darating na ang gulo?Aalamin natin. 

 Habang palalim na ng palalim ang gabi ay lalo ng kumukunti ang bilang ng mga taong bumibili sa shop. Yung building kasi ay may sariling Mall na sakop ang 6 floors. Sa isang floor na kung saan tatargetin ng mga hinire ni Steve pa napabilang yung dalawa pang bida. Malas lang yung malapit na sana silang makauwi eh saka pa nagsipagdatingan yung mga kalalakihan na nagsasabing... 

 "DAPA!!!" Ang sigaw ng isang tinatayang lider ng mga kalalakihang naka-all black! Kasabay nito ay ang pagbabaril ng mga ito sa mga display sa shop. Parang naglalaro lang sila kung makatira.At siyempre, awtomatiko namang napadapa ang lahat ng mg empleyado pati na ang ilang mga kustomer sa tindahan. 

 "Mga magnanakaw kami. Lahat kayo, ipatong niyo sa ulo ang mga kamay niyo at gumapang dun sa ilalim na iyon ( sabay turo sa mga showcases )." Anito "Siguraduhin ninyong hindi kayo lilikha ng ingay o gagawa ng hakbang na tumawag ng pulis dahil tiyak na mapapahamak kayo!" Dagdag pa nito. 

 Base sa mga hawak nilang armas, masasabing totoo nga ang kanyang pananakot. Hindi na ata ito isang palabas lang. Puno naman ng mga gwardya at security cams itong building, kaya lang nakapasok ang mga magnanakaw na hindi bababa sa kinse ang bilang ay dahil iyon sa tip na ibinigay ni Steve... siya lang naman ang nasa likod ng pangyayari ngayon.Kailangan lang namang manatili sa ganun ang lahat ng mga biktima hanggang sa makalabas na ang mga ito. 

First time pa namang ma-experience ito ni Hiro lalo na kay Clock...kahit sabihin pa nating pareho silang gym-fit ay maduduwag talaga pagdating sa robbery act na ito.Nakita rin ni Clock yung takot na mukha ni Hiro sa mga sandaling iyon pero wala naman siyang maisip na pwede niyang gawin. Hindi siya tulad ni Analisha na nakakabasa ng isip o yung nakakalikha ng mga elemental spirits sa utos ng utak ni Lyle. Kung may kapangyarihan lang sana si Clock, magagawa niyang iligtas ang lahat ng mga taong nandirito ngayon... 

 At sa wakas, dumating na nga ang climax ng kwento. Tama nga ang nasa isip ni Steve dahil walang pag-aatubuling ginamit nga ni Lyle ang puntong magbabago na ng anyo si Analisha para makapagpalabas ito ng kapangyarihan.Nang mga sandaling iyon ay walang nakakakita, ibahin nyo ang cctv ng tindahang ito.Itatago pa ba niya ang kanyang sikreto kung maraming empleyado ang malalagay sa panganib? Siyempre, inuna niya ang kapakanan ng mga ito bago ang kanyang sariling identity, partikular na rito kay Analisha. 

 In shock naman ang mga magnanakaw sa pagbabagong anyo ni Analisha. Wala sa pinagkasunduan yung paglabas nina Lyle at Analisha. Hindi inaashan ng mga magnanakaw na huhulihin pala sila ng batas na ito ni Lyle. Wala ng satsat, rambolan na ito. 

 "Analisha!" Ani Lyle na para bang inuutusan niya si Analisha na atakehin ang mga kalaban. Pero yun naman talaga ang ikinilos nito. Suntok dito sipa roon. 

U Doll #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon