Desisyon

13 3 9
                                    

CONTINUATION OF PAGKAKAMALI BY Encantadiks1285643

Naglaho ang Bathaluman patungo sa kanyang isla dala ang isang pangkaraniwang pagkain mula sa mundo ng mga tao. Sa oras na makarating sya rito nakita nya ang isang nilalang na nakaupo sa lupa. Napahinga ng malalim ang Bathaluman ng mga diwata bago nya lapitan ang nilalang.

"Sa palagay moba talaga ay matatakasan mo ang aking kapangyarihan?" Tanong nito gamit ang kanyang isipan.

Agad naman napatalon ang nilalang at napatingin sa kanyang likuran. Nakita nya ang Bathaluman na nakatayo at pinagmamasdan sya.

Mahal na Bathaluman, wika nito ng mahinhin ay nagbigay galang.

Umupo ka Lira, at kausap tayo.

Agad naman sumang-ayon ang Sanggre sa kanyang sinabi. Tinabihan naman sya ng Bathaluman at parehas silang napatingin sa mga buwan.

Kainin mo muna ito, lalo na't alam kong hindi kapa kumakain ng kahit ano paman ng mag iilang araw na. Wika ni Cassiopea

Hindi po ako gutom, wika ni Lira ng hindi tumitingin.

Napasubo nalang ang bathaluman, at dito natakot ang sanggre kung kaya't kinuha nya ang pagkain ay agaran kinain. Hindi naman aminin ngunit napakasaya nya ng makakain muli, lalo nat galing ito sa mundo ng mga tao.

Hinayaan lamang ng Bathaluman na kumain ang Sanggre bago nya ito kausapin, pinagmasdan nya na tila bumabalik na ang sigla na bumabalot sa kanyang mga muka.

Sa oras na matapos ang Sanggre sa kanyang kinakain tiningnan na nya ang Bathaluman na kanina pang tahimik nagmamasid sa langit.

Alam ko po ang kasalanan ko, kung kaya't agape avi. Wika ni Lira

Hindi ka dapat sakin humihingi ng tawad, bagkus sa iyong mga ashti. Alam ko ang dahilan kung bakit hindi ka nahanap ng brilyante ng Lupa at Hangin dahil ito sa binigay na basbas sayo ni Haliya. Wika ni Cassiopea

Sorry po talaga, Nung nakita ko kung gano kayo ka disappointed sakin hindi ko alam kung mapapatawad mopaba ako. Kaya umalis nalang ako kase parang ang pabigat ko. Malungkot na wika ni Lira.

Lira, May karapatan akong magalit sa mga panahon nayon lalo na't naging pabaya ka, ngunit hindi rin ito magiging dahilan mo upang mawala ka sa Encantadia ng ilang araw. Wika ni Cassiopea

Opo naiintindihan ko, Ready nako sa punishment ko kung papasukin mo ako sa devas or not.

Lira, hindi naman kita papaslangin, ngunit noong mga panahong nayon ay May posibilidad na mapaslang ka maging ang aking anak, nagalit ako lalo na't naituring narin kita bilang ang aking anak, akong kadugo kaya't kung mapahamak ka ay hindi Korin mapapatawad ang aking sarili. Samantala naman si Celestina, kapag nawala sya hindi na namin sya mabubuhay kagaya nyo, naiintindihan Moba? Tanong nya.

Opo, Sorry ulit.Poltre. wika nya

Napahinga muli ng malalim ang Bathaluman, nilapitan nya ang Sanggre at niyakap nya ito. Isang bagay na bihira nya lamang gawin maging sa kanyang sariling asawa.

Sa oras na yakapin sya ni Cassiopea, agad naman umiyak ng umiyak ang Sanggre. Samantala sinamahan lamang sya ng Bathaluman. Dahil sa pagod Nawalan ng malay si Lira matapos ang kanyang pag iiyak. Napansin ito ng Bathaluman kung kaya't naglaho na ito papaalis, agad nyang dinala si Lira sa Lireo.

Lira! Wika ng mga Sanggre sa oras na makita nila ang kanilang hadiya.

Itinaas naman ni Cassiopea ang kanyang kamay simbolo na tumigil muna sila ng panandalian.

Huwag nyo syang pagalitan, hayaan nyo muna syang magpahinga at aya mismo ang kumausap sainyo. Sundin nyo nalamang ako. Wika nito.

Agad naman napasangaayon ang mga Sanggre, hindi nila alam ang naganap ngunit nagagalak sila na nagbalik na sa Lireo ang munting anak ng namayapang reyna.

Dinala nila si Lira sa kanyang silid, habang nagbantay naman si Mira sa kanyang pinsan, hindi sya pinabayaan sa bawa't sandali. Samantala nagbalik naman ng Devas si Cassiopea.

Nagtungo si Cassiopea sa silid ng dating Hara, Nakita nya itong pinagmamasdan ang kalangitan mula sa kanyang balkonaje. Nilapitan nya ito ng mabilisan.

Amihan, Samahan Mo muna si Lira, Kinakailangan nya ito.

Si Lira? Anong nangyayari sakanya?! Natatakot na tanong ng Hara durei.

Sundin mo nalamang ako Amihan, bumaba kana ng Encantadia. Samahan mo muna ang iyong anak. Wika ni Cassiopea at napangiti.

Agad naman sumang-ayon si amihan at ngumiti bago naglaho pababa ng Encantadia kagaya ng into ng kanyang Bathaluman. Nasasabik narin nyang muling makita si Lira.

Nagtungo si cassiopea sa silid ng kanyang anak. Nakita nya itong namamahinga sa kanyang higaan, napangiti naman ang Bathaluman ng makita nya itong nahihimbing na natutulog, naalala nya ang Sanggre Lira

Nakabalik Kana pala, Wika ng bathala na nakatayo sa May balkonaje.

Tila panahon nang bumalik si amihan sa Encantadia, lalo na't kinakailangan sya ng kanyang anak. Wika ni Cassiopea

Alam kong yan ang nais mong sabihin, Ngunit handa na kaya sila sa kanyang pagbabalik? Tanong nito.

Alam kong handa na sya, May tiwala ako kay Amihan. Wika ni Cassiopea pabalik.

Ngunit ikaw, mahal ko, ano ang magiging hakbang mo? Tanong ni Emre.

Nilapitan sya ng bathala kung saan malapit sa kinaroroonan ng kanilang anak. Pinagmasdan ni Cassiopea ang kanyang anak at napangiti.

Napag-isipan kong, Mananatili muna ako dito, hindi ko muna nais iwan si Celestina. Lao nyt mapanganib ngayong alam na ng lahat ang. Kanyang kalagayan. At kung sino sya. Nais Korin maranasan nya ang pangkaraniwang buhay, malayo sa gulo hanggang hindi pa nya nararating ang tamang edad. Mas makakabuti ito para sakanya. Sagot ng Bathaluman

Wala kabang planong bigyan sya ng kapatid? Tanong ng bathala na nakangiti

Agad naman syang pinalo sa balikat ng kanyang asawa.

Warka! Nasa panganib na nga ang kanyang kalagayan sa bawa't araw at nais mopang bigyan ng isa pananambang pag aalala ang ating sitwasyon? Tanong nito na seryoso.

Nagbibiro lamang, ngunit Ikinagagalak ko ang iyong naging desisyon, tila panahon narin na unahin mo ang iyong sarili kaysa sa iba. Grabe narin ang iyong sakripisyo para sa Encantadia,  Ito narin ang magiging susi mo upang makapagpahinga sa lahat ng naganap.

Napangiti nalamang ang Bathaluman at muling pinagmasdan ang kanyang anak. Napahinga ito ng malalim, alam n'yang darating ang araw na maaring magkatotoo ang kanyang nakitang pangitain.

Nawa'y magiba ang tadhana.

Encantadia: Cassiopea StoriesWhere stories live. Discover now