Epilogue

9 2 0
                                    





         ♻️CHAN POV♻️






Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa may parang tumawag sa akin

“B-BRO...!!” sambit ni xander at parang pinagtatatapik ako

“BAKIT B- hindi ko na napatapos ang sasabihin ng makita at mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko

“I-ISANG ANGHEL, SYA ANG NAGBABANTAY SA MGA KALULUWANG GALING SA IBABA

Agad akong lumapit at nag bigay galang, nagbigay galang din si xander

“NAPAKA IYAKIN MO TALAGA CHAN” maganda ang boses nito kagaya ng kalooban nya...napakaganda nyang anghel, si cellista

“NASAKSIHAN NAMIN NG ATING PANGINOON ANG PAGKAKAIBIGAN NINYO NG ISANG D*EMONYO NAKAKATUWANG ISIPIN NA MAARI PALANG MAGING MAGKAIBIGAN ANG ISANG KAMPON NG KASAMAAN AT ISANG KAMPON NG KABUTIHAN...DAHIL RIYAN MAY INIHAHANDOG ANG PANGINOON SAIYO CHAN” sambit nito na ikinagulat ko

“NAWA'Y MAGING MASAYA SA IYONG BAGONG BUHAY CHAN...ISA KA NA ULIT NA TAO AT MALAYA MO NG MAGAGAWA ANG LAHAT NGUNIT DAPAT MAGPASALAMAT AT WAG KANG GAGAWA NG MASAMA CHAN!” sambit ulit nito...t-tao na ako!??

“MARAMING SALAMAT NGUNIT...KAHIT MAGING ISA AKONG TAO HINDI PADIN MAGIGING MASAYA ANG BUHAY KO” malungkot na sambit ko

Tumawa ito ng mahina saka ikinumpas ang kamay

“HINDI PA TAPOS ANG SORPRESA CHAN...PAANO BA YAN SANA MAGING MASAYA KAYONG DALAWA NG IYONG INIIROG WAG KANG MAG ALALA WALA NA ANG MARKA AT LALONG WALA NA ANG ARGON SAPAGKAT IBINALIK NA ITO SA DAPAT LAGYAN NYA PAALAM HANGGANG SA MULI...” sambit nito

“PAANO BA YAN BRO, HANGGANG DITO NA LANG DIN AKO SASAMA NA AKO SAKANYA” sambit ni xander

Ngumiti ako saka tumango

“MARAMING SALAMAT MAHAL KONG KAIBIGAN!” sambit ko bago ito humawak kay ate calista

Masyado akong naging abala sa panonood sa paglisan nila xander at hindi nahalata ang pagbabago ng paligid

Alitaptap...??

Napalingon ako sa mga alitaptap sa likuran, sa gitna ng mga ito ang nilalang na minamahal ko ng lubos

“S-SHINICHI!!” masayang sambit ko at hindi mapigilang umiyak

Tumakbo ito papalapit sa akin gayun din ako hanggang sa maabot ko ito at mahigpit na niyakap

“NAPAKABAIT NG IYONG PANGINOON ESTI ATING PANGINOON CHAN... BINIGYAN NYA AKO ULIT NG PAGKAKATAONG MABUHAY AT HINDI LANG DOON GINAWA NYA PA AKONG TAO ISANG BANAL NA TAO” masayang sambit nito na lalo kong isinaya

“TAMA KA NAPAKABUTI NYA NGA MAHAL NA MAHAL KITA SOBRANG MAHAL KITA SHINICHI HINDI KA NA ULIT LALAYO SA AKIN, AYOKONG IKAW AY MAWALA ULIT SA AKIN” sambit ko saka ito hinalikan sa labi

“MARAMING SALAMAT PANGINOON!!!!” masayang sigaw ko, lalong kumislap ang mga bituin at lalong lumiwanag ang paligid

Napakabuti mo panginoon ko hindi ako nagsising naglingkod sainyo

“MAHAL NA MAHAL DIN KITA AT PANGAKO HINDING HINDI NA MULI KITANG IIWAN” sambit nito

Masaya ko itong hinawakan sa kamay at sabay kaming naupo sa damuhan upang tignan ang mga bituin

“NAPAKAGANDA AT NAPAKAKISLAP NG MGA ITO...GAYA MO MAHAL KO” sambit ko at muli itong tinignan na ngayon ay nakangiti sa akin, inakbayan ko ito at ipinahiga sa balikat ko





 DISGUISE GAY,  MASTER SHINICHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon