Sugat

7 4 0
                                    

For my frenzy Li4nneeeee

Nagtungo ang diwata sa gubat, nagmamasid sa paligid, niraramdam ang presensya ng isang nilalang na kinakailangan nyang hanapin. Hindi nag tagal ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang mahanap ang nilalang na ito. Isinamo nya ang kanyang mga alaga at nagtanong.

Avisala mga kaibigan ko, maari nyo ba akong tulungan na nahanap ang Encantado na walang iba kundi ang ating bathala na nawalan ng kapangyarihan? Alam kong narito lamang sya sa gubat, kung kaya't maari bang ituro nyo ang kinaroroonan niya?

Agad naman lumipad ang mga Munch'ka upang hanapin ang Encantadong pinapahanap ng kanilang amo.

Sinundan naman sila ng Diwata,mag iilang oras rin bago nya mahanap ang nilalang lalo nya pabago bago ang direksyon na pinatutungan ng kanyang mga alaga. Ngunit ng makarating ang kabilugan ng mga buwan na halos maghahating gabi narin nakita na nya ang kanyang hinahanap.

Pinasalamatan nya ang kanyang mga alaga bago to bumalik at lumipad pabalik sa kanilang mga kinaroroonan.

Pinagmasdan nya itong nagpapahinga sa May puno, tila mag isa ngunit ramdam nya ang presensya ng mga alaga ng nilalang sa paligid, nag babantay para sa kanyang kalagayan.

Unti unti nyang nilapitan ang Encantado, nakita nyang tila Malalim na ang kanyang pamamahinga, kung kaya't napangiti naman ang diwata.

Sinong mag aakala, na makakaranas ka ng ganitong situwasyon, ang simpleng pamumuhay ng iyong mga nasasakupan. Wika nya sa kanyang isipan.

Tinabihan nya ito ng dahan dahan at tila napansin ang napakaraming sugat na kitang kita mula sa kanyang katawan. Agad naman itong nag alala

Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang malaman kung ano ngaba ang naganap upang magkaroon sya ng ganito karaming sugat. Sa oras na gamitin nya ang kanyang kapangyarihan nakita nya ang paglaban nito sa Bathaluman na sumakop sa kanyang tahanan. Kung kaya't nalungkot naman ito para sakanya.

Dahan dahan nyang hinawakan ang kanyang sugatan na pisngi, umudlot naman ang nilalang ngunit hindi ito nagising kung kaya't napahinga ng malalim ang Diwata. Dahan dahan nyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang magamot ang kanyang mga sugat, at sa oras na magamot nya ang mga ito, tinanggal nya ang suot nyang balabal upang magamit muna ng Encantado.

Agad naman syang tumayo at muli itong pinagmamasdan, natulala lamang ito at napangiti sa huli. Habang hindi pa ito nagigising, gumawa na muna ng pansamantala apoy ang diwata upang hindi naman sila lamigin sa gabing sumikat.

Nagtungo sya sa isang kahoy at duon nanatili. Pinagmasdan nya ang dalawang buwang ba tila ang lakas ng silaw ng liwanag. Muli nyang pinagmasdan ang Encantado na nasa kanyang harapan lamang at nahihimbing.

Naway magtagumpay ka sa anomang plano na nais mong maisagawa, lalo na't kinakailangan karin ng Encantadia, sa mga panahon na ito. Wika nya

Hindi nag tagal tika unti unti narin nakatulog ang Diwata dahil sa pagod sa pakikipaglaban sa mga Etherian. Maya maya lamang ay nagising na ang Encantado mula sa kanyang paghimbing dahil sa paggambala ng kanyang alaga sakanya. Pinagmasdan nya ang paligid at tila wala naman nagbago.

Tila tama ang aking desisyon na dito magpahinga, lalo na't natatago rin halos ang aking kinaroroonan. Wika nya sa kanyang sarili.

