6. AKO AT ANG AKING KAPWA

141 1 0
                                    

Gabi na nun, after ng working hours, dumiretso na si Hiro sa opisina ni Lyle para pag-usapan ang nangyari nung nakaraang nakawan. May kung ano kasing sumagi kay Hiro na kailangang personal niyang masabi sa bise presidente ng Techno-L Corp. 


 "Hehehehe! Ayos lang po yon Sir! Hindi ko naman yon inaalala na. Nakakainggit nga kayo ni Maam Analisha, kasi nagagawa nyo yon." Ang pahayag pa ni Hiro at totoo nga yon, yon lang pala ang dahilan ng ipinunta niya. "Noon pa nga minsan ko ring pinangarap na maging superhero noong maliit pa ako. Pangarap din siguro yon ng maraming bata! Pero, hindi ko inakalang posible palang magkaroon ng ganun na pwede mong hangaan. Kayo na pala ang tumupad sa pangarap ng mga bata, sa pangarap ko noon... Kaya po, nagpapasalamat ako't naroon kayo nun gabing iyon para iligtas kami." 

 Napapatlang si Lyle sa mga sinabi ng kanyang empleyado. Sa lahat ng mga niligtas niya ay si Hiro lang talaga ang naglakas ng loob na ishare ang punto nito although yung iba ay nagpapaabot nalang ng offerings ng pasasalamat nila.

"Hindi ba sumagi sa isip mo ang ipagkalat yong mga nakita mo? I mean para ka magkapera at makilala na rin yung kabayanihan ko sa lahat..." 

 "Naku Sir, magulo po yun panigurado. Alam kong busy na kayo sa trabaho ninyo, idadagdag mo pa ba ang problema kapag nalaman pa ng lahat yung sikreto ninyo... Mawawalan na kayo ng privacy niyan pihado ako." Yung sagot pa lang ni Hiro ay alam na ni Lyle na may mabuting puso ito. "At saka, hindi lang naman ako ang nakakita nun, kapareho ko pa nga yata yung mga nakakita ng nararamdaman. Dahil kung hindi, baka may media nang dumating para interviewhin kayo sa mga sandaling ito Sir. Nirerespeto po namin kayo ni Maam, Sir Lyle. Isa pa po, hindi ko po yung ugaling manghimasok sa buhay ng iba at lalong hindi ko masisikmura ang manira sa buhay ng maybuhay. Kayo yung naglagay sa akin sa posisyong ito na maglingkod dito sa kompanya nyo, kaya nasa sayo po ang loyalty ko."Sa tono pa lang ng pananalita nitong si Hiro, parang may something na eh, nagpapakafeeling close talaga siya kay Lyle? Sa VP? 

 "Ganun ba? Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin, Hiro, salamat. Sana'y mananatili nga itong sikreto pati na itong pinag-usapan nating dalawa." Professional masyado ang pagkakasabi ni Lyle dito. Maganda ring narirecognize niya ang pangalan ng empleyado na nasa mababang posisyon.

 "Opo, makakaasa po kayo sa amin, at sa akin... Sir." Magalang namang tugon ni Hiro.

 ———————————————— 

 Habang nag-uusap sina Hiro at Lyle sa opisina nito, nagkaroon din ng oras si Analisha para masinsinang kausapin si Clock sa kanyang opisina. And yes, may sariling opisina ang assistant ng Vice President.

 *Ano ba ang meron dito kay Clock at hanggang ngayon hindi ko magawang pasukin ang nilalaman ng utak niya? Sino ba talaga siya?*Napapatitig si Analisha sa lalaki habang pinapakiramdaman ang presensya nito pero wala talaga siyang masagap na kung ano mula rito. 

 "Ah, Clock." Aniya. 

 "Ano po yon, Maam.?." Pupwede rin naman palang maging magalang si Clock sa iba bukod sa sarili niyang amo. Para na nga talagang tao mag-isip ang Doll Servant. 

 "Siguro naman may ideya ka na kaya kita pinatatawag ngayon sa opisina ko." Panimula pa ni Analisha. "Nakita mo isang gabi yung ginawa namin ni Vice President Lyle. Ano naman ang masasabi mo roon?" Sa pamamagitan nito ay babasahin niya kung ano ang magiging reaksyon ni Clock. Magaling din si Analisha sa pagkilatis. 

 "Magaling po kayo. Nasa mataas ang antas mo Maam, nangingibabaw kayo sa lahat. Ngunit, kung ako lang po ang masusunod, mas gugustuhin ko pong maging normal na tao kaysa magkaroon ng ganoong kapangyarihan na maaaring makapanakit ng kapwa." Ang pananalita ni Clock ay may tipong pagkamaginoo, swabe lang. 

U Doll #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon