Kabanata 18

103 4 0
                                    

Father.

Boung buhay ko inisip kung patay na si Papa, hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Mama ito sa akin, dahil lang sa matinding galit niya kay Papa kaya niyang mag sinungaling sa akin?

Alam kung may dahilan ang lahat nang ito, pero bakit kailangan umabot sa puntong palalabasin niyang patay si Papa?

Kung buhay si Papa sino siya? Kilala ko ba siya? Buhay pa ba siya? Alam niya kayang anak niya ako?

"Tanungin mo ang Mama mo, alam kung gulong gulo ka na ngayon. Siya lang ang makakasagot sa mga tanong mo. Kung hindi ko sasabihin sa iyo ito ngayon ay panigurado akong wala siyang balak sabihin sa iyo ito lahat."

"Kung ganon Auntie, sino iyong lalaking dinadalaw namin sa puntod noon?"

"Matalik na kaibigan nang Mama mo, kapangalan nang Papa mo Chantyl."

"Paano nagawa ni Mama ito lahat?"

"Ganon siya maka sarili! Akalain mo iyon? Humingi na nga ako nang tawad sa ginawa ko sayo! Ayaw tanggapin galit na galit!"

"Auntie, hindi mo po masisisi si Mama, may kasalanan rin po kayo."

"Alam ko naman iyon Chantyl, kaya nga ako humihingi nang tawad sayo ngayon. Nagsisisi ako sa ginawa ko."

"Bigyan niyo nalang po siya nang panahon. Mapapatawad ka rin non."

"Kahit hindi niya na ako patawarin, ibigay niya lang sayo ang nararapat mong malaman Chantyl masaya na ako roon."

I sighed, hindi naman ata tamang hindi sila mag ka ayos na dalawa ni Mama.

Ilang taon na ang nakalioas, is he still alive? May pamilya na rin kaya ang Paoa ko? Hinahanap niya kaya ako?

Naalala ko bigla si Mr. Yoshinori, bakit naman ganito si Mama, ganon naba ka tindi ang galit niya kay Papa? para umabot sa ganito?

Ilang taon din iyon!

"B-buhay pa b-ba si Papa Auntie?"

"Buhay na buhay, malapit na nga lang mamatay!" Natatawang sabi ni Auntie sa akin.

"Wag naman po kayong mag salita nang ganyan sa kanya Auntie."

"Malalaman mo rin ang lahat, kung bakit ako ganito mag salita sa Papa mo."

Napaangat ako nang tingin kay Auntie Lena, anong ibig niyang sabihin?

"Sinasabi ko sayo ito, dahil gusto kung bumawi. Sa lahat nang ginawa ko sayo. Maraming salamat sa pag papatawad mo sa akin Chantyl."

Tumango ako sa kanya, tumayo siya sa kinauupuan niya at nag lakad palapit sa akin.
Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at hinaplos niya iyon.

"Mahal kita tandaan mo iyan. At dapat mo lang malaman ang lahat, matapos kung mag paubaya sa Mama mo noon, hindi ko maintindihan..... Kung bakit pinagdadamot niya sayo ang katotohanang ito anak."

"Baka po, ay may dahilan si Mama, Auntie?"

"Kahit anong dahilan parin iyan Chantyl! Wala siyang karapatan ipagdamot ka sa totoo mong Ama!"

"B-bakit hindi niyo po sinabi sa akin noon?"

Malungkot na ngumiti sa akin si Auntie Lena, she sighed, nagulat ako nang bigla siyang humikbi sa harapan ko.

"Dahil na rin siguro. Sa matinding galit ko Chantyl, sa Mama mo sa Papa mo. At sising sisi ako sa sarili ko ngayon, dahil ikaw ang pinag buntungan ko sa galit ko sa dalawa, malalaman mo rin iyan lahat sa Mama mo. Wala ako sa posesyon, para sabihin sayo kung sino ang totoo mong Ama. Tanging Mama mo lang ang makakapag sabi sayo niyan."

Chasing Dreams (Celebrity Series #2) (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat