CHAPTER 2 (DISCOVERED)

6 1 0
                                    


Veronica POV.

Lakad takbo na ang ginawa ko pero, late pa din ako.

“Good morning prof, i'm sorry po nalate ako” paghingi ko nang tawad kay pofessor Marquez.

Oh fuck nakatingin silang lahat sakin.

“You look like a mess Ms. Fuendella, maupo kana sa upuan mo.”

Nakakahiya ngayun lang ako nalate, nakakahiya pala talaga.

“Ano bang nangyari sayo Veron?! mukha kang nakatakas sa mental sa itsura mo” bungad sakin nang kaibigan kong si Thea.

Pano ba naman hindi na ako nakapagsuklay, kahit ayusin manlang tong uniform ko diko nakagawa gusot gusot na din.

Tulala lang akong nakatitig sa kaibigan.

“Hey Veron?naririnig mo ba ako?”

“'Yong pusa ko nagsasalita, tas naging tao pa siya kanina” bigla kong sabi.

“ANO?!” nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Thea, oh my god? nahimasmasan ata ako sa reaksyon niya.

“Is there something wrong Ms. Gomball?” iritang sabi ni prof. Marquez.

Halatang nagpipigil siya.

“Hala?sorry po, no, nothing po” dali daling sagot ni Thea.

“Gaga kaba? nasa room tayo sumisigaw ka bigla diyan.” may diin nabulong ko sakanya.

“Kwento ko sayo mamaya, ang oa mo ah.” dugtong ko pa.

“Dapat lang” pagbabanta niya naman.

Mahilig kasi to mag basa nang kong ano ano, as in siguro hindi siya mabubuhay nang hindi nakakapagbasa. Ewan ko ba diyan.

Wala man lang ako maintindihan sa tinuturo ni prof dahil lumilipad pa din utak ko sa pusang 'yon.

Kung totoo ba talaga ang nangyari kanina, parang patagal nang patagal eh, parang hindi na siya kapakapaniwala.

Feel ko baliw na talaga ako.

Pasulyap sulyap naman sakin tong si Thea  na parang sinasabi sakin nang mga mata niya kung gaano siya ka excited sa kwento ko.

“Okey class dismissed”

“Ugh finally!! So ano?” baling sakin ni Thea.

Kwenento ko sakanya lahat at natuwa pa siya sa nangyari, mas baliw ata to sakin.

“Pero alam mo ba Veron, sabi sa mythology 'yong mga cats daw ay isang witch” napalingon naman ako kay Thea nang sabihin niya 'yon.

Witch?

“Kasali ba sa mythology 'yong mga cats?” kasi mamaya pano kung god siya? Oh my freaking cat.

“Ang alam ko oo, sa Egypt. May nabasa pa nga ako na kapag daw may namatay na cat sa isang household 'yong entire family would mourn and shave their eyebrows” pagkwekwento niya.

“Eyebrows? Why?” ang weird naman.

“Hindi ko alam HAHA”

“Tsk, siguro hindi ka talaga fan nang mythology, bat ba ako nakikinig sayo”

Then nag serious mode na siya.

“Pero according to one old legend, cats were the only creatures on earth who where not made by God at the time being” seryoso niyang sabi.

“Ano naman ibig sabihin non?hindi creation ni God 'yong cats? binabaliw mo ata ako lalo Thea.” sabay inirapan ko siya.

“Si Bastet, siya 'yung goddess of protection, pleasure, and the bringer of good health.”

“Gagawin ko sakanya?” tinignan ko siya nang masama, pinagsasabi nanaman nito.

“'Yong head niya pang pusa and 'yong katawan niya naman katawan nang babaeng tao” weird parang tikbalang lang ganun sabagay 'yong mermaid din naman.

Haynaku, bat ba ako nakikinig dito.

“Kumain na nga tayo, gutom ka lang ata wala kang tamang sagot sa mga tanong ko walang hiya ka.”

Hinila ko na siya papuntang canteen.

Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami sa room.

Buong klase ko padin iniisip 'yong punyetang pusa na 'yon.

Witch?not God creation?

Ano kayang mangyayari nanaman pag umuwi ako sa bahay.

“Bye Thea!”

“Bye Veron, don't forget to update me haha tell me more about it please”

“Oo na” sabay irap sakanya.

Putek na to, mas pinagulo lang 'yong utak ko.

Talaga naman.

______________________________________

PLAGIARISM IS A CRIME

You can criticize my mistakes.

BASTET: was the goddess of protection, pleasure, and the bringer of good health. She had the head of a cat and a slender female body. Bastet was the daughter of Ra, sister of Sekhmet, the wife of Ptah, and the mother of Mihos. Since the Second Dynasty, Bastet was worshiped as a deity, most commonly in Lower Egypt. (source: GOOGLE)

📝: Bell_SILVER.

MY HUMAN CATWhere stories live. Discover now