Chapter 18

13 2 0
                                    

          



       ♻️SHUN POV♻️






“HINDI KO PO SYA AMA NAKITA” nakayukong sambit kay ama

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito saka padabog na umalis

“Patawad ama hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo sa d*emonyong itinuring ko na isang kapatid” bulong ko sa hangin saka naupo sa sofa at inalala ang nangyari kanina

Si shinichi nakita ko itong umiiyak sa isang sulok ng gusali at nagwawala, lalapitan ko sana ito ng maunahan ako ng isang lalaking mas matangkad kay shinichi

Nakakapag taka lang dahil papaano sya nakarating agad doon ni hindi ko nga nakita kung saan ito nagmula

Napangiti ako ng makitang huminahon si shinichi

Pagkatapos noon umalis na lang ako at nagmukhang bigo na kunwari hindi nakita si shinichi
_______________________

SHINICHI POV*

*CHIRP* *CHIRP*

Nagising na lang ako dahil sa huni ng mga ibon at ng liwanag ng araw mula sa bintana

Teka asan ako!?, agad akong napabalikwas at inilinga ang paligid

“TEKA KANINONG KWARTO TO!?” tanong ko saka napatingin sa mesa, may papel doon na nakaipit sa may maliit na palayok

| AALIS MUNA AKO MAY BIBILHIN LANG AKO KAYA WAG KA MUNA UMALIS DYAN, SAKA WAG KA NG MALUNGKOT NGUMITI KA LAGI PARA HUMABA BUHAY MO HAHA

                      CHAN~|

Napangiti ako sa nabasa galing kay chan ang sulat kamay na ito pero saan kaya sya nagpunta?

Umalis ako ng kwarto at pumunta sa labas, napahanga ako sa nakita

Puno ng antiki at malalaking salamin ang loob ng bahay may mahabang hagdan at maliit na hagdan sa kaliwa

Kulay kayumanggi ang mga ito pati na din ang mga kwarto

Gawa lang sa kahoy ang mga antiki pero ang gaganda

“GISING KA NA PALA” isang tinig ang narinig ko mula sa ibaba sa may pintuan si chan may dala itong supot at seguradong pagkain iyon

“AHH OO NGA PALA IKAW BA ANG NAGDALA SA AKIN DITO?” tanong ko saka bumaba

“OO NAKATULOG KA KASI KAGABI SAKA DIKO ALAM KUNG SAAN KA NAKATIRA KAYA DITO MUNA KITA PINATULOG” sambit nito saka inilapag ang supot sa mesa saka ako pinuntahan

“DAHAN DAHAN MEDYO MADULAS SA PARTENG IYAN” saad nito saka ako hinawakan sa kamay

“SALAMAT” tanging sambit ko saka ito nginitian

“OH SYA TARA KUMAKAIN NA TAYO SEGURADONG GUTOM KA NA” sambit nito tumango na lang ako saka ito sinundan sa sofa

FF

“SHINICHI??” tanong nito

“BAKIT?" tanong ko din pabalik

“ANONG NANGYARI SAIYO KAGABI?? BAKIT KA UMALIS??” nahihiyang tanong nito

Bahagya akong napalingon dito saka malungkot na ngumiti

“GUSTO AKONG SAKTAN NG SARILI KONG PAMILYA” sambit ko saka nag iwas ng tingin

“AY SORRY DAPAT HINDI KO NA SAYO ITINANONG” hinging tawad nito

Hindi na lang ako umimik saka ipinagpatuloy ang pagkain

“HAHAHAHA” tawa ni chan ang narinig ko kaya napatingin ako dito

“BAKIT?” tanong ko saka pipikit pikit itong tinignan

Napatigil ako ng hawakan nito ang labi ko

Saktong napatingin ako sa mga mata nitong nakatingin sa akin

Diko alam pero parang tumigil ang mundo ng makita ko ito ng malapitan

Matatangos ang ilong nya may mapupulang labi, mahahaba ang pilik mata, mapuputing balat at ang pirpektong mukha nito

Ang gwapo nya sobra, ngayon lang ako nakakita ng gantong kaguwapong tao para syang Anghel

Agad kong pinutol ang tinginan naming dalawa at umiwas din ito

“A-AHH SIGE K-KUMAIN KA LANG D-DYAN G-GAGAWA PA PALA AKO NG MGA ACTIVITIES SA S-SCHOOL” utal utal na sambit nito saka nangmamadaling tumakbo patungo sa kwarto

Napatulala na lang ako dahil sa ginawa nya

“A-ANONG NANGYARI??”

 DISGUISE GAY,  MASTER SHINICHIWhere stories live. Discover now