Chapter 5

57 2 0
                                    

Dance

Gabi ang birthday celebration ni Jessa dahil party daw ito. Kaming tatlo sana ang pupunta nila mama kaso masama ang pakiramdam niya at kami nalang daw ang dumalo.

"Sabihin mo nalang kay Jessa ay Happy birthday at pinapasabi ko.." si mama.

Tumango ako dito bago sinarado ang pinto sa kuwarto namin para makapagpahinga na siya.

Pumunta ako sa kainan namin kung nasaan nakahilig ang malaking katawan ni Gian doon. Nakahilig siyang mabuti sa mahaba naming upuan at nakasandal ang likod sa kahoy na railings. His legs were spread apart, and his adams apple moves when he gulp. Napikit siya kaya hindi niya ako nanapansin. Nang dinilat niya ang kanyang mata ay agad siyang ngumisi ng nakita ako.

Umayos ako ng tayo at tumikhim. Lumapit ako sakanya at nagsalita.

"Let's go," aya ko dito.

Umayos siya ng upo at tinaasan ako ng kilay. Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Uminit ang pisngi ko. Naka suot ako ng Black short fitted dress. Regalo lamang saakin ito ng nanliligaw saakin noon at hindi pa nasusuot, wala din akong maisip isuot dahil kakaonti lamang ang maayos kong damit kaya ito nalang ang sinuot ko.

"Asan si tita?" tanong niya matapos akong pagmasdan.

"Masama ang pakiramdam kaya tayo nalang daw ang pumunta sa birthday." paliwanag ko.

Tumayo siya at tumango saakin. Nauna siyang bumaba ng kubo at sumunod naman ako sakanya. Pero imbis na sa bahay nila Jessa kami pumunta ay sa kotse niya kami pumunta. Anong gagawin namin don?

"Ba't ka dito pumunta?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. Kinuha ang niya ang susi niya at pinatunog ang kotse niya. Binuksan niya ito at may kinuha sa loob.

"Wear this," sabay hagis niya saakin ng isang white coat.

"Para saan?" tanong ko.

Pumikit siya ng mariin saka huminga ng malalim.

"It's pretty cold, so wear it."

Huh? Sanay naman na ako sa lamig ng klima ng Baguio. Okay lang saakin kung walang coat.

"Hindi naman ako nilalamig, sanay ako sa klima dito. I don't need it." sabay bigay ko sakanya ng coat.

"Fuck, just wear it." he looks at me darkly.

"Fine!" sabay suot ko ng coat niya.

Hinigit niya ako sa kanyang tabi at hinawakan ako sa aking baywang at sabay kaming nalagkad papunta sa bahay nila Jessa.

Nang makarating kami doon ay maingay na agad at maraming nag-iinuman. Naramdaman ko ang pagdiin ni Gian sa aking katawan sakanya. Sinalubong kami ni Jessa nang nasa gate palang kami.

"Hello! Thank you for coming.. Enjoy kayo! May pagkain doon.." masayang bati saamin ni Jessa. Pero ang mata niya ay nakatingin lamang sa katabi ko. Tumikhim ako. Natigil lamang ako ng maramdaman ang pag pisil ni Gian sa aking baywang. Nilingon ko siya at kinunot ang noo. He didn't look my way, he was just wearing his grumpy look at nodded at jessa.

Tumuloy na kami sa loob at umupo sa isang upuan na wala pang tao. Naramdaman ko ang pag-gapang ng mga kamay ni Gian sa aking baywang ng nakaupo na kami. Tumikhim ako at umayos ng upo. Naramdaman ko ang pagpulupot ng bituka ko sa tiyan sa ginagawa niya.

"Naku, hija! Napaka guwapo naman ng boyfriend mo bagay kayo!" isang matanda ang lumapit saamin.

Uminit ang pisngi ko. Ngumiti lang ako sa mantanda. Nang makaalis ito sa harap namin ay nilingon ko si Gian naka tingin na saakin. Agad kong iniwas ang tingin sakanya.

Scars on My Dreams (Dream Series #2)Where stories live. Discover now