Chapter 7

5 0 0
                                    

CHAPTER 7: Song

There are only 15 seconds left. Tres catch the ball, mabilis siyang tumakbo habang nagd-dribble at agad na pumwesto para sa 3-point shot.

Pumasok ang bola sa ring kaya tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Panalo!" Nakipag apiran si Tres sa team niya. Natalo nila ang kabilang team sa kanilang practice game. Ang team nila James.

"Congrats!" They cheered except for James na tumango lang sa kanila at nakipag apiran din.

Ngumisi si Tres at dumiretso sa bench para uminom ng tubig. Their team captain tapped his shoulder.

"Sana makasama ka namin hanggang sa susunod sa laban natin sa ibang school, Tres."

Sumaludo si Tres. "Makakaasa ka, Kap!"

Nilingon ni Tres si James na kausap ang kanilang coach kaya natawa siya. Ang coach nga pala nila ay relatives ni James. Kaya madalas tuloy ay pinag-iinitan siya ng coach nila.

Nagpalit na muna siya ng damit niya, suot na niya ay plain green T-shirt at jersey short. Pagkatapos ng practice game nila ay nagdesisyon na siyang umuwi na. Madilim na rin sa labas. May mga students pa rin naman.

Bago lumabas ng gate ay kinausap na muna ni Tres si Manong guard.

"Manong!" he greeted.

"Oy, Tres!" Tumango siya at ngumiti sa matanda.

"Order po ba ulit kayo ng shanghai?"

"Oo, ah! Nasarapan ang apo ko sa shanghai. Order pa ulit ng dalawa."

Tumango si Tres. "Sige po!" Napansin ni Tres ang pagsulyap ng matanda sa likod niya kaya tinignan niya rin kung ano ang meron.

"Nandyan na pala ang apo ko,"

Naglalakad ang isang babae na may maikling buhok, nakasuot ito ng blue na polo shirt ng college of business and accountancy.

"'Lo," nagmano ang babae kay manong pagkatapos tinignan naman si Tres, nakatingala sa kanya ito dahil hanggang dibdib niya lang ang babae.

He smiled. "Ikaw pala ang apo ni Manong guard."

"Si Kate nga pala, Tres. Si Tres ang sinasabi ko sa'yo, apo, na pinagbibilhan ko ng shanghai."

Nang marinig ni Kate iyon ay nanlaki mata nito at kumislap. Natawa si Tres sa reaction ng babae.

"Ah, ikaw pala..."

"Oo.Tres nga pala," he extended his hand.

"Kate," she smiled and accepted his hand for a handshake. "Anong college mo?"

"Ah, sa CASS,"

"Psychology major ka pala..."

"Yes, ikaw accountancy?"

"Public Administration,"

Napatango si Tres.

"By the way, ang sarap ng gawa niyong shanghai."

"Salamat! Si Mama ang gumagawa nun."

"Puro pa-order ba kayo?" she asked.

"Nagbebenta kami sa village namin."

"Oh! Next time pala, pupunta ako," she beamed.

"Sure!" Nilingon ni Tres si Manong. "Sige po, una na ako, Manong at Kate... nice meeting you."

"Ingat ka, Tres. Iyong order ko, ha," paalala sa kanya.

"Aye!"

"Ingat," Kate waved her hand.

Chasing The Wild WavesWhere stories live. Discover now