CHAPTER 3 (HIS HERE AGAIN)

4 1 0
                                    

Veronica POV

“Andito na ako!” sigaw ko pagkapasok ko sa bahay.

“meow....”

“Ay tikbalang!”

Nagulat ako sa paglapit sakin ni shadow. Naalala ko nanaman tuloy ang kaganapan kanina, totoo kaya ang nangyari kanina? o tulog pa talaga ako no'n?

Yumuko ako para magpantay kami ni shadow hinimas himas ko ang ulo niya at pumikit naman siya.

“Shadow.....” sino ka ba talaga?

Naalala ko nung mapulot namin ni ate Venice si shadow sa may bukid.

Fashback

“Ate bakit? bakit ganun ang nangyari kela mama” humihikbi kong tanong.

Habang si ate naman hinahagod ang aking likod para patahanin ako.

Hindi ko matanggap ang nangyari. 5 years na ang nakalipas pero sa tuwing naghihiking kami ni ate ay naaalala ko lahat.

Na aksidente ang mga magulang namin sa pag hiking 5 years ago. Bonding nila 'yon mag asawa sa tuwing nagiisip sila nang mga plano nila. Ganun ang lagi nilang ginagawa.

“Wala naman tayong magagawa Veron, kung ganun talaga ang kapalaran nila. Tanggapin nalang natin.”

Tumingin ako sa reaksyon niya, galit siya kela mama noon dahil gusto siyang pag aralin nila mama sa kursong archeology, gusto nilang sumunod si ate sa yapak nilang mag asawa.

“Galit ka pa din ba sakanila?” naaawa ako sakanya, kasi saming dalawa siya 'yong alam kong nagsisisi.

“Hindi, bat ako magagalit, kukunin ko ba tong kursong ito kung galit ako, mahal ko sila Veron. Mahal ko sila kaya pinagpatuloy ko 'to.” tumulo ang luha niya pero agad niya din itong pinunasan.

Pinapakita niya sakin na malakas siya kahit alam ko naman na parehas lang kami nang nararamdaman.

Tumayo kana nga riyan, matanda kana umiiyak ka pa din. Tayong dalawa nalang ang magkasama kaya pakatatag ka, wag mo kong iwan.” niyakap ko siya.

Kahit subrang sungit niya, ate ko pa din siya kadugo ko pa din siya. Kaya mahal ko siya.

“meow.....”

Sabay kaming napatingin ni Ate sa pusang umiiyak sa may puno.

“Ate pusa ba 'yon?”

Sa totoo lang hindi ako mahilig sa pusa, pero si ate subrang hilig niya.

Lumapit kami sakanya at may sugat siya sa may leeg niya, mukha siyang nag aagaw buhay.

Binuhat ni ate 'yong pusa.

“Ate may balak ka bang alagaan yan? Eh parang mamamatay na siya.” pag awat ko kay ate Venice.

“Hindi siya mamamatay kung gagamotin natin siya Veron.” seryosong sabi ni Ate.

Bumaba na kami nang bundok nang nagmamadali para maagapan agad 'tong pusa na to.

Habang nasa byahe, naghanap muna ako nang tela upang pantakip sa sugat na dumudugo sa leeg nang pusa.

“Salamat Veron” napatingin ako kay ate habang nag dradrive siya.

“Aalagaan natin siya Ate diba?”

Ngumiti si ate at tumango.

“Hold tight, andito lang kami para sa'yo” pagkakausap ko sa pusa.

Sa hindi ko malamang dahilan ay napalapit ako agad sakanya sa paraan nang pag tingin niya sakin.

—End of flashback—

Shadow ang pinangalan ko sakanya dahil sa mala abo na may halong itim niyang balahibo.

“Shadow, wag mo kong takotin please?” nakatitig lang sakin si shadow na parang sinasabi niya na bat niya ako tatakotin.

Binuhat ko siya at sumiksik siya banda sa may dibdib ko, napaiktad naman ako sa ginawa niya at nabitawan ko siya.

Ano 'yon?

Anong pakiramdam na 'yon?

Bakit parang?

“Veron?! nasisiraan kana ba?!” nagulat ako sa biglaang sigaw ni ate don ko lang napagtanto na nabitawan ko si shadow at nahulog sa sahig.

“meow.....meow.....”

“Oh my god, i'm so sorry shadow, nagulat lang ako...”

“Ikaw talagang bata ka!” hinampas ako ni ate sa braso.

“Aray naman”

“Aray ka diyan, mas masakit 'yong ginawa mo kay shadow, ano ba? hindi ka talaga papaawat diyan ha? pagmapilayan to? jusko naman”

Binuhat niya si shadow.

Sinuri niya si shadow kung may na dislocate ba itong buto.

Hys hindi ko naman sinasadya.

May kakaiba lang akong naramdaman no'ng siniksik niya ang ulo niya sa dibdib ko.

Parang....

“meow...” daing nang pusa nung iangat ni ate ang kanang kamay nito.

“Oh tingnan mo! may pilay siya Veron, dalhin mo mamaya si Shadow sa vet, para maagapan agad.”

“Opo ate” wala sa sarili kong sagot.

“At ingatan mo.” pagbabanta ni ate.

Tumango nalang ako.

Umakyat ako sa kwarto at inisip ang nangyari kanina.

Bakit parang hindi naman pusa 'yong naramdaman kong sumiksik sakin kanina.

Nababaliw na ba talaga ako?

Magpakunsulta na kaya ako sa mental?

Mental agad Veron?

Ahhhh!

Gumulong gulong ako sa aking higaan. At maya maya pa'y nakatulog nadin.

Pagkagising ko ay bumababa na ako para kumain, nakakagutom din pala magisip nang kung ano ano.

“Dadalhin ko pa pala sa clinic nang mga hayop si Shadow.”

Umakyat ako sa kwarto ni ate.

“Ate?” tawag ko sa labas nang kwarto niya.

Bumukas ang pintuan at pumasok naman ako.

Wala si ate?

Bat bumukas ang pintuan? Lumingon ako sa pintuan ni ate nang sumara ito.

Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi ka man lang magsosorry sa pag bagsak mo sakin kanina mommy?”

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ulit ang boses na'yon sa likod ko.





——————————————————

PLAGIARISM IS A CRIME

You can criticize my mistakes.

📝: Bell_SILVER.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY HUMAN CATWhere stories live. Discover now