Chapter 10

20 3 0
                                    




             ♻️SHINICHI POV♻️







Diko alam kung anong nagyari kay chan dahil pinauwi na ako ni ama, nalaman kasi nito ang ginawa kong kalokohan kaya ito ako nakaluhod sa maliliit na bato kanina pa ako dito pagkauwi ko pa lang pinaluhod na ako dito ni ama

At ngayon gabi na, sarado na din ang ilaw ng kwarto ni kuya mga alas siete na ata eh hayst nakakaasar di pa ako kumakain

At kapag nagtangkang umalis naman ako paniguradong malalaman ni ama kaya mag titiis ako ng pag umaga para lang makaalis dito oo pag nag umaga na ako papaalisin ni ama kau seguradong hindi ako nito makakalakad ng mabuti dahil ginamit din ni ama ang mahika nya para palubogin ang mga tuhod ko sa mga lupa na may maliliit na bato

Ff

Nakanguso ako habang nakatingin sa lupa ng biglang lumamig at muli ko nanaman naramdaman ang inerheya ng nilalang na iyon

Luminga ako sa kanan, kaliwa at unahan hindi ko lang makita ang sa may likuran ko dahil hindi ako makaalis

“SINO YAN!!” sigaw ko, walang sumagot pero ramdam ko ang paglakad nito papalapit sa kinaroroonan ko, kinakabahan na ako dahil hindi ako nakakaalis at hindi ko din ito makita

Deretso lang ito sa paglakad papunta sa akin hanggang sa malapitan na nga ako nito at parang lumuhod ito mula sa likuran ko na animo'y pinapantayan ako

“S-SINO KA!!, UMALIS KA DYAN!!” utal na sigaw ko habang lumulunok lunok, nanginginig na din ang mga kamay ko dahil sa sobrang nerbeyos at kaba

Rinig ko ang pagtawa nito ng mahina sabay sambit ng mga katagang nagpakilabot sa akin

“HAHAHA...ANG SARAP MO SEGURO GAWING HAPUNAN NGAYONG GABI” mahinang sambit nito saka inilapit sa aking batok ang mukha nito sabay kagat doon na nagpasigaw sa akin

“A-AMA!!! TULONG!!” sigaw ko dahilan upang mabilis itong tumakbo papalayo dahil lumabas na din sila ama at kuya

“ANONG NANGYARI!!??, HINDI BAT SINABI KO SAIYO NA WAG KANG AALIS DYA- hindi na nito napatapos ang sasabihin ng sumigaw ako dahil na din sa sakit ng pagkakagat ng kung sinong yun

“AHHHH ANG SAKIT AMA TULONG!! ANG SAKIT NG AKING BATOK!!” sigaw ko habang namimilipit sa sakit, nawala na ang mahika inalis na iyon ni ama kaya ito ako nakahiga sa lupa habang namimilipit sa sakit

Agad silang  tumakbo papaunta sa akin

“ANONG NAGYARI AYOS KA LANG BA??” tanong ni kuya saka ako kinarga at pumasok kaminsa loob ng bahay

Hindi ako makapagsalita dahil sobrang kirot ng pagkakagat ng h*yop na yun, sino ba sya b*wiset!!

“TEKA ITO AY MARKA NG...” pabiting sambit ni ama saka tinignan ang sugat ko kagat kagat ko naman ang kamay ko upang hindi makalikha ng ingay

“AMA...HINDI KAY-

“WAG!! WAG MONG ITULOY HINDI YAN MAARI HINDI YAN TOTOO HINDI ITO ISANG MARKA NG ISANG ARGON!!!” sigaw nito kaya pinilit ko na ang sarili kong magsalita dahil naguguluhan na ako pero magsasalita pa sana ako ng bigla akong manghina at tuluyang mawalan ng malay







      ❀•°•════ஓ๑♡๑ஓ════•°•❀



 DISGUISE GAY,  MASTER SHINICHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon