Chapter 2

82 2 0
                                    

Heartbeat's

Nang nagising ako ay wala na si Mama sa tabi ko. Lagi naman talaga si mama umaalis ng bahay ng maaga para pumunta sa Farm. Tumayo ako ng may amoy na kape sa labas.

Andito pa ba si Mama?

Binuksan ko ang pinto ng kuwarto ni Mama at nakita si Gian na nakahilig sa labas at nagtitipla ng kape. Lumingon siya saakin ng nakitang nakatingin ako sakanya.

"Good morning, Coffee?" he said as he sexily sipped on his coffee.

Iniwas ko ang tingin sakanya saka tumango. Umupo ako sa pahabang silya malapit sa kusina. Ibinaba niya ang isang tasa na kape saka umupo sa aking harap.

Huni ng ibon at tunog ng mga hayop ang aking naririnig dahil sa aming katahimik. Humigop ako sandali ng kape saka ito binaba. Nakatingin siya saakin habang ginagawa ko 'yon kaya lalo akong hindi naging komportable sa harap niya.

I clear my throat before speaking.

"Asan si Mama?" tanong ko habang pinaglalaruan ang kutsara sa Tasa.

"Maaga siyang umalis dahil may trabaho pa daw siya sa Farm," tumango ako sakanya saka muling humigop ng kape.

"May gagawin kaba ngayon'ng araw?" dagdag nito.

Why is he suddenly asking that?

Panandalian ko siyang tinitigan habang umiinom ito ng kape bago ako tumango.

"Oo, madami akong gagawin. Kung gusto mo ay manatili ka nalang dito para makapagpahinga ka," sagot ko.

Tumingin ako sakanya at nakitang nakakunot ang mga noo nito. What now?

"Hindi na, tutulungan kita sa gagawin mo ngayon'ng araw," suminghap ako.

"Hindi ka naman marunong ng mga gagawin ko, eh. Saka madudumihan ka lang kaya manatili ka nalang dito," ang totoo ayoko siyang sumama saakin dahil ayoko makita niya ang mga ginagawa ko.

Naiinis ako dahil bigla kong kinahihiya ang mga normal na ginagawa mo dito sa Bukid. Madalas kasi akong magpaligo ng mga hayop sa umaga, pinapakain ko din sila pagkatapos.

Pag mahaba na ang mga damo doon ay nag-gra-grass cutter ako. Pagkatapos ay maliligo at pupunta sa Strawberry farm para magtanim.

"Madami akong gagawin, mapapagod ka lang," sabi ko, sinusukan ko siyang konsintihin na 'wag ng sumama saakin, pero apaka kulit niya.

Ngayon ay nasa harap kami ng mga Baka. Magpapaligo ako ng mga hayop ngayon, tulad ng aso naming si Itim. Pero uunahin ko muna pakainin ang mga Baka.

"Do you need help?" tanong nito habang pinapanood akong magpakain ng Baka.

Nasa gilid lang siya at nakatayo doon habang ako ay nagpapakain ng hayop. Kahit na naka plain t-shirt lang siya at naka pantalon ay sumisigaw ang aura niya ng karangyaan sa buhay.

Huminga ako ng malalim saka Umiling. May mga iilang high school students ang dumaan saamin at pinagtitinginan siya. Pero parang wala siyang napapansin dahil apura tingin at tanong lang niya saakin kung may matutulong ba siya.

"What can i do then? Wala bang ibang pwedeng gawin dito, para matulungan kita?" tanong niyang muli.

Napaka kulit din ng isang 'to.

"Kunin mo yung walis tingting at mag-walis ka nalang ng mga tuyong dahon kung gusto mong may magawa." agad agad siyang tumango at kinuha ang walis at dustpan.

Mukha siyang mayaman na nautusan na mag-walis. Hindi na pigilan ang pag-ngiti, parang ang liit ng walis tingting sa malaki niyang katawan.

Matapos kong pakainin at paliguan ang mga hayop ay binalikan ko siya kung saan siya huling nagwawalis.

Scars on My Dreams (Dream Series #2)Where stories live. Discover now