Pasukan na naman, grabe! Parang no'ng nakaraan lang ay busy pa ako sa pag-reply sa mga lalaking nag-co-comment sa mga sexy pictures ko sa social media, pero ngayon heto ako't nakatayo sa labas ng malaking gate ng school namin.
Tanaw pa mula rito ang napakalaking puno ng Narra na nasa loob ng campus. Hindi pa rin pala nila ito pinapuputol hanggang ngayon. Kung sabagay, hindi yata tatalab ang chainsaw sa laki ng puno na 'yon, e.
Tinatamad na talaga akong mag-aral kasi parang wala rin naman akong natututunan at saka ang sabi ng kuya ko hindi naman daw nagagamit ang mga itinuturo sa paaralan sa totoong buhay so what's the point 'di ba? Minsan talaga mapapatanong ka nalang ng mga bagay-bagay.
'Di bale na nga, huling taon ko naman na 'to sa senior high kaya mas mabuti siguro kung i-enjoy ko nalang ang mga natitirang araw ko sa paaralan na 'to.
Nagpakawala ako ng isang buntonghininga bago inumpisahang ihakbang ang aking mga paa patungo sa loob ng paaralan kasabay ang iba pang mga estudyante.
"Beebs! OMG! Nakita mo na ba 'yong mga bagong transferee? Shuta, mare ang popogi!"
Ang ilan sa kanila ay halatang excited sa unang araw ng pasukan dahil kaliwa't kanan ang chismisan.
"Oo! Grabe, para silang mga anghel na bumaba sa langit para sunduin ako."
Meron pang naglulundagan at nagyayakapan na akala mo naman ay ilang taong hindi nagkita.
"Ambisyosa ka talaga, bebs! Pero ang suwerte ng mga magiging kaklase nila 'no?"
Habang ang iba naman ay parang may hangover pa sa kakatapos lang na bakasyon at tila ba'y mga kulang pa sa tulog.
Puyat pa more!
"Huwag mo siyang kakausapin." Halos mapalundag ako sa gulat ng marinig ko ang bulong ng isang babae na tila ba nagmamakaawa sa kanang tainga ko. Mabilis akong lumingon sa kanan para tingnan kung sino ang nagsalita pero tanging mga estudyante na kasabay kong naglalakad lamang ang nakita ko.
"Baka naman guni-guni ko lang," bulong ko at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakaramdam ako ng malamig na hangin sa kanang balikat ko kasunod ng pataas ng mga balahibo ko, "Issyl." Parehas na parehas ang tinig ng babaeng narinig kong nagsalita kanina. Kahit sa peripheral vision ko ay nakikita ko ang babaeng nasa kanang bahagi ko pero natatakot akong lumingon para tingnan dahil kahit hindi ako lumingon ay alam kong nakaharap siya sa gawi ko at nakatitig sa akin. Kaya imbes na lumingon ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
"Hi, Issyl!" Sa pangatlong pagkakataon ay halos mapalundag ako sa gulat. Bwisit naman! Pero this time, boses naman ng lalaki ang narinig ko kaya kahit papaano ay nakampante ako.
Lumingon ako sa direksyon ng tumawag sa pangalan ko at agad naman niya akong kinawayan. Ngumiti lang ako sa kanya bilang sagot kahit ang totoo niyan ay hindi ko talaga siya kilala. Thankful din naman ako sa kanya kahit papaano dahil bahagyang nawala na ang takot na nararamdaman ko.
Bukod pa sa kanya ay may ilan pang mga junior high students at ang iba ay college students na nginingitian ako at kumakaway sa tuwing makaka eye-to-eye contact ko sila. Ang iba naman, e, nagpapa-picture pa. Hindi naman problema sa akin ang mga iyon dahil matagal ko rin inasam ang maging sikat sa campus na ito and I always make sure that I get what I want.
"Ate! Puwede po ba magpa-picture?" tanong niya nang makalapit siya sa kinaroroonan ko. Pumayag naman agad ako at nag-pose sa camera ng phone niya na may nakadikit pang sticker ng cute na pusa.
Bahagya pa akong nagulat nang inilagay niya sa baywang ko ang kamay niya kaya inakbayan ko rin siya kasi s'yempre magpapa-kabog ba ako? In fairness pogi rin naman siya pero pass sa kiddie meal dahil ayoko mag babysit 'no!
BINABASA MO ANG
Lost in Tam-Aw Falls
HorrorIssyl Ramirez, a senior high school student known as the muse of her campus, doesn't believe in anything supernatural. On her first day at school, a strange and horrible incident occurred, leading to the suspension of their classes. Because of this...