Chapter 2

90 10 0
                                    

"Ba't ka ba kasi um-absent? Unang araw ng pasukan, e, absent ka kaagad. Naku, Jieyanth, ayusin mo ang idadahilan mo sa 'kin ha." Inilapag ko ang phone ko sa study table at saka pinindot ang loudspeaker para marinig ko pa rin ang mga sasabihin niya, habang nagpupunas ng mukha gamit ang towel dahil kakatapos ko lang maghilamos.

Kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Jieyanth. Nabalitaan niya kasi ang nangyari sa school kanina at gusto niyang i-kuwento ko sa kanya ang mga nakita ko.

"E, si itay kasi, beshy. Nagpapatulong pumitas ng kung anu-anong dahon para raw sa alam mo na, panggagamot niya." Napailing nalang ako sa mga narinig ko sa kabilang linya. Iyan kasi ang laging rason niya tuwing absent siya sa klase o 'di naman kaya ay pag na-le-late siya. Ang tatay kasi niya ay isang kilalang albularyo dito sa lugar namin.

"Tapos pagdating ko naman sa school kanina, e, nagtakha ako bakit wala ng mga estudyante. Akala ko nga baka nagkamali lang ako na ngayon ang pasukan, e. Kaya umuwi nalang ako," dugtong pa niya.

Naglakad ako saglit palapit sa bintana. Okay lang naman kasi naka loudspeak naman ang phone kaya kahit medyo may distansiya ako mula sa phone, e, maririnig ko pa rin siya.

Dumungaw ako sa bintana at napansin kong madilim na sa labas kaya isinara ko na ito. Medyo maaaninag pa rin ang mga puno sa labas dahil may mga parte ng bintana na gawa sa salamin. Hindi ko pa kasi naikakabit ang kurtina pagkatapos itong labhan.

Naglakad na ako pabalik at naupo ako sa tapat ng salamin na katabi lang ng study table ko at saka isinabit ang ginamit kong towel sa sandalan ng upuan kung saan ako naka upo.

Binuksan ko ang isa sa mga skin care products ko at saka ipinahid ito sa mukha ko ng paunti-unti.

"Akala ko ba nag-alay kayong dalawa ng tatay mo ng dasal doon sa puno?" Ang puno na tinutukoy ko ay ang malaking puno ng Narra sa school. Nabanggit kasi niya kanina na tinawagan sila ng staff ng school para patingnan kung may naninirahan na kung ano rito. Ang weird nga kasi naniniwala rin iyong mga taga-school sa mga ganoon.

"Oo nga, beshy. Pero tinanghali na kami kasi naghanda pa si itay ng mga gagamitin niya sa pagdadasal." Alam ko na yata kung saan nagmana itong beshy ko sa pagiging late.

"At correction lang beshy ha, nag alay siya ng dasal, okay? Siya lang, hindi ako kasali." Natawa ako dahil sa pagiging defensive niya, palagi ko kasi siyang inaasar na siya ang tagapag-mana ng tatay niya sa panggagamot—na ayaw naman niya.

"Eh bakit mo pa ako tinatanong kung anong hitsura niyong biktima?" tanong ko.

"Beshy naman paulit-ulit tayo rito. Pagdating nga namin ay wala na 'yong katawan ng biktima." Mas lalo akong natawa dahil sa tono ng boses niya ngayon. Halatang-halata kasi na nauubos na ang pasensya niya sa mga tanong ko.

Habang hinihintay kong matuyo ang toner na inilagay ko sa mukha ko ay may bigla akong naalala.

"Teka, may i-se-send ako sa 'yo," sabi ko at saka kinuha ang cellphone kong nakapatong para tingnan ang gallery.

Naalala ko na kaya ko pala kinuhanan ng litrato ang biktima para ipatingin ito sa tatay niya. Hindi naman sa naniniwala ako sa sinabi ni Kael at ni manang pero ano ba naman ang mawawala kung magtatanong ako 'di ba?

"Psst!"

Napalingon ako sa naka saradong bintana ng kwarto nang bigla akong makarinig ng parang may sumitsit. Pero binalewala ko lang iyon at agad na bumalik ang tingin ko sa telepono nang magsalita si Jieyanth.

"Oh my gosh! Grabe, sino kaya ang may gawa nito? Sayang pogi pa naman sana. Huhu." Natawa ako sa mga huling sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi iyon kasi halos hindi na makilala ang lalaki sa dami ng dugo niya sa mukha at buong katawan. Kapag pogi talaga ang linaw ng mga mata niya.

Lost in Tam-Aw FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon