Galit

16 2 6
                                    

Encantadiks1285643 Nag rereview dapat ako eh.

"Lol natawa ako sa Prologue ng Encantadia Chronicles Bathaluman ni ante ko so I decided na gawan ko ng aftermath"

My version.

~~~~~~

Pinasmasdan ni Haliya ang kanyang kaibigan, tila tahimik at nalulungkot habang pinagmamasdan ang isang nilalang mula sa kanyang Balintataw, pinanood ni Haliya ang Hara Durei kung pa'no ito tumawa sa mga kwento ng munting Sanggre at luntei ng Lireo. Napangiti si Haliya, ngunit ramdam nya rin ang lungkot na bumabalot sa isipan ng kanyang kasama.

Hindi ka parin nga pinapansin hindi ba? Tanong ni Haliya sabay tingin sa kanyang kaibigan.

Napahinga lamang ito ng malalim ng marinig nya ang tanong ng kanyang kasama.

Base sa iyong pinapahiwatig na katahimikan isa lamang ang magiging sagot nito, at ito ay ang oo hindi kaparin nya pinapansin.

Alam kong galit parin sya sakin hanggang ngayon, kung kaya't hindi ko sya masisisi.

Hindi talaga Emre, sapagka't ang May kasalanan dito ay ikaw. Sa susunod kung nais mong magustuhan ka ng isang nilalang, wag mo itong itatapon basta basta sa isang lagusan at iiwan doon, lalo na't hindi hindi habang buhay na pagmamahal ang magiging kapalit nito, bagkus ay habang buhay na pagkasuklam. Wika ni Haliya

Alam mo ang dahilan kung bakit ko ito ginawa, isa ito sa mga pagsubok nya upang makamit nya ang pagiging tunay na Bathaluman, kung kaya't kinakailangan nya itong malagpasan. Wika ni Emre pabalik.

Maari mo naman sana syang kausapin, lalo mapag-unawa naman si Cassiopea, bagkus kumilos la ng ganoon at tingnan mo ngayon ang iyong kinatatayuan! Wika ni Haliya

Kung ako si Cassiopea, pinaslang na kita sa unang pagkakataon na makalabas ako sa lagusan kung saan Moko tinapon. Wika ng Bathaluman.

Sa iyong katayuan? Maaring umiyak kalamang kagaya ng ginawa mo kay Hamir. Wika ng bathala na patalim.

Pashnea-

~~~~

Nagbukas ang isang lagusan sa devas, lumabas ang isang nilalang dala ng kanyang sandata. Ibang iba ang kasuotan at tila natutuwa sa kanyang pagbabalik.

Cassiopea! Sigaw ni Haliya sabay lapit sa kanyang kaibigan upang yakapin ito.

Hindi naman nag dalawang isip si Cassiopea na hindi ito yakapin pabalik. Totoo nga, nasa Encantadia na syang muli wika nya sakanyng isipan.

Ngunit sa oras na makita nya ang isang nilalang nandilim ang kanyang paningin, naalala nya ang ginawa nyang kataksilan dahilan upang bumitaw sya sa yakap ng bathaluman.

Hindi paman nakakapagsalita ang Bathala Ngunit Agaran syang lumapit sa bathala at sinampal nga ito ng kalakasan bago naglaho papaalis ng devas.

Tinitigan lamang sya ni Haliya ng pagkabigla sa ginawa ng kanyang kaibigan.

Maligayang pagbabalik mahal ko, wika ni Emre sana'y hawak sa kanyang pisngi.

~~~~

Anyway, kamusta na kayo ni bebe loves mo? Tanong ni Lira habang napatingin sa Bathaluman.

Agad naman nandilim bnv paningin ng Bathaluman at tinitigan ang Sanggre, binalaan na onting salita lamang ay maaring mawalan ito ng diwa.

Ito naman badtrip agad! Nag tatanong lang para lang si ashti Pirena! Wika ni Lira.

Lira.... Wika ni Cassiopea

Ayaw mo parin syang patawarin? Tanong ni Lira

Lira, kilala mo ako ng kaunti, at isa sa aking mga ugali ay hindi ko kayang magpatawad ng agaran, lalo na kung mabigat ang kasalanan nila saamin. Wika ni Cassiopea na naiirita.

Pero nag sorry naman na ata eh, bigyan mo naman ng second chance. Ito naman! Wika ni Lira baka di naman nya sinasadya.

~~~~

Naalala ni Cassiopea sa oras lumapit ito sakanya ay hindi nya pinapansin.

Sa oras na bigyan sya ng anomang kagamitan upang humingi ng tawad ay agaran nyang sinisira o sinusunog ang mga kagamitan na ito.

Hindi nya rin pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

Palagi syang nagpapanggap na hindi ito totoong nilalang.

~~~~

Tingnan mo sincere naman sya eh, bigyan Mona ng chance kasi hindi ka nyan titigilan. Wika ni Lira

At hindi Korin sya titigilan na hindi papatawarin.

At hindi rin ako mapapagod at titigil hanggang hindi ko nagagawang mapatawad mo ako. Wika ng nilalang.

Agad naman napatingin ang dalawa sa kanilang likuran, dito nakatayo ang isang Encantado na tila mandirigma, ngunit alam na alam ni cassiopea ang kanyang wangis.

Agad naman napagtanto ni Lira ang nagaganap kung kaya't umalis ito agad at naiwan ang dalawa.

Sabi ko naman sayo sincere sya eh, wika ni Lira bago naglaho.

Nilapitan sya ng bathala ngunit agad rin tumalikod si Cassiopea upang hindi sya makita.

Ano paba ang nais kong gawin upang mapatawad Moko? Tanong nito.

Maaring lubayan Mona ako at huwag mo na akong kausapin kahit kailan. Wika ng Bathaluman ng matinik

Iyan ba talaga ang gusto mo? Kung oo, sige gagawin ko ngunit sana naman ay mapatawad Mona ako, sapagka't kinakailangan kolamang gawin ang bagay na iyon para matulungan ka.

Inirolyo naman ni Cassiopea ang kanyang mga mata, ngunit nabigla ito ng marinig nya ang ingay ng pag iyak dahilan upang mapatalikod sya t makita ang bathala na tumatangis.

Nilapitan ito ni Cassiopea at tinanggalan ng luha, Huwag kanang umiyak sapagka't muka kang si ether kapag natatalo ko sya, hindi ito bagay sayo. Muka kang bata Emre. Wika ni Cassiopea na tila natatawa.

Ibig sabihin ba nito ay pinapatawad Mona ako? Tanong ni Emre

Hindi. Nakangiti na sagot ni Cassiopea, wala akong sinabi na pinapatawad na kita. Ngunit baka dumating ang panahon.

Maari bang ngayon nalamang ito? Tanong nya.

Hindi, matuto kang maghintay, kagaya ng ginawa ko noong araw na iniwan mo akong mag isa na lumaban. Kung kinaya ko kakayanin Korin, bathala ka hindi ba? Tanong nya.

Napatahimik nalamang ang bathala, kahit ano'ng gawin nya ay tila tumigas na ang puso at damdamin ng Bathaluman. Ngunit nabigla ito ng bigla syang halikan sa labi ngabilisan.

Tsaka, natutuwa akong nakikita kang tumatangis, muka kang bata, wika nito habang natawa sabay naglaho papaalis.

Avisala mieste, ata kala kopanaman si Haliya ang iyakin na Bathaluman sa inyong lima.

Naiwan naman nakatayo ang bathala na tila puno ng emosyon na hindi nya maintindihan.

Samantala pinasmasdan lamang sya ng Bathaluman sa May puno lumilipad bilang isang ibon, muling natatawa sa kanyang ginawa.

Masaya rin pala g paglaruan ang mga nilalang. Wika nya sa kanyang sarili bago lumipad papaalis.

Encantadia: Cassiopea StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon