CHAPTER TWO

31 2 0
                                    

ELLE JAY's POV

"So, bakit may elementary dito?" masungit niyang tanong pagkapasok namin sa kanyang bahay. May dalawang maid na lumapit sa akin at kinuha ang mga gamit ko. Natitigilan ko silang sinundan ng tingin. 

"Lola..." naiilang kong tawag sa kanya. "Pa-overnight."

"K." masungit pa rin niyang sabi.

Napakurap-kurap ako. "K-K?"

Binugahan niya ako ng hinithit niyang tobacco gamit ang churchwarden pipe. "Ayaw mo?" Napatitig ako doon. Ang haba ng tobacco pipe niya! At hindi ko man lang iyon napansin---Ah, parang may nakita akong nakatusok sa buhok niya kanina?

Pinaypayan ko ang usok palayo sa aking mukha. "Gusto po."

"K." tumalikod siya. "Follow me."

Naiilang ko naman siyang sinundan at mas nagutom ako sa haba ng nilakad namin. Hanggang sa makarating sa tingin ko'y kusina ay napanganga ako. "Bakit ang daming pagkain?" naibulalas ko sa gulat.

"Trip ko lang." umupo siya sa kabisera at tinignan niya ako. Nginiwian niya ako at sinenyasan na umupo. "Tutulungan mo akong ubusin ang mga ito." 

Eh?

Pagkaupo ko naman ay ang bibilis kumilos ng mga maid. May nagsasalin ng inumin at may naghihiwa ng mga karne at inilalagay iyon sa mga plato namin. I'm starting to get dizzy!

"Ano pong meron..?" hindi ko na mapigilang itanong. Napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Sino pong may birthday?"

Nalukot ang kanyang mukha. "Ilang taon ka na?"

Napakurap-kurap ako. Bakit niya natanong? "Seventeen po."

"Bukas?" nagpasalin siya ulit ng wine sa baso niya.

Natigilan ako. "...Eighteen." 

Birthday ko na pala bukas! Nakalimutan ko? Hala!

"Early celebration." napatitig ako kay lola na kumakain ng potchi. S-Saan nanggaling 'yon? "Gutom ako eh. Hindi na ako makapaghintay bukas." tinitigan niya ako pabalik. "Bukas na 'yung cake mo."

"Po...?" gulat kong bulalas. "Lola...You mean, you've been celebrating my birthday...?" hindi siya umimik. "...ng maaga?" dugtong ko at mahinang natawa. "I didn't know."

Ang masungit niyang mata ay nag-iwas ng tingin. "Paano mo malalaman kung hindi ka man lang bumisita dito ni minsan?" namasa ang aking mata. "You are busy and neglecting yourself just to earn a compliment from your parents. You spent all your birthdays like it's just an ordinary day."

Nagsilaglagan na ang mga luha ko sa aking pisngi. Nanikip ang aking dibdib at napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. She sighed but she's still frowning. "If only you realized sooner that your world doesn't revolve only to your parents. Your world is your own. Not anyone else's." tumayo ako at nagmadaling tumakbo patungo sa kanya. I hugged her tight. 

"Lola. I'm so sorry. I'm so sorry kung hindi ako nakakabisita." mahina akong umiyak sa kanyang leeg. She hugged me back but only for a few seconds.

Inilayo niya ako agad sa kanya. Nakasimangot niyang tinignan ang mukha ko. "Kanina pa ako gutom. Pwedeng kumain muna tayo? Kaya hindi ka tumatangkad eh." napangiti ako at bumalik na sa kinauupuan ko.

I ate as much as I can and when midnight strikes, she made me drank a liquor for the first time. "Hehehe." she smiled wickedly.

Lola!

ADRENALINE CLASSWhere stories live. Discover now