CHAPTER SEVENTEEN

10 0 0
                                    

ELLE JAY's POV

Coleen came and I confirmed one of my overthinking moments. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko iyon. But her eyes shows no emotion. Paano niya nagagawang ngumiti habang wala akong makitang emosyon sa kanyang mata? It's like she's a robot or something.

Silence doesn't clarify things. It only made me confirm most of my speculations and I overthink more. Why is it so hard for some people to deny or confirm some things when they are confronted? Were they surprised to face such questions? Or being silent makes people think it's the safest way to not escalate or worsen the situation?

Bruh. Either you confirm or deny or fluffing stay silent will not make my hurt feelings go away.


EARLIER...

"So, kamusta ka?" nakangiti niyang tanong.

Tumango-tango ako. "...Ayos lang." pasimple kong hinawakan ang lalamunan ko. My throat feels dry. I'm thirsty. Nag-iwas ako ng tingin nang maalala ko ang ginawa ko kagabi.

I don't know what suddenly came to me but it was already too late when I realized I killed a wandering wolf and...

...suck its blood like I've been thirsty for so long.

I clenched my jaw and felt disgusted. 

"Elle Jay?" napakurap ako at ibinalik ang tingin kay Coleen. Her face shows concern and worry pero parang hindi genuine. Tinitigan ko siya ng matagal. Kumaway-kaway siya sa mukha at nagtataka sa pananahimik ko. "Elle Jay? Hello?" tumigil siya. I watched every expression she made. Bawat kibot ng kanyang labi, pagkurap ng mata, pagtaas ng kilay...lahat iyon ay hindi ko pinalampas. She sighed. "As I thought, you're still not okay. Badtrip naman itong si Duke. Akala ko aalagaan ka niya ng mabuti." she tsked and whispered the last few words.

But I heard it all. Coleen knows Duke. The way his name came out from her lips shows familiarity. Matagal na silang magkakilala. At bakit siya nandito? I believe that Twilight is very strict, that's what she said. How come she can pay a visit here outside the main campus? We're both new students here. Nang subukan ko ngang magpaalam kila Bbibi kung pwede ko siyang bisitahin ay sinabi nilang bawal at may time din na papasok na kami sa main campus. 

But Coleen can? How weird. Suspicious, even. 

"I'm fine now, Coleen. Salamat sa pag-aalala." pilit akong ngumiti sa kanya. 

Nakahinga siya ng maluwag at niyakap akong muli.

Her body feels cold. A person's body should be warm as it indicates that you're alive. O baka naman lowblood lang siya katulad ko kaya malamig ang katawan niya? 

Sinadya kong hawakan siya sa pulsuhan nang humiwalay siya sa akin. Bahagyang nanlaki ang aking mata pero hindi ko iyon pinahalata.

"Nako. Ano ba kasing ginagawa mo? Lagot ako nito sa lola mo."

"Haha. Nonchalant 'yon. Don't worry." natatawa kong sabi.

Ngumisi siya. "Mukha nga. Biruin mong itinapon niya pa 'yung invitation letter na inihatid ko? Gosh. Alam mo bang binugahan niya ako ng hinihithit niya..." unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Tinakpan niya ang bibig kaya napatigil ako sa pagbibilang habang nakahawak sa pulsuhan niya.

Okay lang. Sumakto naman sa isang minuto. I'm done doing a BPM to her pulse. And what I found out is that...

"Kilala mo ba si lola? Sa tingin ko ay hindi mo pa siya namimeet." inosente kong tanong. Nakatingin lang siya sa akin at halata pa rin ang pagkagulat. "You delivered the invitation letter? Lah. Parang humihina na ata pandinig ko kasi imposible naman. Hehehe." napakurap siya at ibinaba na ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig. I saw her trying to stretch a smile. "Huy. Seryoso. Baka lowblood nga yata ulit ako. Huhu."

...she has no pulse.

Hindi pa rin siya nagsasalita kaya ngumiti ako. "Baka lowblood ka rin?" kunwarng tanong ko. "Huwag kang tumulad sa akin, Coleen." umiling-iling pa ako.

"No. Hindi ako lowblood." mahina niyang sabi.

"Buti naman. Medyo malamig ka kasi." her face stiffened. "Wala ka namang sakit?" tanong ko pa ulit.

Tumikhim siya. "W-wala. Huy. Ang healthy ko kaya! Tsaka dapat ikaw ang kakamustahin ko, 'di ba?" pabiro niyang sabi.

She looks uncomfortable. Her voice trembled a little as well. She's nervous.

"Weh?" inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Nag-aalala kasi ako." napatikom siya ng bibig at bahagyang umatras. "I'm glad you're not unwell. Otherwise, I might be wrong that you don't have a pulse." hindi niya namalayan na hinawakan ko ulit ang kanyang pulsuhan. Bumaba ang tingin niya doon at hindi na ulit makatingin sa akin. "Coleen. Tell me...why did you trick me?"

I slightly glared at her, waiting for her response. But she remained silent. Pumikit ako at lumayo na sa kanya. Nang magmulat ako ng mata ay tumingin ako sa labas ng bintana. It's a warm morning.

"I believe I deserve an apology and an explanation, Coleen." malumanay kong sabi. Napansin kong nag-angat siya ng tingin sa akin.

"E-Elle Jay..."

"I'm not dumb." nilingon ko siya. "Tahimik lang ako minsan at may kakaibang sense of humor pero may napapansin pa rin ako, Coleen. I am an introvert who overthinks everything. But I try to take advantage of that and use it to critically think and analyze situations and information. Even so, I'm hurt. You know something I don't know. And it's about me. Don't you think I deserve to know that?" napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. "Alam mo bang kung ano-anong physically draining exercises ang pinapagawa sa akin ni lola? Maybe she expected that I will be studying here. Maybe she also expected that I'll be in this class wherein we will take advantage of our adrenaline rush to survive. Hindi ba't iyon ang rason kung bakit Adrenaline Class ang tawag dito? And both you and Duke knew my grandma. Nobody told me everything I deserve to know!" nahigit ko ang aking hininga nang tumaas ng kaunti ang boses ko. "Ngayon, may kakaibang nangyayari sa akin. I'm seeing red tints on my vision when my emotion overwhelms me. I feel more thirsty. Until I sucked an animal's blood to quench my thirst last night. I think you know what happened. Nonchalant nga lang kayo ni Duke eh. More like you expected that scenario to eventually happen already."

Sa haba-haba ng sinabi ko ay wala siyang naging komento. Wala ring violent reaction. The OA Coleen was now gone in front of me. Her eyes still shows no emotion but the way her expression shows guilt and concern upsets me.

Nag-iwas ako ng tingin at napakunot noo. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot. Tinalikuran ko ang direksyon niya. Maya-maya ay naramdaman ko siyang tumayo. 

"I'm sorry, Elle Jay." her voice sounds guilty. "Please, get well soon."

Iyon lang at tahimik na siyang umalis ng kwarto. Nagmulat ako ng mata at tumingin sa bintana. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko at tahimik akong umiyak.

I'm so upset.

I don't know what's going on anymore. I was so proud to be one of the brightest student back in senior high school. But this school makes me feel so dumb about being ignorant to myself and to what's going on. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito.

Fluff. Coleen, I considered you as a friend. Why did you trick me?

Ang poging mukha ni Duke ang dumaan sa isipan ko. Huhuhu. Badtrip naman oh. Pwede bang sabihin niyo na lang sa akin kung anong itinatago niyo? 'Yung pagiging silent chismosa ko ay tuyong-tuyo na! Kahit pa tungkol sa akin 'yan, spill the tea naman oh. Para namang others 'tong mga 'to. 

HUHUHU! T_T

ADRENALINE CLASSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora