8. AKO AT ANG AKING GANTIMPALA

36 0 0
                                    

( highlight ) "Hindi pwede! Ayokong mawala ka sa'kin!!!"

Miyerkules ng umaga, buwan ng Hulyo, maagang umalis ng bahay sina Hiro at Clock para dalawin ang mansyon ng bago nilang kaibigan na sina Simon at Kitty.

Nasa Golden Hills nakatira si Simon Jenolds, 6 kilometers ang layo mula sa Sampaguita Homes at 4 kilometers naman ang layo mula sa Techno-L Corp. Kung gaano kayaman ang pamilya nila, almost 80% lang naman ng kalupaan sa Golden Hills ay pagmamay-ari nila. 20% lang yung lupang pinagtitirikan ng mahigit 60 pamilya na kapitbahay nila rito.

Maging kaibigan lang ang pamilyang ito ay tiyak na kilala ka na sa lipunan. Ganun sila kasikat.

"Pangalawang beses na natin itong mapuntahan ang bahay ni Simon pero hindi natin malilibot itong laki ng pag-aari nila ano." Pansin pa ni Hiro nang makapasok na sila sa tahanan ng kaibigan. Isang magandang bisita pa ang pagtrato ng mga empleyado sa kanila ni Clock.

Ngayon ay nasa engrandeng bakuran pa lang sila habang nilalasing sila sa ganda ng mga tanawin ng hardin.

"Oo nga. Nasasabik na nga rin akong makita si Kitty eh." Sang-ayon naman ng nakangiting si Clock.

"Naging mabuti na yata ang pagkakaibigan ninyo simula pa noong nagkita kayo ah. Ang bilis niyong magkapalagayan ng loob, Clock." Sabi naman ni Hiro.

Ilang sandali pa ay dumating na si Simon sa tagpuan kaya nagkita na naman ang bagong magkaibigan na nagsimula lang sa aksidenteng banggaan.

"Good morning Hiro at sa iyo rin, Clock." Bungad sa kanila ni Simon sabay shake hands niya sa dalawa. "Mabuti naman at dumalaw ulit kayo rito.

"Magandang umaga rin naman sa iyo." Nakangiti pa si Hiro. Pinansin niya yung suot nito pagkatapos. "Wow! Ganyan pala ang uniporme ng State of Colors Uiversity! Ngayon lang ako nakakita ng tulad niyan. Dati kasi naririnig ko lang at nababasa ang tungkol sa prestihiyosong paaralang iyon pero ngayon, di ko akalaing may personal na tao na akong makaharap na estudyante ng SCU!"

"Tagahanga ka pala ng eskwelahan namin kung ganun." Sabi pa ni Simon. "Bagay ba sa akin ang damit na ito?"

Simple lang naman ang uniporme ng mga taga SCU. V-neck t-shirt na yellow edge pati na sa manggas at sa ibaba nito. May logo ng eskwelahan sa bandang kaliwang dibdib at saka may plain white shirt sa inner side nito. Kaya ito nagiging maganda at maayos dahil sa yari ng tela nito na nagpapamahal sa kanyang uniporme. Isa pa, lalong gumaganda ang uniporme na ito kung yung susuot nito ay magaling magdala at anak ng mayaman.

"Cool at para ka na ring celebrity." Puri pa ni Hiro.

"Kayo rin naman ni Clock, maganda rin ang pattern na uniporme ng Genuis University." At bumawi pa si Simon. Tumango na rin dito si Hiro saka sila nagkangitian.

"Nasaan si Kitty?" Agaw naman ni Clock sa kanilang atensyon. Pero mabilis lang din at...

"Hinahanap nyo ba ako?" Patakbo pa si Kitty na tumungo sa kanila at ang energetic ng pagkakatakbo niya sa kabila ng maiikli niyang palda. "Clock!!! Mabuti naman at dumalaw ka... Namiss kita ah."

"Ah, ako nga rin eh." Halatang masaya si Clock pero at that moment hindi pa niya alam kung ano ang ibig sabihin ng "na-miss".

Maraming mamahaling kotse na nakagarahe sa mansyon nila Simon. Milyones ang halaga ng bawat isa sa mga ito at tatak sikat yung mga pangalan ng gumawa sa mga modeling iyon. Sikreto na muna kung ilang kotse mayroon sila.

Sa ngayon ay isinakay nila sina Hiro at Clock para maihatid nina Simon at Kitty sa eskwelahan nito ng libre. Tiyak na mapapanganga ang mga estudyante ng GU kapag makita nila ang luxury car na gold plated.

U Doll #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon