CHAPTER 1 (SMIRKED)

10 1 0
                                    


Veronica POV.

“Veron!!!” omygad si ate

“Ate!! 'yong pusa nagsasalita!!!!” bungad ko agad sakanya pag bukas ko nang pintuan.

Sandali niya akong tinignan at 'yong pusang nakataklob nang kumot.

Nilapitan niya ito at kinarga.

WTF?

Nanlaki ang mga mata ko hindi na siya 'yong  poging lalaki kanina

Wait? pogi? seriously Veron? Pogi sayo?

“ARAY?!?!” bigla akong binato nang suklay ni ate Venice.

“Jusko naman Veron! ala sais palang napaka ingay mo! anong pinagsasabi mong nagsasalita 'tong si shadow walang hiya ka. Mag asikaso kana. Kakanood mo yan nang kung ano ano.”

Hinimas ko 'yong ulo kong natamaan sa pag bato niya nang suklay.

“Ikaw nga kaaga aga nagrarap kana eh” bulong ko pero—

“Ano?! may sinasabi ka nanaman diyan?!”
Agad kong sinara ang pintuan, mamaya mabato nanaman ako.

Pero? Teka? Anong nangyari? Mali ba ako nang nakita? Ano yun? Nababaliw na ata ako.

Pero totoo nagsalita siya.

Hys.

Binuksan ko ang laptop ko at nagsearch.

Is cat possible to be a human” tinap ko ang search pero ang lumabas ay kabaliktaran.

Anong kabobohan nanaman to google?

Pero? bat ba ako nagsesearch?

Mas bobo ka ata Veron” bulong ko sa sarili ko.

“Veron!!!!!wala kang balak pumasok?! Ha?! Kanina kapa gising diba! Ano nakaligo kana ba! Wag mong sabihin hindi pa din?!”

Oo nga pala.

Dali dali akong tumakbo papuntang Cr. Grabe si ate magbunganga.

Hanggang sa pag ligo  ko iniisip ko pa din kung nagkamali lang ba ako o ano.

Pagkalabas ko nang cr ay naka abang sakin si shadow sa hagdan.

“Shadow?” nakatitig siya sakin na para bang sinasabi niya hindi ako namamalikmata kanina.

Then he smirked.

Tf?

Did the cat smirked at me?!

I looked at my cat with a shocked reaction on my face.

Nababaliw na talaga ako.

Umakyat ako sa hagdan na parang tinakasan nang kaluluwa sa katawan.

At 'yong pusa?

Ito siya nakasunod sa'kin na parang nang aasar.

Wag mong pansinin veron” bulong ko sa sarili ko.

“meow....” napaiktad ako sa biglaang niyang pag meow.

Nilingon ko siya at tinitigan nanaman.

“Hindi mo na ako maloloko shadow, alam kong tao ka.”

“meow? meow?” lumapit siya sakin at kiniskis ang katawan niya sa paa ko.

Na parang sinasabi niya na, wag akong matakot sakanya?

“Veron?! Nakatapis kapa nang tuwalya diyan. Anong oras na, aba!!” si ate hindi na talaga tumigil kakabunganga.

“At si shadow sakin na muna yan baka kung ano pang gawin mo.” kinuha niya 'yong pusa sa may paa ko at kinarga.

Nakatitig lang ako kay shadow hanggang sa pumasok sila sa kwarto ni ate.

Shadow? jusko nababaliw na talaga ako.

“Magbihis kana?!” nahimasmasan ako sa sigaw ni ate mula sa kwarto niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nag bihis para sa pag pasok ko.

Sandali kong sinulyapan ang aking orasan.

Shit!

Late na ako 8am ang pasok ko at 7:46am na, sasakay pa ako nang jeep. Hays.

Langyang pusang to kasi.


______________________________________

PLAGIARISM IS A CRIME.

You can criticize my mistakes.

📝: Bell_SILVER.

MY HUMAN CATWhere stories live. Discover now