Bago paman ito bumangon, napansin nya ang isang balabal na tila bumalot sya kanyang katawan, nagtaka naman ito kung kanino ngaba ito galing, sa oras na natanggal nya ito mas lalo lamang syang nagtaka ng makita nyang wala na ang kanyang mga sugat.

Kamangha mangha.. sinong maygawa nito sakin? Tanong nya sa kanyang sarili.

Muli nyang pinagmasdan ang balabal, kulay lila .. napagtanto nya, tila alam nya ang isang nilalang na mahilig sa ganitong kulay. Onti onti nyang inamoy ang tela nito at napangiti nalamang. Hindi nga sya nagkakamali lalo na't isa lamang sa buong Encantadia ang mahilig sa kulay lila at lilac na bulaklak na matatagpuan lamang sa nag iisang isla ng capade na May roong napakaganda at hindi pangkaraniwang amoy.

Pinagmasdan nya ang paligid at nakita nya ang apoy ba tila ginawa ng diwata upang hindi sila lamigin, ngunit ang nakita nya ay ang isang Etherian na unti unting lumalapit patungo sa direksyon ng nahihimbing na diwata sa ilalim ng May puno.

Pashnea! Sigaw nya agad naman syang tumakbo sa kinaroroonan ng etherian at kinalaban ito, hindi rin naman nag Tagal ang laban lalo na't agaran naman syang nanalo.

Unti unti naman nagising ang diwata, nakita nya ang Encantado na nakatayo sa kanyang harapan hinintay nyang muling luminaw ang kanyang pagtingin bago nya mapagtanto kung sino ito.

Cassiopea, ayos lamang ba? Tanong ng Encantado

Nagtaka naman ang diwata, Oo mahal na Emre, ayos lamang ako, ngunit bakit ka napatanong? Nagtataka ang diwata.

Muntikan kapang paslangin ng isang Etherian habang ika'y naidlip. Tila hindi Morin namalayan ang presensya ng kawal. Wika ng Bathala.

Poltre, sa lalim ng aking pagka idlip lalo na't napagod rin ako sa digmaan na aking ikinahanaharap bago paman kita mahanap. Wika nya

Ayos lamang ngunit sa susunod mag-ingat ka ng ibayo. Wika nya sabay pag alok ng kanyang kamay upang makabangon ang diwata.

Agad naman tinanggap ni Cassiopea ang kanyang tulong  upang makatayo. Sa oras nagkaharapan na sila nakita nya ang ibang Etherian na unti unting lumalapit sa kanilang likuran kung kaya't nagalit ito. Agad nyang itinulak ang bathala at nagpasabog ng kapangyarihan sa mga Etherian na paparating.

Muli nyang tiningnan ang bathala ngunit mayroon nanamang etherian, ngunit tila tumatakbo ito patungo sa kanilang direksyon kung kaya't agad rin syang tumakbo at hinawakan ang bathala kasabay ng paglaho, bago paman aila parehas masugatan.

Dahil sa bilis ng pagkahila ni Cassiopea sa oras na makarating sila sa isang parte ng gubat agad silang bumagsak sa lupa. Muli nilang tinitigan ang isa't isa at dito napatanong si cassiopea

Ayos malamang ba?

Natulala lamang ang bathala at tumango, agad naman napagtanto ni Cassiopea ang kanilang posisyon kung agad syang bumangon, maging ang bathala.

Tila sobra sobra na ang ginagawa ni ether, tika intensyon nyang galitin tayo at paslangin. Kung kaya't kinakailangan na nating kumilos.

Agad naman sumang-ayon si Cassiopea at duon tumalikod ang bathala at muling naglakad, ngunit napatigil ito.

Nilapitan nya si cassiopea at isinauli ang balabal, tila sayo ito hindi ba? Tanong nya.

Oo... Sakin nga, sagot ng Diwata.

Avisala eshma, wika nya at napangiti

Tinanggap naman ni cassiopea ang isa sa kanyang nga kasuotan pabalik at ngumiti nalamang ito .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Encantadia: Cassiopea StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon