Kabanata 20

31 4 0
                                    

Kabanata 20

Reasons

Tulala buong byahe pabalik sa siyudad habang nakasakay sa kotse ni Luke. Nakatitig lamang ako sa labas ng bintana at nanatiling tahimik. Tanging ang musika lamang na tumutugtog sa stereo ng kanyang kotse ang naging ingay sa aming buong byahe.

It was already sunrise when we drove to the sky way of Cebu City. The scenery was mesmerizing. But that doesn't change the fact that I like sunsets more than sunrise.

"Do you want me to end the arrange marriage that your father wants?" napatigil ako at bumaling sa kanya.

Nanatili ang kanyang mga mata sa harapan habang nagmamaneho ng kanyang kotse. Nagsimulang tumibok ang aking puso na para bang hindi makapaniwala sa aking narinig.

"I-i don't know, Luke. My dad won't like it if he finds out. Lalo na at gusto niya akong ipakasal sa kapatid mo at hindi sayo," wika ko habang inaalala kung paano ako pagalitan ng aking ama dahil sa mababang grado noong nasa elementarya ako.

He would always scold me if I got a line of eight on my grade before and would always compare me to my brothers. He would always tell me to aim higher. I would always feel terrible after being scolded by my father.

"You don't have to do anything. Hayaan mo ako ang lumaban para sa ating dalawa. Just stay with me sweetheart, I'll be the one to face everything." seryosong sabi niya bago bumaling sa akin.

Nagkasalubong ang aming mga titig at nakita kong ang sarili kong repleksyon sa kanyang mga mata. Narinig ko ang bilis ng tibok ng aking puso dahilan para muli akong tumingin sa labas ng bintana.

Napakagat ako ng ibabang labi at hinawakan ng mahigpit ang aking palad. This was the first time someone wants to take a risk for me. Simula nung bata pa lamang ako ay hindi ko maiwasang mainggit sa aking mga pinsan dahil hindi tulad nila ay nangingialam ang kanilang mga kapatid.

Ilang minuto ang nakalipas ng matanaw ko ang pamilyar ba village kung saan nakatayo ang aming bahay. Bumukas ang gate ng San Josemaria Village at unang pumasok ang van na sinasakyan nila Kuya Leon. Sumunod ang kotse ni Colton at kotse ni Luke.

It was already seven in the morning when we arrived in the village.

We entered the streets of the familiar village of my childhood. Memories from the past began to resurface. The houses were different and it was really renovated. The van stopped in front of Shivani and her family's house. Colton's car did the same and Luke parked his car next to his brother's car.

Lumabas silang lahat mula sa van at nagsimulang mag hakot ng kanilang mga gamit. Napatingin si Kuya Leon sa kotse ni Luke ng mapansin na wala ako sa kotse ni Colton. Isang pamilyar na sasakyan na nakaparada katabi ng bahay nila Shivani.

"Is that your dad's car?" tanong sa akin ni Luke. Napalunok ako at dahan-dahan tumango.

Nagulat na lamang ako ng pinatay niya ang stereo at lumabas sa kanyang kotse. Pinagmasdan ko siya habang naglakad siya sa harapan ng kanyang kotse patungo sa pintuan ng passenger seat. Mabilis kong tinanggal ang aking seatbelt upang unahan siyang buksan ang pintuan.

He slowly opened the door which made my heart worried. I glanced at my father's car hoping that he wouldn't see anything. I slowly got out of Luke's car and walked quietly to my cousin's van. The boys were busy taking out our baggage from the back of the van while the girls were just outside the door.

Titinitigan lamang ako ni Kuya Leon at umiling bago lumapit sa kotse ng aking ama. Si kuya Levi naman ay napangiwi at sumunod kina Carson na naglabas ng mga gamit namin.

"Lex, akala ko sasabay ka sa amin kanina?" bati sa akin ni Shivani ng makalapit ako sa kanila. Mabuti na lamang at malayo mga lalaki sa amin kaya hindi narinig ang kanilang mga tanong.

Behind The Scars (Serviano Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon