Chapter 7: Having fun with valentine

97 46 20
                                    

"What are you doing?" pag tingin ko sa salamin ay nasa likod ko si Scarlette. May kasama pa syang dalawang babae.

"nag hihilamos lang ako kasi mainit," sagot ko

"What i mean is.. what are you doing with my Val and Brittany? I didn't remember that they hired a maid,"

Lalabas na sana ako ng banyo upang umiwas sa kanya ngunit biglang humarang ang dalawang babae sa pintuan.

" Where you going?!" tinaas ang kanyang isa nyang kilay.

" You're not allowed to leave until i say so.... Oh wait, i remember your face..... You are... You are the little rat in Thailand. No wonder why, you smell so stinky,"

Akmang sasampalin nya ako, ngunit may biglang sumipa sa pintuan.

Dumating si Brittany, at hinila palayo kay Scarlette.

Nag Tama ang kanilang matatalas na tingin at nag hugas ng kamay si Scarlette, habang masama pa rin ang kanyang tingin sakin.

Nang ilapat nya ang kanyang kamay ay inisprayan ito ng alcohol ng babaeng kasama nya.

" So your friends now, with this... filthy rat" sambit ni Scarlette

Para syang diring diri sakin.

" She's not a rat, she is Dahlia and in fact... She's prettier than you,"

" What did you say?"she sarcastically asked.

Napikon si Scarlette sa kanyang narinig. Sasampalin nya na sana si Brittany, ngunit bago pa tumama ang kamay nya, napigilan agad sya nito.

" You can mess with anyone here but dont you dare to touch my friend again Scarlette" sambit ni Brittany

Lumabas na kami ng banyo palayo, sa bruha na yon. Nakasalubong naman namin si Valentine, Nag iba kami ng daan at pumunta kami sa convenience store ni Brittany.

Tinignan ni Britanny kung may sugat o pasa ba ako.

"Oklang ako britt,walang masakit sakin. promise,"

" No! You're not okay Dahlia.. kung di pa ako dumating kanina baka may malalang nangyare pa sayo,"

Patuloy nyang tinitignan kung may sugat ba ako, kahit galos ay wala naman syang nakita.

" Salamat sa pag tulong mo sakin kanina. Kung hindi, baka nasabunutan ulit ako ni Scarlette,"

" Again? What do you mean by that? " Naiinis nyang sabi.

" Diba sabi ko familiar yung face nya... Nung nasa Thailand kami, aksidente kong nabunggo si Scarlette. tapos bigla nya kong sinabunutan sa gitna ng daan,"

" That witch! " Bigla syang tumayo sa kinakaupuan nya, upang sugurin si Scarlette ngunit pinigilan ko sya.

" Please wag na... Hayaan na natin sya Brittany,"

sa pag pupumilit ko sa kanya ay naupo na rin sya, ngunit bakas sa kanyang mukha ang gigil kay Scarlette.

Habang pinapakalma ko si Brittany ay dumating naman si James at Valentine, agad itong sinalubong ng yakap ni james at umiyak sya.

"Shhhhh calm down baby, it's okay. Nandito nako," cinocomfort nya si Britanny.

Inabutan naman ako ng tubig ni Valentine.

"Salamat Valentine," wala pa rin syang imik, habang si Brittany naman ay binuhos nalang ang galit sa pag iyak.

"Tell me what happened baby" sabi ni james

"Scarlette is bullying Dahlia in restroom, thank god kasi dumating ako on time, kasi kung hindi.. kawawa si Dahlia" sagot nya.

Nag tiningan si James at Valentine.

Promise of Valentine Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon