Chapter 10

83 1 2
                                    

Revelation

Nakita ko pag kunot ng noo ni Ate Sophia habang lumalapit sa mesa namin.

"Charlotte?" si Ate Sophia ng makarating sa table namin.

Hindi ko alam, pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay may mali, pero hindi ko ito maipaliwanag. Nalilito ako.

"Charlotte," ulit ni ate ng makumpirmang ako ang nasa harap niya.

Si Ate Sophia ang pangalawang anak ni Papa. Dalawang taon ang tanda niya saakin. Hindi kami close dahil hindi kami nagkikita. Ngayon lang. Ngayon lang..

"Ate.." I whisper.

"Anong ginagawa mo dito, Ate?"

Lumingon si ate sa dalawang kasama ko. Her eyes locked on Gian. Hindi maalis ang mga mata niya dito na para bang Isang mahalagang bagay si Gian na matagal ng hinahanap ni ate na ngayon ay natagpuan na niya ay ayaw na niya itong mawala.

"Bakit mo siya kasama, Charlotte?" mahinahon na tanong ni Ate.

Bakit ko siya kasama?

Asawa ko siya, Ate. Asawa ko ang nasa harap mo.

Tumikhim ako saka nilingon si Gian na nakakunot ang mga noo saamin. Ibininalik ko muli ang tingin kay Ate. Matangos ang ilong ni Ate at maganda. Manang mana kay Tita Adalyn, ang kaniyang ina.

"Ate-"

"Bakit kasama mo siya, Charlotte? Hindi dapat ay nasa asawa mo ikaw? Don't tell me you're cheating on your husband.. Manang mana ka talaga sa Mama mo.."

Pabulong ang bigkas ni Ate sa huli niyang sinabi pero rinig na rinig ko iyon. Gusto kong magalit pero gusto ko siyang respetuhin dahil mas nakakatanda siya saakin at gusto ko rin makasundo ang mga kapatid ko. Umayos ako ng upo na parang hindi ako komportable na narito si ate sa harap namin. Pero sa totoo lang, hindi talaga ako komportable na narito si ate. Bakit nga ba siya nandito? Walang bahay sila Papa sa Bulacan dahil sa Manila naman talaga sila nakatira kaya anong ginagawa ni ate dito?

"I'm her husband," biglang nagsalita si Gian.

Lumingon si Ate dito habang nanlalaki ang mata. Tiningnan ni Ate si Gian na parang litong lito siya sa sinasabi ni Gian, na para bang hindi kapani-paniwala ang narinig niya.

Tumawa si Ate ng mahina.

"Stop the act, You're a Alarzon. I know you. You won't marry.. a girl like my sister," makabuluhang sabi ni Ate saka ako nilingon at tinaasan ng kilay.

Napayuko ako. A girl like me. I'm just a girl. A girl... Dahil ba anak ako sa labas ay hindi na ako karapat-dapat kay Gian? Dahil hindi ako kasama sa pamilya nila Ate, hindi na ako karapat-dapat?

"A girl like her?" Gian scoffed.

Napalingon ako sakanya.

"Yes, a girl like her. Her mother was a slut so for sure.. She's also one," sagot ni Ate.

Kumirot ang puso ko. Ang sakit marinig ang tingin nila kay mama. Saamin.

"Kabit ng Ama ko ang nanay niya. All they want to get is our riches. Haliparot ang nanay niya at nagmana siya doon! Hindi kayo bagay.. You're too high for her."

Masyado ba akong mababa para maisip ni ate 'yon?

Gusto kong maiyak sa mga sinasabi ni Ate. Gusto kong ipagtanggol si Mama sa harap ni Ate. Ayokong sinasabi nila kay Mama 'yon. Mabait si Mama. Mali ang tingin nila kay Mama. Hindi ko magawang magalit kay ate dahil.. tama naman siya.. kabit ang aking ina. Pero hindi naman ganong tao si Mama. Totoong minahal niya si Papa, hindi dahil sa pera, dahil sa pagmamahal.

Scars on My Dreams (Dream Series #2)Where stories live. Discover now